Boxing legend Sugar Ray Leonard graces premiere of Manny Pacquiao documentary in the U.S.

Sugar Ray Leonard (right frame) attended the U.S. premiere of Manny The Movie, which depicts the life of Manny Pacquiao (left frame).




Ang boxing legend na si Sugar Ray Leonard ang isa sa mga popular personalities na nagbigay ng suporta sa red carpet premiere ng Manny The Movie.

Ang Entourage actor na si Jeremy Piven, ang boxing announcer na si Michael Buffer at UFC fighter na si Chuck Liddell ang ibang dumalo sa premiere night na ginanap sa United States.

Ang documentary movie ng Universal Pictures ay tungkol sa colorful boxing career ni Sarangani Representative Manny Pacquiao.

Ang TLC Chinese Theaters (formerly Grauman’s Chinese Theater sa Hollywood Boulevard) ang venue ng red carpet premiere ng Manny The Movie na naganap ngayong tanghali (Tuesday night sa Los Angeles). Live na pinakita ang red-carpet event sa ustream.tv/chinesetheater.

Sinuportahan ng mga kababayan natin ang red carpet premiere na dinaluhan ni Pacquiao at ng kanyang misis na si Jinkee.

Ang promo ng Manny The Movie ang pakay ng U.S. trip ni Pacquiao dahil ipalalabas sa U.S. theaters simula sa January 23 ang kanyang documentary movie. Mula sa Los Angeles, lilipad si Pacquiao sa Miami, Florida dahil kabilang siya sa mga judges ng 63rd Miss Universe pageant.

Si Liam Neeson ang narrator ng Manny The Movie at may special participation sa documentary film sina Jimmy Kimmel, Jeremy Piven at Mark Wahlberg.

Pinalabas sa Pilipinas ang documentary noong March 2014.


(To read movie review of the documentary Manny, CLICK HERE)






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN