Ritz Azul, pinagalitan dahil hindi marunong "magkiskis"
Dec 26, 2020

Sa PEP Challenge segment ng PEP Live interview ng The Missing stars na sina Miles Ocampo at Ritz Azul, nag-share ng kanilang mga experience bilang mga aktres ang dalawang Kapamilya stars.

Nagkatawanan sila pati na rin ang host ng PEP Live na si Jimpy Anarcon nang balikan nila ang mga proyektong ginawa na nasira ang continuity dahil sa pagbabago ng kanilang mga katawan.

Ibinida naman nina Miles at Ritz ang pagiging masinop sa pera sa isa pang tanong sa kanilang "Guilty or Not Guilty" game.

Sa tanong naman ni Jimpy kung napagalitan na sila noon ng direktor, walang maalala si Miles na napagalitan siya.

Pero may ibinahagi siya tungkol sa isang direktor na first time niyang nakatrabaho.

Ayon sa dating child actress na ngayon ay nakakaganap na ng iba't ibang roles, sobrang takot daw siya sa direktor na first time niyang nakatrabaho. Kilala raw kasi ang pagiging terror nito.

Sa sobrang takot daw niya sa direktor, umiiyak na siya agad kahit rehearsal pa lang ng kanyang eksena rito.

Si Ritz naman, umamin na napagalitan na siya ng hindi lang isa, kundi dalawa pang direktor.

Ang una ay si Direk Eric Quizon na hindi kinaya ang kanyang pagiging mali-mali sa dialogue dahil bagong artista pa lang noon si Ritz.

Naging aral daw sa kanya ang experience niyang ito kay Direk Eric.

Ang pangalawang direktor naman na hindi niya pinangalanan, nagalit daw sa kanya dahil hindi niya magawa nang tama ang kanyang love scene.

Unang love scene daw ni Ritz ito at "may hugging-hugging, may caress-caress."

Pero dahil hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend noon, hindi niya magawa ito nang tama.

"Malay ko ba na magkiskis na gano'n-gano'n? Mag-hug ng lalaking gano'n?" sabi pa ni Ritz.

Tanong daw ng direktor sa kanya: "Hindi ka ba marunong yumakap sa lalaki?!"

Panoorin ang video nang malaman kung ano ang naging reaksyon ni Ritz sa tanong na ito ng direktor.

Para sa buong PEP Live interview nina Miles at Ritz, i-click ang link na ito: http://bit.ly/MilesRitzPEPLive

HOT STORIES

#ritzazul #milesocampo #themissing #mmff2020 #PEPlive #PEPchallenge

Host: Jimpy Anarcon
Video Producer / Video Editor: Rommel Llanes

PEP Live is the talkshow of PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) streaming every Tuesday and Thursday at 8 p.m.

Check out our other live streaming shows as well:
PEP Live EXTRA! every Wednesday at 8:00 p.m.
PEP Hot Stories Roundup every Friday at 8:00 p.m.

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results