Detach Video
Remember when Dingdong Dantes predicted this about Paulo Avelino?
Dec 28, 2020

Sa press conference noong 2016 para sa pelikula nilang The Unmarried Wife, ipinahayag nina Dingdong Dantes at Paulo Avelino ang paghanga nila para sa talento ng isa't isa.

Naunang nagsabi ng paghanga si Paulo para sa mas senior sa showbiz sa kanyang si Dingdong.

Ani Paulo, hindi lang sa pagiging aktor niya hinahangaan si Dingdong kundi pati na rin sa pagiging mahusay na halimbawa nito sa lipunan mismo bilang mamamayan.

Si Dingdong naman, may ibinunyag tungkol sa kanyang pagiging host noon ng sinalihan ni Paulo na Starstruck Season 4.

Sa reality talent show na ito ng GMA-7 nung 2006 sinimulan ni Paulo ang kanyang showbiz career bilang isa sa mga contestants.

Hindi pinalad na nagwagi si Paulo. Ang itinanghal na male winner na may titulong Ultimate Hunk ay si Aljur Abrenica, habang sa babae naman ay si Jewel Mische bilang Ultimate Sweetheart.

Ayon kay Dingdong, may "side bets" silang mga host noon sa Starstruck.

Kasama ni Dingdong bilang hosts sa show sina Jolina Magdangal at Raymond Gutierrez.

Kuwento pa ni Dingdong, bet niya noon si Paulo, at prediksyon pa niya noon: "Isa si Paulo sa mga na-predict ko na... That will really be a significant actor of this generation, and true enough, di ba? Nangyayari nga.

"So proud na proud ako sa kanya," patuloy pa ni Dingdong habang nagre-react naman ang leading lady nila noon ni Paulo na si Angelica Panganiban.

Nagpasalamat naman si Paulo sa sinabi ni Dingdong at speechless daw siya sa sinabing iyon ng aktor na hinahangaan niya.

Sa ngayon, maituturing ngang isa sa mga importanteng aktor si Paulo. Gumaganap na ito sa mga nagmamarkang roles, katulad ng papel niya bilang si Jerry sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at Gregorio del Pilar sa mga pelikulang Heneral Luna at Goyo.

Kapapanalo lang ni Paulo ng best actor award mula sa 46th Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Fan Girl, kunsaan ginampanan niya ang kanyang sarili.

HOT STORIES

#pauloavelino #dingdongdantes #bestactor #mmff2020

Video: Rachelle Siazon
Edit: Michaela Emelo

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results