Direk Lore Reyes admits Magikland was made not to make money, but to promote a theme park

by Jerry Olea
Dec 17, 2020
(Left photo) Direk Lore Reyes and the late Peque Gallaga on the set of Magikland; (right) Magikland stars Joshua Eugenio, Princess Rabara, Elijah Alejo, and Miggs Cuaderno.
PHOTO/S: Courtesy of Brightlight Productions

Sa first four official entries ng 46th Metro Manila Film Festival na pinili base sa screenplay, tanging ang fantasy adventure na Magikland ang natira.

Nag-back out, for one reason or another, ang Praybeyt Benjamin 3 ni Vice Ganda, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Joshua Garcia, at The Exorcism of My Siszums nina Toni & Alex Gonzaga.

Naisip din ba ng mga nasa likod ng Magikland ng umatras sa MMFF 2020?

“Ang totoo nito, alam mo ba na ikalawang MMFF na namin na inambisyon ito?” natatawang sambit ni Direk Lore Reyes sa virtual mediacon ng Magikland noong Disyembre 9, Miyerkules ng tanghali.

Isa si Direk Lore sa apat na executive producers ng Magikland. Ang tatlo pa ay sina dating Congressman Albee Benitez, Rey Bantug, at ang namayapang Direk Peque Gallaga.

Pagpapatuloy ni Direk Lore, “It’s supposed to be our entry sa last year MMFF. Ang nangyari kasi, nagkaroon kami ng napakaraming problema sa shooting dahil sa bagyo.

Continue reading below ↓

“Binagyo kami, apat na beses. 'Tapos, meron kaming medyo life-threatening na aksidente noong sinu-shoot namin ang cameo nina Paolo Contis sa marble quarry.

“Noong nagsu-shoot kami sa marble quarry, nag-landslide. Bumagsak iyong isang malaking-malaking piraso ng marble na mas malaki pa sa trak.

“So, pinagbawalan kaming mag-shoot doon. Aside from that, a lot of the forest scenes na we were suppsed to shoot in the forests of Tanay and Pililla [Rizal], ang nangyari, sa green screen namin syinut.

“Sa Makati lahat namin syinut. So, hindi natapos ang pelikula dahil sa dami ng kailangan naming gawin na CGI [computer-generated imagery].

“I think we used more than 30 artists, computer artists, and it took more than two years to finish the film.

“That’s part of the reason, bukod sa original script, napakarami na talagang effects na supposed to be gagawin sa computer, nadoble. Natriple.

“Dahil iyong mga eksena na dapat ginagawa namin sa totoong bukid, sa totoong marble quarry, sa totoong gubat, e, napilitan kaming gawin sa studio.

Continue reading below ↓

“So, hindi talaga kami aabot sakaling pumasok kami sa MMFF last year. So, thank God, umabot kami this year.

“And we never thought of backing out.”

Umayon ang direktor ng Magikland na si Christian Acuña, “Sabi nga ni Direk Lore, ilang times na kaming naudlot. Parang ang haba na ng journey namin sa paggawa ng pelikula namin.

“When we found the opportunity to show it, we grabbed it na. At the same time, sakto iyong theme and iyong movie sa panahon—sa Christmas, at the same time, sa mga batang stuck.

“It will give them a chance to experience this fantasy.”

COLossal budget

Dahil sa dami ng aberyang inabot ng Magikland, lumaki ang production budget nito.

“Noong initial presentation, ang initial budget na ginawa namin ni Direk Peque as line producers, ang cost nito ay P97M, OK.

"After binasa ng Central Digital Lab ang script, tumawag sila ng emergency meeting!" natatawang lahad ni Direk Lore.

Continue reading below ↓

“Ako, si Direk Peque, si Direk Christian, kaharap nina Monet Dayrit. Sabi nila, ‘I’m sorry, I have bad news for you. Hindi kasya ang P97M ninyo sa dami ng computer effects na gusto ninyong ambisyunin dito sa pelikulang ito. Sorry.’

“Iyong cue sheet nila ng computer graphics, siguro, mga anim na dipa. Hindi nagkasya sa restaurant table namin.

“So, the budget was adjusted. The first time, to P140M. 'Tapos... kung gagawin iyong lahat ng computer graphics na hinihingi ng script...

“On top of that, dumagdag pa iyong napakaraming computer graphics dahil hindi namin na-shoot sa totoong location.

“So, they had to be made at the computer, iyong forests, marble quarry, rivers, et cetera.

“So, finally... ahh, ahhh... madali namang paliwanagan si Congressman Albee, e. Basta nakikita naman niya iyong reason.

“I think, lumampas kami ng P200M, e. Pero kagaya nga ng lahat ng pelikula namin, sabi ko nga, kapag hindi kailangang gastusin, nagsosoli kami.

Continue reading below ↓

“Si Mother [Lily Monteverde], talagang nagugulat kapag nagsosoli ako ng pera, e. As in cash, isinosoli ko, nakasupot ng Hi-top.

“Sa mga pelikula namin, we’re really proud na lahat ng pera ng producer, nakikita sa screen.”

Paano na ang Return Of Investment (ROI) ng Magikland? Nag-request ba si Congressman Albee na magtipid, o bawasan ang special effects ng pelikula?

When Congressman Albee asked Peque to, ‘Please make me a movie about Magikland, about my theme park,’ sabi niya, ‘it does not have to make money.’

“Iyon ang ano niya. The important thing is, ‘Give me a beautiful movie that will properly introduce the theme park, that will help all the attractions that they will see in Magikland.’

“So, never naging consideration iyon na kapag lumaki ang budget, let’s think about stopping production, ha? No.

“This film was primarily produced by Congressman Albee to promote the Magikland theme park.

“So, that was never a consideration, na masyado nang malaki [ang budget]. Hindi ginawa itong pelikula para kumita sa takilya kundi para i-introduce iyong napakalaking park na ginawa nila sa Negros Occidental.”

Continue reading below ↓

MAGIC MOVIES

Topgrosser sa MMFF 1996 ang Magic Temple, na idinirek nina Peque at Lore. Labing-apat (14) ang nominasyon nito, at napanalunan iyon lahat ng pelikula.

Sa MMFF 1997, entry nina Direk Peque at Direk Lore ang Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis. Marami ang na-disappoint dito.


Dahil ba sa nangyari sa Magic Kingdom kaya natagalan bago nagkaroon ng bagong “Magic” movie sina Direk Peque at Direk Lore, bagamat ipinaubaya nila sa iba ang pagdidirek ng Magikland?

Continue reading below ↓

Natigilan ng ilang sandali si Direk Lore bago sumagot, “Nagkaroon kami ng ano, e... ahhm, alam niyo naman, hindi kami ang nagpi-finance ng mga project namin.

“So, whatever comes along, iyon ang ginagawa namin ni Peque. Whatever is offered, ‘no?

“Pero siyempre, ang tagal naming inambisyon na sana, makagawa uli kami ng Magic Temple, ng Magic Kingdom.

“Babanggitin ko lang, ang laki ng difference ng Magic Temple saka Magic Kingdom. Iyong Magic Temple, kami lang ni Peque ang sumulat. As in. “

Bini-brainstorm namin iyan, kasama namin si Erik Matti. Pero walang nakialam sa amin na komite.

“Ang laking bagay niyan para sa ganyang klaseng genre. Pag maraming nakikialam, least common denominator, ‘Ay! Ayoko ng creature na ‘yan!’ ‘Ay! Ayoko ng eksena na ‘yan!’ Ay!

“So, tanggal na nang tanggal. So, you end up with the least common denominator.

“Kaya iyong ano, ganoon... napakapersonal ng Magic Temple, kami lang ni Peque ang sumulat ng script niyan.

Continue reading below ↓

“Merong nag-attempt na pakialaman iyan noong nasa gitna na kami ng shooting, hindi ko na babanggitin ang pangalan, pero talagang nagmatigas kami.

“Kasi, kapag ganyang maganda na, ang daling pakialaman, e. Kapag nakita mo na yung punto, ang dali nang mamintas, e.

“Let us do our original concept. Please, let us finish. 'Tapos, makikita niyo naman.

“Hindi ko naman sinasabi na pinakialaman kami ng Viva sa Magic Kingdom, ‘no? Pero ibang-iba iyong proseso ng final screenplay. Ang laking bagay din, e!

“'Tapos, about wanting to produce or direct another Magic Temple, another Magic Kingdom—of course, it was always in our wish list.

“In fact, pumirma kami ng five-movie contract with Star Cinema to produce, not necessarily to direct, pumirma kami ni Peque ng five-picture contract kay Malou Santos to produce five different films, kahit one film a year.

“Mga sequel siya, or prequel ng Magic Temple. Imagine-in mo, noong nagsimula kami, katorse anyos pa lang si DJ, si Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

“So, siya iyong casting namin. Tumagal lang nang tumagal iyong proseso ng ... alam mo naman iyong proseso tulad sa Star Cinema, di ba?

“So, ayun, nabayaran naman kami, awa ng Diyos. Pero sana, matuloy iyon ng Star Cinema. Kasi, limang pictures iyon na along the same lines.”

MAGIKLAND CAST

Bida sa pelikulang Magikland ang young actors sina Miggs Cuaderno, Joshua Eugenio, Elijah Alejo, at Princess Rabara.


Continue reading below ↓

(From left) Elijah Alejo, Princess Rabara, Miggs Cuaderno, and Joshua Eugenio

Gumanap si Miggs bilang Boy Bakunawa, ang pangunahing tauhan ng larong Magikland.

Sandata ni Boy ang Espada ng Katapatan. Kasangga niya ang Bakunawa (Dragon King, o mythical god ng Magikland) sa pakikipaglaban sa evil Lord na si Mogradoor.

Pumapel ang batang Tondo na si Joshua bilang Pat Patag, na laking-kalye. Suot niya ang Baluti ng Katibayan na konektado kay Pawi, ang Pawikang Diyos ng Karagatan.

Gumanap si Elijah bilang Mara Marapara, ang motherly figure ng grupo. Nagmumula ang power niya sa Pulseras ng Kapayapaan, na konektado kay Usasa, ang Diyosa ng Kagubatan.

Pumapel si Princess bilang Kit Kanlaon, ang pinakabata pero pinakaagresibo sa grupo. Hawak niya ang Maso ng Katapangan, na nakakonekta kay Idikidik, ang Diyos ng Templo.

Malaki rin ang papel nina Jun Urbano at Bibeth Orteza sa Magikland. Maliban kay Paolo Contis, maraming kilalang artista ang nag-cameo sa pelikula.

Continue reading below ↓

Ang Magikland ay iprinodyus ng Brightlight Productions, at isa sampung official entries ng MMFF 2020.

Gaya ng ibang entries, mapapanood ito sa Upstream app mula Disyembre 25 sa halagang P250.

Para sa mga nasa Pilipinas, pwede nang mag-book ng tiket mula noon pang Disyembre 7. Iyong mga nasa labas ng Pilipinas, makakabili ng tiket umpisa Disyembre 18, Biyernes.

Ang MMFF 2020 Parade of Stars ay nakatakda sa Disyembre 23, Miyerkules ng 1:00 pm.

Ang Gabi ng Parangal ay sa Disyembre 27, Linggo ng 7:00 p.m.

Ang parada at awards night ay ila-live stream sa official Facebook page ng Metro Manila Film Festival.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Direk Lore Reyes and the late Peque Gallaga on the set of Magikland; (right) Magikland stars Joshua Eugenio, Princess Rabara, Elijah Alejo, and Miggs Cuaderno.
PHOTO/S: Courtesy of Brightlight Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results