Will Julia Montes enter sexy route after shooting "intense and sizzlingly hot" love scene with Gerald Anderson?

Julia Montes says about Halik sa Hangin leading man Gerald Anderson: "May mga eksena nga kasi na nagkahawak kami ng kamay, nagtititigan."


Marami ang humuhula na may isang malaking career move ang gagawin ni Julia Montes sa taong ito bilang isang mature actress.

Nagbunga ito sa deskripsiyon ni Gerald Anderson sa love scene nila ni Julia sa Star Cinema movie na Halik Sa Hangin na ipalalabas simula January 28.

Ayon sa Kapamilya actor, tinawag niya na "intense and sizzlingly hot" ang kanilang love scene at sinabayan na ito ng isang misteryosong ngiti.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media ang Kapamilya actress sa presscon ng Halik Sa Hangin, naitanong namin sa kanya, kung nakahanda na itong sumabak sa sexy genre.

Napapangiting sabi ni Julia, "Hindi naman siya sexy.

"Siguro, nasasabi nilang sexy kasi, bagong Julia.

"Hindi siya sexy kasi, love lang talaga, strong lang talaga yung love 'tulad nang sinasabi ko kanina, kaya may love scenes."

Hindi siya nagdalawang isip na gawin ang eksenang ikinangingiti nga ni Gerald.

Saad niya, "Nagdalawang-isip? Hindi kasi, hinihingi po naman talaga ng istorya.

"Yun po ang hinihingi ng character ko.

"Dun kasi umiikot ang pelikula na dahil in love ka, ibinigay mo na lahat."

Inisip ba niya na baka magkaroon ng negatibong reaksiyon lalo na ang mga tagahanga nina Gerald at ni Maja Salvador?

Si Maja ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald.

Mabilis na tugon ni Julia, "Hindi naman po.

"Ano lang naman talaga yung [love scene], at close naman kami ni Ate Maja.

"So, hindi naman ako kinabahan or what."

Paano ba sila nag-prepare sa mga eksenang yun dahil lumabas ngang natural ang kanilang pag-arte, at maramdaman ng mga manonood ang init ng kanilang eksena?

Aniya, "Nagkaroon muna kami ng workshop.

"Kasi, hindi rin pa rin po kami talaga nagkaka-work noon ni Gerald kaya, kailangan naming maging komportable sa isa't isa.

"May mga eksena nga kasi na nagkahawak kami ng kamay, nagtititigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para nga hindi kami nagkaroon ng ilangan sa isa't isa."

Ibig bang sabihin nito, hindi na talaga mapipigilan ang pagtanggap niya ng adult roles?

Aniya, "Siguro, ang masasabi ko, suwerte ako kasi, na-enjoy ko, at challenging siya sa akin.

"Everytime na may ibinibigay sa akin na role, kinakabahan ako, napi-pressure ako, at hindi ko alam kung paano siya ipu-portray.

"And siguro, masarap din yung feeling kasi, sa bawat role ay may natutunan ako.

"So, yun talaga yung sinasabi ko na ayaw ko sa sexy role pero, nai-enjoy ko siya, at the same time."

Saad pa ng 19-year-old actress, "Lucky ako kasi, sa mga project na ginagawa ko, at sa ipinagkakatiwala na role.

"Hindi kasi siya madali para pagkatiwalaan ka ng ganito.

"Super-thankful ako and blessed, na sa akin ibinigay."

Hindi ba niya naisipang humingi ng advice kay Ina Raymundo na gumanap bilang ina niya sa pelikula tungkol sa gagawin niyang love scene?

Kung matatandaan, si Ina ay isa sa sikat na sexy stars noong 1990s.

Sabi niya, "Actually, nung malaman ko na siya ang nanay ko, sinabi ko mukhang mas mature pa ako sa kanya, ang laki ng mukha ko.

"Parang ako yung mommy.

"Kaya, nahihiya akong magtanong, e.

"More on kay Direk [Manny Palo] talaga ako [nagtatanong], at super-gentleman naman ni Gerald, so..."

Sa puntong ito, inalam namin sa kanya kung paano siya inasikaso ng kanyang dalawang leading men?

Bukod kay Gerald, ka-love triangle nila si JC de Vera.

Pagmamalaki ni Julia, "Laging may food.

"Siguro, na-feel nila na matakaw ako.

"Laging may food sa set, minsan nagugulat ako, dahil katatapos ko lang umiyak tapos, may food na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN