Nora Aunor to play kontrabida in a movie for the first time

by Melba R. Llanera
Jan 23, 2021
Nora Aunor in a presscon.
Nora Aunor said she is excited to play a kontrabida for the first time in a movie.
PHOTO/S: Noel Orsal

Magbibida sa pelikulang Kontrabida ang tinaguriang Superstar ng local showbiz na si Nora Aunor.

Hindi maitago ni Ate Guy ang saya at excitement na simulan na ang proyektong produced ng Godfather Productions at ididirek ni Adolf Alix Jr.

"Masaya ako, di ko maipaliwang kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Masaya, excited, dahil makakasama ko ngayon ang mga dati kong nakasama.

"Siyempre excited ako dahil maididirek ako uli ni Direk Adolf Alix, 'tapos siyempre ang aming producer, si Joed Serrano, excited ako sa kanyang binigay na pagkakataon para makagawa ako sa kanyang sariling produksyon," masayang pahayag ng 67-year-old actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nora sa storyconference ng gagawing pelikula sa Annabel's Restaurant sa Quezon City, nung January 21.

Kahit na laging bida ang ginagampanan, hindi nagdalawang-isip si Nora na tanggapin ang proyekto lalo't mga batikang artista rin ang makakasama niya.

"Di ako nagdalawang-isip. Kabado ako siyempre. Ang gagaling ng mga artistang yan. Ilang beses ko nang nakasama sa pelikula, sa teleserye.

Continue reading below ↓

"Si Kuya Bembol [Roco], si Osang [Rosanna Roces], talagang magaling... 'Tsaka si Jane [Jaclyn Jose], magaling yan.

"Kinakabahan ako, sa totoo lang. Kinakabahan ako."

FIRST TIME KONTRABIDA IN FILM

Ayon kay Ate Guy, una at huling pagkakataon na gaganap siyang kontrabida sa isang pelikula sa Kontrabida.

"First and last, di na ito mauulit. Pero mayroon ako sa TV, sa Makulay Na Daigdig Ni Nora, nagkontrabida ako.

"Nakalimutan ko na kung sino ang kaeksena ko, ang tagal na kasi pero minsan lang yun.

"Oo nag-enjoy ako kasi challenge sa akin yun. Parang ngayon natsa-challenge ako."

Ang Makulay Na Daigdig Ni Nora ay ang TV series ni Ate Guy na tumakbo mula 1974 hanggang 1979.

Dahil kontrabida sa gagawing pelikula, tinanong si Nora kung okey lang sa kanyang masampal ng mas bata sa kanyang aktres.

"Wala... Sa akin kung ano ang sasabihin ng direktor.

"Sasampalin ako? Bakit naman hindi, nananampal din naman ako. Marami na rin ang nagrereklamo sa akin na eksena na sasampalin."

Continue reading below ↓

Para rin sa award-winning actress, kasinghalaga ng bida ang kontrabida para mabuo ang isang magandang pelikula.

"Kung walang kontrabida, walang bida, kaya kailangan natin ng kontrabida sa isang pelikula para magkaroon ng bida.

"Kasi baka magsawa kaagad ang tao pag bida lang ang napapanood nila. Kailangan may kumokontra. Sa lahat ng bagay kailangang may kumokontra," katwiran ni Nora.

HOW ABOUT A MOVIE WITH VILMA?

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang kung kailan muling magkakasama sa isang pelikula sina Ate Guy at Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Si Nora at si Vilma ang magkakumpitensiya sa acting awards mula pa noong 1970s. Mainit ang labanan noon ng kani-kanilang fans.

Pero sa kabila ng kumpitensiya sa kanilang dalawa, sa totoong-buhay ay magkaibigan at magkumare pa ang dalawa.

Inaanak ni Vilma ang anak na lalaki ni Nora kay Christopher de Leon na si Ian de Leon.

Pahayag ni Nora, okey sa kanya na makasamasa pelikula ang kumare niyang Batangas congresswoman.

Continue reading below ↓

"Sa akin walang problema yun. Kung okey sa kumare ko, okey sa akin.

Parang T-bird at Ako. Oo maganda yun. Para din sa ikasisigla din ng industriya ng pelikulang Pilipino."

Ang T-Bird at Ako ay ang 1982 film nina Nora at Vilma kunsaan gumanap na gay woman o tomboy si Nora na may gusto sa character ni Vilma sa pelikula.

NEW GENERATION OF FANS IN NORA'S YOUTUBE

Isa si Ate Guy sa mga artistang may sarili na ring YouTube channel.

Paraan daw niya ito para magkaroon ng interaksyon sa kanyang mga tagahanga.

Pero nagtaka raw si Nora na may nakakausap siya sa kanyang channel na fans na nabibilang sa millennial generation.

"Kaya nga ako naglagay ng sarili kong channel sa YouTube, yun ang paraan ko para mapalapit at makausap ko uli ang mga tagahanga ko dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

"Yun nga ang pinagtatakhan ko, yun ano ko nga sa YouTube, ang daming millenials na nagsye-share.

Continue reading below ↓

"Mayroon ngang bagong grupo, ang tawag ay BONA, puro millenials yan," kuwento pa ng Superstar.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor said she is excited to play a kontrabida for the first time in a movie.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results