Zsa Zsa Padilla recalls her own health scare as she portrays a cancer patient in M (Mother's Maiden Name)

Zsa Zsa Padilla did not expect to win the Best Actress award for her portrayal of a cancer patient in M (Mother's Maiden Name). She won for this drama film that competed in the New Wave category of the 2014 Metro Manila Film Fest.



“No expectations talaga kasi it's really fun.”

Ganito ang naramdaman ni Zsa Zsa Padilla nang ginawa niya ang pelikulang M (Mother's Maiden Name), isa sa mga entries sa New Wave category ng 40th Metro Manila Film Festival. Nakatakda itong ipalabas sa SM at Ayala Cinemas simula bukas, January 21.

Kaya naman nagulat si Zsa Zsa nang hirangin siya bilang Best Actress sa naturang katergorya para sa pagganap niya bilang cancer patient na si Bella Monteclaro.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi siya nagdadalawang-isip na tanggapin ang indie film offers sa kanya. Para kasi kay Zsa Zsa, magandang oportunidad ang pagganap sa indie film para mas maipakita pa ang kanyang kakayahan bilang aktres.

Sabi pa niya, “Ang sabi ko nga, ang maganda sa indie wala 'yong pressure. Parang hindi mo nga alam kung maipapalabas. Marami ngang indie diyan—hindi naipapalabas, hindi bumenta, hindi pinasok.”

Ang isa pang critically acclaimed film na ginawa ni Zsa Zsa ay ang Sigwa na kabilang sa 2010 Cinemalaya Film Festival. Ano naman ang masasabi ni Zsa Zsa na madalas ay napapasama siya sa award-winning indie films?

“Natsatsambahan lang,” sagot ng singer-actress.

“When they offered me that role, talagang I'm flattered naman kasi maganda siya.”


Bukod sa Best Actress award, nakuha rin ng M ang Special Jury Prize sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2014.


(To read movie review of M, CLICK HERE)

RELATABLE STORY. Ayon kay Zsa Zsa, bahagyang naiugnay niya ang kanyang sarili sa karakter ni Bella, isang single mother na nagkaroon ng pancreatic cancer.

Matatandaan na kasunod ng pagkamatay ng kanyang dating longtime partner na si Dolphy noong 2012, hininalang may cancer si Zsa Zsa nang may makitang tumor sa kanyang kidney.

Noong panahong iyon, sabi ni Zsa Zsa, parang agad na lamang niyang tinanggap ang anumang sinabi ng doktor sa kanya.

“After the surgery, tinanggap ko na nga, na sige may cancer na ako,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit nabago raw ang kanyang pagtanggap sa sitwasyon nang bigyan siya ng payo ng kanyang kapatid.

Salaysay ng tinaguriang Divine Diva, “I think my faith is so strong din.

“Talagang very confident ako kasi parang namatayan ka lang.

“Ang advice nga sa akin ng sister ko, 'Huwag ka naman tanggap nang tanggap. Sabihin mo naman sa Diyos, tama na.'

“Kasi, parang noong time na 'yon, parang sige, just bring it on, 'O, may cancer ka, ano pa?' Parang ganun.

“So, I took my sister's advice, sabi ko, 'Lord, please, sana last na 'to. Baka hindi ko na kayanin.'”

Pag-alala pa ni Zsa Zsa sa huli, “Thank God, hindi ako umabot ng cancer. It was benign!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN