Bong Revilla to younger stars: "Huwag nilang lapastanganin ang mga nakatatanda sa kanila."

by Rose Garcia
Jan 8, 2021
Part of Bong Revilla's reminder to younger stars: "Matuto ka rin rumespeto.”
PHOTO/S: Rose Garcia

"Huwag nilang lapastanganin ang mga nakatatanda sa kanila."

Bahagi ito ng pahayag ni Bong Revilla sa recent lunch interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa kanya.

Napag-usapan kasi ang naging controversial tweet ni Janine Gutierrez noong December 2019.

RELATED STORY

Matatandaang napa-"oh God" ang 31-year-old actress nang ianunsiyo ng GMA Network sa Twitter ang comeback project na Agimat ng Agila ng 54-year-old action star.

Nakalimutan na raw iyon ni Bong, pero may payo ang senador sa mga nakababatang kasamahan sa industriya.

"Basta ako, sa ating magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin, siyempre, sa show business, mas senior ako sa kanila, sa mga batang artista.

"Dapat matuto rin sila sa mga nakakatanda sa kanila, sa senior sa kanila, huwag nilang lapastanganin ang mga nakatatanda sa kanila.

“Hindi lang sa akin, hindi lang bilang artista, bilang respeto sa may edad sa iyo, matuto ka rin rumespeto.”

BONG REVILLA'S PROJECT WITH KATHRYN BERNARDO

Samantala, nababanggit ang pangalan ni Kathryn Bernardo na makakasama niya sa isang pelikula. Tuloy ba ito?

Continue reading below ↓

“Matagal ng pinag-usapan iyon, sa Star Cinema,” lahad naman niya.

“Kaya iyon ang sinasabi ko, di ba? Meron kaming project noon na napag-usapan, pero hindi pa nadi-discuss.”

Pero, gusto niya bang makasama si Kathryn, ang Box-Office Queen ng henerasyon niya.

“Why not?” sabi niya.

“Pero, kung gusto nila akong makasama. Alam niyo, baka ma-bash na naman tayo diyan,” natawa niyang sabi.

“Pero siyempre, importante, ang mga tao, magtulung-tulong na lang tayo kung paano natin mapapasaya ang mga tao sa paligid natin, mga mahal natin sa buhay. Tama na iyong bashing, paninira.

“Ang importante, magtulungan, magbayanihan.”

Samantala, posible raw na sumali siya sa susunod na Metro Manila Film Festival sa December. Taong 2012 nang huling nag-produce ito ng pelikula, ang Si Agimat, Si Enteng at Ako, kung saan nakasama niya sina Vic Sotto at Judy Ann Santos.

Lahad ni Bong, "Sana, depende sa pandemya. But I will try kung, depende iyan sa magiging takbo nitong next few months.

Continue reading below ↓

“Kung gagawa man ako, puwede akong magbangko ng pelikula kasi, I’m not getting any younger rin. Hanggang malakas pa ang katawan.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Part of Bong Revilla's reminder to younger stars: "Matuto ka rin rumespeto.”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results