Vice Ganda gives "super support" to laplapan scene of Ion Perez in movie Kaka

by Rose Garcia
Feb 7, 2021
Vice Ganda is proud of boyfriend Ion Perez bagging leading-man role in the movie Kaka. He says, "Ang taray mo, you’re the chosen one."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Hindi affected si Vice Ganda sa umano’y kissing scene o intimate scenes ng boyfriend na si Ion Perez at ng bagong VIVA star na si Sunshine Guimary sa pagsasamahang pelikula na Kaka.

Nagpaalam raw si Ion sa kanya.

"Siyempre alam ko iyon dahil ako ang manager ni Ion at ako ang pumirma sa kontrata, di ba?" ang sabi ng It's Showtime host nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press sa mediacon para sa grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" (TNT) noong January 30, 2021.

Masaya raw si Vice dahil big break daw ito para kay Ion.

"Nae-excite ako at sobra kong proud na, 'Ay ang taray, may nakuhang ganung role si Ion,' na siya ang pinili. Sabi ko, 'Ang taray mo, you’re the chosen one.'”

Kilala rin naman daw niya si Sunshine dahil nai-guest na niya ito sa Gandang Gabi Vice (GGV).

“Ako, go lang ako, nasa showbiz tayo. Trabaho iyon. Kikita siya doon, di ba? Bibili niya ako ng bagong rubber shoes,” biro pa niya.

Continue reading below ↓

Hindi lang sigurado si Vice kung mapapanood niya ang movie o ang love scene mismo nina Ion at Sunshine kasi, si Ion mismo, ayaw na pinapanood ang sarili nito.

“Kahit sa pelikula ko na nandoon siya, hindi siya sumasama sa sinehan, nahihiya siya. Kahit iyong Mang Kepweng na bumili pa ako ng tickets para panoorin namin noong Pasko, ayaw niya talagang panoorin.

“Kaya hindi ko alam kung panonoorin namin dahil nahihiya talaga siya. Ayaw niyang ipakita sa akin 'tapos siya rin, ayaw niyang nakikita ang sarili niya sa TV o sa mga palabas, nahihiya siya.”

Sa totoo lang, siya raw ang nagsabi kay Ion na sexy-comedy ang tema ng movie.

Nagulat pa nga raw si Ion nang malamang may laplapan kaya ang hirit ni Vice sa kanya, “Paanong magiging sexy-comedy kung walang laplapan? 'Tapos sabi niya, 'Paano iyon?' Sabi ko, 'Aba, hindi ko alam, hindi naman ako nakipaglaplapan sa babae ‘no!' sabi ko sa kanya."

Continue reading below ↓

Pero buo ang suporta raw ni Vice sa pag-usad ng career ni Ion.

Sa pagpapatuloy ng comedian, “Ako, go lang ako, deads ako sa ganun. Super support ako. Siyempre, success niya iyon, and Ion is a different person.

"Iba si Ion, iba kay Vice. Hindi rin pag-aari ni Vice si Ion. Puwede siyang lumipad, lipad ka lang diyan, papalakpakan kita.”

At saka nai-segue nito ang interview sa grand finals ng "TNT" ngayon araw, February 6.

Sabi ng 44-year-old star, “Kung iyong mga 'TNT' nga, hindi ko naman mga kamag-anak, hindi ko naman dyowa, pinapalakpakan ko, sinusuportahan ko, iyong dyowa ko pa kaya?!"

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda is proud of boyfriend Ion Perez bagging leading-man role in the movie Kaka. He says, "Ang taray mo, you’re the chosen one."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results