John Lloyd Cruz receives warm welcome from fans while filming Servando Magdamag in Sorsogon

by Jet Hitosis
Feb 26, 2021
Multi-awarded actor John Lloyd Cruz is set to make a showbiz comeback this year after taking a hiatus from acting since October 2017.
PHOTO/S: PEP file, John Lloyd Cruz on Facebook

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Bicolano sa nagbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz.

Ito ang nasaksihan sa video na in-upload sa official fan page ng 37-year-old Kapamilya actor nitong Huwebes, February 25.

Kuha ang video sa Sorsogon City, kung saan naka-lock-in ngayon si John Lloyd habang ginagawa ang pelikulang Servando Magdamag.

Sa 46-second video, na kuha mula sa grupo ng fans na matiyagang naghihintay kay John Lloyd, makikitang salitan ang dalawang kamay ng aktor sa pagkaway habang papalapit sa kanyang Bicolano supporters.

Nakasuot si John Lloyd ng plain white shirt, cargo shorts, boots, brown bucket hat, at face mask.

Hindi naman magkamayaw ang fans sa pagtili at pagsigaw sa pangalan ni John Lloyd.

Karamihan sa mga ito ay nakataas ang mga mobile phones habang kinukuhanan ng litrato at video ang multi-awarded actor.

Pero dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing, hindi nagawang makalapit ni John Lloyd sa kanyang fans.

Continue reading below ↓

Tumayo lamang ang aktor nang may distansiyang mahigit isang metro mula sa grupo ng fans, na nangagtipon sa labas ng kordon na ikinabit ng local authorities.

Sa hindi kalayuan, makikitang may mga uniformed personnel pang nakabantay sa mga lugar na kinabitan ng mga ito ng kordon.

SERVANDO MAGDAMAG FILM

Nakalapit lang si John Lloyd sa kanyang fans pagkatapos ng shooting nila sa hindi binanggit na lugar sa Sorsogon.

Continue reading below ↓

Bukod sa nabanggit na video, in-upload din sa official fan page ng aktor nitong Huwebes ang ilang pictures na kuha sa shooting.

Kabilang sa mga iyon ang isang litrato kung saan makikitang kausap ni John Lloyd ang direktor ng pelikula na si Lav Diaz.

John Lloyd Cruz in Servando Magdamag shootingDirek Lav Diaz (in black) and John Lloyd Cruz (right, in white shirt)

Continue reading below ↓

Ang Servando Magdamag ay hango sa Carlos Palanca Award-winning short story ni Ricky Lee na may parehong titulo.

Sa interview kay John Lloyd ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Rachel Arenas nitong February 19, sinabi ng aktor na “imposible” na hindi siya mapapayag gawin ang Servando Magdamag nang i-offer ito sa kanya.

Ayon kay John Lloyd, hindi niya puwedeng palampasin ang pambihirang pagkakataong “makasalamuha o makatrabaho” sina Direk Lav at Ricky.

“Parang imposible naman na talikuran mo yung napakagandang opportunity,” sabi ni John Lloyd.

Si Ricky, 72, ay isang multi-awarded novelist-screenwriter-playwright. Kabilang sa mga pelikulang isinulat niya ang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004), Deathrow (2000), Jose Rizal (1998), at ang classics na Baby Tsina (1984), Himala (1982), at Salome (1981).

Si Direk Lav, 62, ang writer-filmmaker na isang slow cinema movement agent. International awards ang karamihan sa natatanggap ng kanyang mga pelikula, kabilang ang Hele sa Hiwagang Hapis (2016), Ang Babaeng Humayo (2016), at Batang West Side (2001).

Continue reading below ↓

A COMEBACK FROM SABBATICAL LEAVE

Aminado si John Lloyd na challenging para sa kanyang basahin ang mismong short story na Servando Magdamag.

Nasusulat daw kasi ito sa puro at malalim na Filipino.

“Actually mahirap siyang basahin, yung mismong short story ni Ricky Lee,” pag-amin ni John Lloyd sa interview sa kanya ni Arenas.

“Pero nung sinimulan kong basahin… talagang napako na ako, hindi ko na siya mabitawan.”

Ang Servando Magdamag ay kuwento ng karahasan sa mga sakahan noong panahon ng Kastila.

Noong nakaraang taon pa nababalita na ang pelikulang Servando Magdamag ang magsisilbing comeback project ni John Lloyd.

Bukod sa Servando Magdamag, sisimulan na ring gawin ni John Lloyd ang reunion movie nila ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo. May titulo itong No Goodbyes.

Naka-leave ang aktor sa kanyang showbiz commitments simula noong October 2017.

Sa kabila nito, nagkaroon ng cameo apperance si John Lloyd sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Culion—na isinulat din ni Ricky Lee.

Continue reading below ↓

MORE GUIDE ARTICLES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Multi-awarded actor John Lloyd Cruz is set to make a showbiz comeback this year after taking a hiatus from acting since October 2017.
PHOTO/S: PEP file, John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results