An honest-to-goodness review of MMFF entry Fan Girl

How do you find the movie Fan Girl starring Paulo Avelino and Charlie Dizon?
PHOTO/S: Fan Girl trailer (Black Sheep)

Jimpy Anarcon:

Ang 46th Metro Manila Film Festival entry na Fan Girl ang isa sa pinaka pinag-uusapang entries ngayong 2020.

Parang tanghaling tapat pa lang ng December 25, trending na ito sa social media dahil sa mga kumalat na screenshot ng eksena ni Paulo Avelino na nagpapakita ng kanyang diumano'y private part (na hanggang ngayon, hindi natin sure if prosthetic ba or for real!)

But definitely, para sa mga nakapanood na, the movie is more than just that.

Paulo Avelino in Fan Girl

Continue reading below ↓

Para sa mga may kaunting background o nakanood ng trailer nito, may something between the relationship ng characters ni Paulo Avelino the fictional artista and his die-hard fan, Jane, played by Charlie Dizon.

Nagsimula ang kuwento sa pagiging super faney ni Jane kay Paulo na umabot sa sinundan niya ito at sumakay siya sa likod ng pick-up truck na dina-drive ni Paulo.

Hindi niya na-realize na nakarating na pala siya kasama ni Paulo sa bahay nito... or bahay nga ba niya yon? Dahil pagpasok niya, may creepy vibes, madilim, at parang hindi siya tunay na bahay.

At dito na magsisimulang makilala ni Jane ang tunay na pagkatao ng artistang kanyang super ina-idolize: ka-ido-idolo nga ba si Paulo Avelino or is he too good to be true?

Paulo Avelino in Fan Girl

Continue reading below ↓

Rachelle Siazon:

Mas matindi ang kabuuan ng pelikula kaysa sa pinalabas sa trailer. Well-deserved ng Fan Girl ang hinakot na awards—Best Actor para kay Paulo Avelino, Best Actress para kay Charlie Dizon, Best Screenplay at Best Director para kay Antoinette Jadaone, at Best Picture para sa pelikula. Pati Best Cinematography para kay Neil Daza, Best Editing para kay Benjamin Tolentino, at Best Sound para kay Vincent Villa.

Nagtulung-tulong talaga ang lahat ng aspeto ng pelikula para makabuo ng twisted at disturbing na kuwento ng isang panatiko sa kanyang iniidolo. Umpisa pa lang ng pelikula ay naloka na ako sa pagiging fan girl ni Jane (Charlie Dizon). Extreme kasi iyong lihim ka ba namang sumakay sa sasakyan ng artista! Pati iyong mismong paghanga niya kay Paulo, alam mong bordering on kabaliwan dahil may halong pagnanasa at hindi lang basta paghanga.

Charlie Dizon as Jane in Fan Girl

Continue reading below ↓

Intense masyado si Jane!

Gusto ko iyong kuwento na ipinakitang ibang-iba iyong pagiging matinee idol ng fictional Paulo Avelino sa pag-uugali niya in real life. Iyong tipong romantiko at ang lakas magpakilig sa fans kapag nasa stage, pero sa likod ng camera ay walwal at may halong irita sa nature ng kanyang trabaho. Parang mapapaisip ka kung may partikular ba na artista na peg si Direk Tonet nang buuin niya ang karakter ni Paulo. Sino kaya?

Naiparating talaga ng team iyong mensahe ng pelikula na maging maingat at matalino sa pagpili kung sino ang iniidolo. At bukod doon, may self-reflection din dapat ang tao na may hangganan ang pagiging fan at hindi basta na lang magsunud-sunuran.

Paulo Avelino and Charlie Dizon in Fan Girl

Continue reading below ↓

Entertaining in a disturbing way ang execution nila nito. Panay pagmumura si Paulo na halos narindi na ang tainga ko—pero gets ko naman na bahagi iyon ng karakter niya na ipinapakitang malayo sa pagiging idol ang asta niya sa likod ng camera. Aliw ako sa batuhan nila ng linya. Natural at talagang naisabuhay nila nang husto ang kanilang roles.

Gusto ko iyong ninakawan ni Jane ng halik si Paulo.

(Spoiler Alert! Skip the next paragraph if ayaw mong malaman yung dialogue nila).

Tapos galit na tanong ni Paulo, “P***** *** ano yun?!” Sagot ni Jane, "Sorry, chineck ko lang kung good kisser ka.” Tapos sabi ulit ni Paulo, “T*** *** matulog ka na nga! May lasa ka pang suka! Hayop!”

Charlie Dizon and Paulo Avelino in Fan Girl

Continue reading below ↓

Jimpy Anarcon

Minsan nakakatawa nga iyong mga banat na ganyan ni fictional Paulo Avelino. Kahit dark ang pelikula, may mga certain banat na kahit papaano nakakatawa pa rin.

I'm sure ang daming naka-relate kay Jane because at one point, tayo rin ay naging mga fan girls or fan boys. Iyon nga lang, siyempre, mapapaisip ka kung may faney kayang aabot sa ganung punto talaga.

Pero iyong viral scene, for example, nakakatawa siya pero in a way nakakaaliw hindi dahil sa eme ni Paulo. Hindi di ba, pag may nakita ka rin o nalamang first about your idol, talaga nga namang magdidiwang ka? Aliw na aliw ako sa pagtext ni Jane sa kanyang friend after makita ang bagay na hindi niya dapat makita!

Ayun nga lang, ang aliw ay may hangganan because there's more to Paulo Avelino that Jane should have not seen.

Charlie Dizon as Jane in Fan Girl

Continue reading below ↓

Isa rin sa matinding ipinakita dito ay iyong mirroring sa society, na kailangan tayo ay mulat at hindi dapat magpadala sa pagiging mga panatiko at dapat may sense pa rin of reality. Hindi na ako mag-e-expand masyado kasi baka maging spoiler, pero kapag napanood niyo ang movie, mag-egets niyo.

Iyon ang nakakatuwa sa movie na ito ni Direk Tonet. Sanay kasi tayo sa mga rom-com na ginawa niya. Sa iba niyang pelikula, may subliminal messages naman siya about the reality of relationships. Pero dito, society ang involved kahit pa based ito sa pag-idolo ng isang fan sa isang artista.

Pagdating naman sa acting, napakahusay talaga ni Charlie Dizon. Seven Sundays pa lang naman ay naaliw na ako sa kanya dahil kahit bit role lang ang ginampanan niya doon ay nag-shine siya. At congratulations dahil sa dami na rin ng nagawa niyang supposedly ay medyo break na rin—Bagani and Parasite Island-dito talaga ay napansin na siya. This is her best movie (so far) talaga dahil nagampanan niya nang maayos ang title role.

Continue reading below ↓

Charlie Dizon as Jane in Fan Girl

Nakakatuwa rin na si Paulo Avelino ang napili for the role dahil may pagka-mysterious ang dating ni Paulo.

Hindi siya like other celebrities na sobrang ma-post sa social media at alam natin ang bawat galaw. Kaya parang may shock factor pa rin nang makita natin ang nasa likod ng fictional Paulo Avelino, kahit alam nating sa pelikula lang ito.

Continue reading below ↓

Rachelle Siazon

In fairness kay Charlie Dizon, napanood ko rin siya sa Four Sisters Before The Wedding. Magaling din siya doon. Bagay sa kanya talaga yung mga roles na may halong comedy ang punchlines kasi ang witty ng delivery niya.

Si Paulo, totoong may pagka-aloof in real life. Pero dito sa pelikula, ang galing noong portrayal niya ng character na dark at twisted. Game siya kahit may parts na deglamorized at walwal ang hitsura. Bad boy ang datingan talaga. ‘Tapos may pag-segue dun sa matinee idol look niya na litaw naman ang pagiging gwapo niya.

Paulo Avelino as Paulo Avelino in Fan Girl

Continue reading below ↓

Iyong visual elements, sounds, at feels ng set nung bahay na hideout ni Paolo, may foreboding look. Kaya nakatulong talaga sa build-up ng kuwento. Di na ako masyadong magdetalye, dahil baka ma-spoil pa ang viewers. Basta must watch talaga ito.

Congrats sa buong team Fan Girl!

Jimpy Anarcon

Dagdag ko lang si Bea Alonzo! Naaliw ako dahil di ba may link sila dito sa movie. E, oo nga pala, noong 2014 ay na-link din yata sila while doing Sana Bukas Pa Ang Kahapon!

So ang galing lang kasi may shades of reality kahit papaano dito sa Fan Girl, pati iyong kabisado ni Jane ang first shows ni Paulo sa GMA-7 at ABS-CBN.

Bea Alonzo in Fan Girl

Continue reading below ↓

Ang galing nga kasi na-pull off nila ang pagka-dark ng movie. Pati yung "bahay" ni Paulo Avelino na hideout lang pala niya (as said by Direk Tonet in a blogcon), nakadagdag ng creeps sa darkness ng movie.

Korek, hindi ko na rin dagdagan ang mga sasabihin ko para no spoilers, pero masusulit naman ang P250.00 dito.

Sana lang masolusyunan ng Upstream ang nagba-buffer minsan na moments.

At sana, tigilan na talaga ang pamimirata because this is a difficult period for Philippine cinema. Lahat ito ay bago sa atin na streaming ang mga ganap. If we want to continue to watch a good film, might as well watch it on the right platform.

Paulo Avelino and Charlie Dizon in Fan Girl

Continue reading below ↓

Ed's Note: The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How do you find the movie Fan Girl starring Paulo Avelino and Charlie Dizon?
PHOTO/S: Fan Girl trailer (Black Sheep)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results