How Bea Alonzo asked for ABS-CBN's blessing before doing movie with Alden Richards

by James Patrick Anarcon
Feb 12, 2021
Bea Alonzo seeks the blessing of ABS-CBN President Carlo L. Katigbak (not in photo) before saying yes to the movie project with Alden Richards.
PHOTO/S: Courtesy of Shirley Kuan

Nagpaalam nang maayos si Bea Alonzo sa kanyang mother studio, ang ABS-CBN at Star Cinema, bago um-oo sa proyektong pagsasamahan nila ni Alden Richards.

Si Bea ay isa sa mga A-Listers ng ABS-CBN, habang si Alden naman ang isa sa maituturing na prime stars ng GMA-7.

Ngayong 2021, magsasama ang dalawa sa isang pelikula, ang A Moment To Remember, na ipuprodyus ng VIVA Films, GMA Pictures, at APT Entertainment.

Ito ang unang pelikula ni Bea sa labas ng bakuran ng ABS-CBN, na siyang naglunsad ng acting career niya noong 2001.

Kahapon, February 11, 2021, eksklusibong nakapanayam ng editors at reporters ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea matapos ng kanyang "sandwich session" kasama ng editors ng 14 Summit Media websites, kasama pa rin ang PEP.

Sa kanyang pakikipag-usap sa PEP.ph writers at editors, natanong si Bea kung paano niya kinausap ang Star Cinema para magawa ang pelikulang kasama si Alden.

Continue reading below ↓

Pag-uumpisa ni Bea, “Yes, yes. Talagang it was done very very very respectfully, alam na alam nila lahat iyan.”

Kasunod nito ay ikinuwento niya na personal siyang nagpunta sa bahay ng president ng ABS-CBN na si Carlo L. Katigbak.

Ayon kay Bea, kasama pa niya ang kaibigan at perennial on-screen partner na si John Lloyd Cruz para rin ipaalam na um-oo sila sa isa pang movie offer ng Star Cinema.

Lahad ni Bea, “No, I even went to Sir Carlo’s house kasi kasama ko si John Lloyd.

“Nagpunta kami sa bahay niya to personally tell him that I will do a movie with John Lloyd, to personally tell that I want to help also the company, and so I will do a movie with John Lloyd kasi siya [Carlo] iyong nag-offer sa amin.

“Matagal na kasi iyon na-put on hold, muntik na siyang hindi matuloy.”

Dito na rin binanggit ni Bea ang offer sa kanya ng VIVA Films para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Alden.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Bea tungkol sa pagpunta niya kay Carlo, "I also personally told him that there might be a possibility that I will be working with Alden.

“Gusto kong hingin iyong blessing niya, and naging ano naman sila, mabait.

“Even before we said yes to doing a project with Alden, nagkaroon kami ng courtesy to tell them first before we even agree.”

Ayon kay Bea, ayaw niyang i-bypass ang ABS-CBN, lalo na’t ang network ang naging tahanan niya sa dalawampung taon niya sa showbiz.

Nitong January 2020, opisyal na lumipat si Bea sa manager na si Shirley Kuan mula sa bakuran ng Star Magic.

Nag-lapse na rin ang kontrata ni Bea sa ABS-CBN kaya masasabing hindi siya exclusive star ng kahit na anong network ngayon.

“I don’t like stepping on people’s toes, gusto ko laging maayos, lalo na kung parang sobrang tagal nila akong inalagaan.

“Right now, people are very, very sensitive with what’s happening. Siyempre, hindi mo puwedeng gawin lang iyong mga bagay-bagay dahil, feeling mo, walang masama.

Continue reading below ↓

“Walang masama, pero you have to be very sensitive of people’s feelings lalo na sa panahon ngayon.”

Matatandaang matindi ang pagsubok na pinagdaraanan ng ABS-CBN matapos ibasura ng Kongreso ang renewal ng broadcast franchise nito noong July 10, 2020, dahil sa personal na galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa network.

Dahil dito, libu-libong empleyado ang nawalan ng trabaho at nawala rin ang malawak na reach ng ABS-CBN sa free TV.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo seeks the blessing of ABS-CBN President Carlo L. Katigbak (not in photo) before saying yes to the movie project with Alden Richards.
PHOTO/S: Courtesy of Shirley Kuan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results