Jake Vargas and Bea Binene worked with Sarah Lahbati and Rico Blanco for their launching movie titled Liwanag Sa Dilim




Nakakaramdam ng pressure si Jake Vargas sa nalalapit na pagpapalabas ng maituturing nitong kauna-unahang pelikulang pagbibidahan nila ni Bea Binene, ang Liwanag Sa Dilim.

Ayon kay Jake, ipapalabas ang pelikula nila sa katapusan ng Enero o unang linggo ng Pebrero.

Nagkuwento si Jake tungkol sa kanilang pelikula nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 19 nang mapadaan ito sa radio station DZBB 594.

Ani Jake, "Siyempre may pressure, kasi parang ito na yung unang pagbibida namin ni Bea sa pelikula.

"Mostly kasi ng pelikulang nagawa namin, supporting lang kami maliban sa Tween Hearts the Movie pero marami kami doon.

"Dito sa Liwanag Sa Dilim konti lang kami at sa amin tatakbo yung istorya.

"Sana suportahan ng mga tagahanga namin ni Bea at ng mga Filipino na mahilig manood ng pelikulang Pilipino.

"Sana mag click ito para may kasunod pa. Magdarasal kami para maganda ang resulta nito sa takilya.

"Natutuwa ako kasi sabi nila maganda daw, kaya naman nakaka excite gusto ko nang panoorin yung movie.

"Alam kong maraming matutuwa. Maganda kasi ang istorya, may adventure, suspense at may kilig din," nakangiting pahayag ni Jake.

Sino-sino pa ang kasama sa movie na ito?

"Kasama namin dito ni Bea si Tito Dante Rivero, Rico Blanco, Igi Boy Flores, Sarah Lahbati, Tito Freddie Webb at Ms. Sunshine Cruz. Direktor namin dito si Richard Somes.

Ano ang role mo sa movie?

"Ako dito si Nico mula sa Manila tapos pumunta ng probinsiya para makita ang lolo ko.

"Dito kasi hindi okay ang father at mother ko, so dinala ako ng mother ko sa probinsiya.

"Tapos dun na nagsimula ang lahat, hindi ko na ikukuwento para panoorin nila. Hahaha!

"Pag kinuwento ko kasi baka hindi na nila panoorin.

Mayroon ka bang bagong teleserye sa GMA-7?

"Wala pa namang nasasabi sa akin, katatapos lang kasi ng Strawberry Lane.

"Nagpapasalamat ako sa mga tumutok at sumuporta sa Strawberry Lane.

"Sana this year magkaroon ako ulit ng soap na kasama si Bea.

"Basta nandidito lang naman ako naghihintay kung ano ang next project na gagawin ko sa GMA-7.

"Bukod sa nga regular shows ko ngayon [Walang Tulugan with The Master Showman, Pepito Manaloto at Sunday All Stars]," pagtatapos ni Jake Vargas.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN