Barbie Forteza admits: “Ako ang bully sa totoong buhay.”

Barbie Forteza is cast as a school bully in the movie #EwanKoSau Saranghaeyo (I Lab Yu). She bullies the character played by Francis Magundayao but in the end, she falls in love with him.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sa iisang pelikula ang Star Magic artist na si Francis Magundayao at GMA-7 artist na si Barbie Forteza. Sila ang bida sa youth-oriented movie titled #EwanKoSau Saranghaeyo (I Lab Yu).

Directed by Roman S. Perez Jr., ang movie na ito na sinulat ng Bagong Buwan Writers Pool ay advance Valentine’s presentation ng Bonfire Productions. Nakatakda itong ipapalabas sa ilang sinehan simula January 21.

Sa red carpet premiere ng pelikula na ginanap sa SM The Block Cinema 2 noong January 18, kinuwento ni Barbie na may similarities siya sa character niya na ang pangalan ay Calixta "Kai" Luna.

Ani Barbie,“Excited na ako mapanood ang pelikula naming, kasi siyempre kasi pinagpaguran natin ito. Pero sa kabila ng hirap na yun, worth it naman kasi enjoy kami sa mga pinaggagawa namin, sa mga lugar na pinuntahan namin sa pelikulang ito at sa mga bagay na ginawa ko. Maraming maraming salamat dahil nabigyan ako ng chance na makagawa ako ng ganitong klaseng pelikula.”

Bakit hindi mo ininvite ang The Half Sisters co-star mo na si Andre Paras na dumalo sa premiere night?

Barbie: “Ay! Grabe naman kayo. Baka magtampo si Francis Magundayao! (sabay tawa) Saka lagi naman kami nagkikita ni Andre, ano ba naman na lagi kami magkasama ni Andre dahil araw araw kaming magkasama sa taping.”

Anong sabi sa ‘yo ni Andre tungkol sa pelikulang ito, papanoorin niya ba daw ito?

“Basta happy siya for me, dahil first major movie ko ito. As in, ako yung isa sa main cast member talaga. Kasi yung sa Tween Academy, marami kami. Sa The Road, madami kami. Sa Mariquina, madami rin kami. So, eto talaga yung feeling ko, main ako. Nakaka proud siya actually, kasi tapos na. Siyempre nung ginagawa namin ito, medyo nakaka pressure kung ano ang magiging resulta, pero ngayon na tapos na at panunuorin na namin, nakaka proud na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang role mo dito sa movie?

“K-pop fan ako dito. Ako ang numero uno na nambubully kay Francis Magundayao as Baste, na in the end dahil sa sobrang pambubully ko sa kanya ay magfa-fall in love ako sa kanya.”

Kamusta ka trabaho si Francis Magundayao sa pelikulang ito?

“Sobrang kulit niya grabe! Hindi ako makasabay sa energy niya. Pero sobrang saya, kasi napaka gentleman niya. Sobra niyang maalalay sa ‘kin, sobra niyang thoughtful pero sobra niya ring funny at pilyo, hindi ako inaantok ‘pag kasama ko siya.”

Hindi ba naging hadlang na magkaibang network kayong dalawa?

“Nakakagulat nga kasi walang masyadong diskusyon na nangyari kahit different kami ng network. Parang ambilis na nag approve ng both network na pagsamahin kami sa isang pelikula. Parehas naging maayos ang usapan, nakapagsimula kami agad. Naging maganda naman ang shooting namin at walang naging problema.”

Kamusta ang nabuong friendship n’yo ni Francis sa paggawa ng ganitong klaseng pelikula?

“Kasi nahihiya ako sa kanya nung una. Pero siya yung unang kumausap sa akin. We share each other’s interests like music, etc. Kasi noong una, parehas lang kaming nagkakapaan. Pero siya pa rin ang gumawa ng first move para magkausap kami. Kaya malaking bagay din yun, hanggang sa maging close na kami sa isa’t isa thoughout the shooting.”

Francis, ikaw ba ang pumili kay Barbie para makasama mo sa pelikulang ito?

“Yung management po yung namili. Noong sinabi na si Barbie Forteza ang makakatrabaho ko saka ako na pressure, pero madali siyang pakisamahan kaya okay lang.”

Paano kayo nagkukulitan sa set during the shooting at gaano kayo sweet behind the scenes?

Barbie: “Binigyan niya ako ng dark chocolate kasi nalaman niya na mahilig ako sa dark chocolate. Yun lang naalala ko kasi nakain ko siya agad.”

Francis: “Well, sa akin, may ugali po kasi ako na mahilig magbigay sa mga taong malapit sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Francis, may balak ka bang manligaw kay Barbie?

“Naniniwala ako sa tamang panahon kung kailan pwedeng manligaw, kung handa na nga yung babae. E, di tingnan natin kung ano pwedeng mangyari.”

Barbie, kamusta ang pag po-portray mo bilang isang bully at bitch sa pelikulang ito?

“Refreshing yung feeling, kasi kakaiba siya sa ibang mga roles na ginampanan ko. Pero masarap po yung pakiramdam, kasi at least alam ko yung pakiramdam ng nambubully. Na hindi lang sila basta nambubully, kung hindi may dahilan din.”

Ikaw ba Barbie, nabully ka na before?

“Hindi! Nabully ako dati pero very light lang kasi hindi rin ako nagpapatalo. Tapang tapangan ako noon, e.”

Bukod sa pagiging bully, ano pa ang ibang aabangan sa karakter mo rito? Anong kakaibang atake ang ginawa mo sa pelikulang ito?

“Ang karakter ko kasi rito as bully ay enough na para magbago yung atake ko para sa pelikula. Sana magustuhan ng mga manunuod yung ginawa namin at bukod dun ay nakakakilig siya.”

K-pop fan ka ba talaga in real life? Magsasalita ka ba dito ng Korean language dahil K-pop fan ka?

“Nakikinig ako sa mga songs nila pero hindi ko sila masaulo. May mga ilang eksena na magsasalita ako ng Korean. Medyo mahirap yung salita nila kabisaduhin.”

Ano yung pagkakapareho ng karakter mo kay Kai in real life as Barbie?

“Ako ang bully sa totoong buhay, yung twins kong barkada, ako ang nambubully sa kanilang dalawa. Pero hanggang pang aasar lang naman ako sa kanila, hindi naman ako nagpa-prank or below the belt na bully. Hanggang salita lang naman ako. Mabait naman akong bully.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN