Luis Hontiveros sets conditions before agreeing to frontal nudity

by Jerry Olea
Dec 21, 2020
Kissing scene with a guy? Luis Hontiveros says yes. How about frontal nudity? He replies, “Ahh, I guess we’ll cross the bridge when we get there..."
PHOTO/S: The Baes of the Philippines on Facebook; GMA Artist Center

Natuwa si Luis Hontiveros nang mag-number 1 recently sa Top 10 ng Netflix Philippines ang pelikulang The Panti Sisters.

Gumanap sina Luis, Addy Raj, at Mark McMahon sa nasabing pelikula bilang mga pinsan ng mga bida na ginampanan nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

"Sobrang saya!" nakangiting bulalas ni Luis matapos ang press preview ng pelikulang Coming Home nitong Disyembre 18, 2020, Biyernes sa Cinema ‘76, Luna Mencias St., San Juan, Metro Manila.

“Ibang experience nung pinanood nga namin ng family ko, iyong sister ko ang tumawag, ‘Kuya! Kuya! Kuya! Number 1 iyong Panti Sisters!’

“Pagtingin ko, number 1 nga. So masaya, masaya yung nakita namin yung lahat, maise-share na namin sa hindi nakapanood sa sine.

“Iyong pinaghirapan namin, at saka kung ano yung ganda ng kuwento at mensahe ng Panti Sisters.”

LUIS HONTIVEROS ON DOING DARING SCENES

Ang kasama niya sa ALV Talents na si Teejay Marquez ay umariba sa Pinoy BL series ng Regal Entertainment Inc.

Continue reading below ↓

May offer ba sa kanya na mag-BL din?

“Ahhm, napapag-usapan na po pero wala pa pong definite na offer o plano. But meron po.”

Kaya niyang makipag-kissing scene sa kapwa lalaki?

“I guess po, yes,” pagtango ng Kapuso hunk actor.

“I’ve tried na rin po before when I was still in Star Magic. I did a short online film and merong ano iyon, si Marc Neumann. Parang may lips-to-lips kami doon,” natatawang sambit ng binata.

Ang co-star niya sa Panti Sisters na si Addy Raj ay nagbatibot, naghubad, at nakipag-love scene sa babae sa “Twisted” episode ng Hush, na ipinalabas noong Nobyembre 25 sa iWant TFC.

Kaya ba niya iyon?

“Yes naman po,” mabilis na tugon ni Luis.

“As an actor, I’m very open and I’m very free in terms sa exploration ng craft as long as talagang ... if I believe in the material, it’s the character, and iyong mga taong makakasama ko para makatrabaho, yes, I’m willing po. I’m very open as a craftsman.”

Continue reading below ↓

Kaya ba niyang mag-frontal nudity sa pelikula?

Si Paulo Avelino, nag-frontal sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na Fan Girl. Sa pelikulang Lockdown, nag-frontal ang bidang si Paolo Gumabao at co-stars na sina Kristian Allene, Neil Suarez, Dincent Lujero, at Jeff Carpio. Sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, nag-frontal ang bidang si Sean de Guzman at co-stars na sina Ricky Gumera, Miko Pasamonte at Mhack Morales.

“Ahh, I guess we’ll cross the bridge when we get there. Kapag may na-offer na po sa atin na ganyan, then, sisimulan na po natin iyong pag-isipan,” nakangiting sabi ni Luis.

“Pero sa ngayon, hindi ko naman po isinasara ang doors ko sa kahit na anong oportunidad. I just wanna explore and be able to hone my craft even more.”

Gumanap si Luis bilang asawa ni Shaira Diaz sa MMFF 2020 official entry na Coming Home, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Nasa cast din ng Coming Home sina Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Martin del Rosario, Jake Ejercito, Julian Estrada, Alvin Anson, Geneva Cruz at Smokey Manaloto.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kissing scene with a guy? Luis Hontiveros says yes. How about frontal nudity? He replies, “Ahh, I guess we’ll cross the bridge when we get there..."
PHOTO/S: The Baes of the Philippines on Facebook; GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results