Teejay Marquez replaces Christian Bables in Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa

by Jerry Olea
Mar 12, 2021
Director Joel Lamangan (center) announces that Christian Bables (right) will be replaced by Teejay Marquez (left) as the lead in the movie Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.
PHOTO/S: Facebook / ABS-CBN

Si Teejay Marquez na ang magbibida sa pelikulang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

“Hindi available si Christian Bables. Hindi siya pwede,” sabi ni Direk Joel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 11, Huwebes ng hapon, sa Brgy. Palanan, Makati City.

Kasali si Christian sa season 3 ng Your Face Sounds Familiar. Napapanood ang musical-variety competition na ito every weekend sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant TFC.

Christian Bables in Your Face Sounds Familiar

Continue reading below ↓

Christian Bables in Your Face Sounds Familiar

Pagpapatuloy ni Direk Joel, “E, si Teejay, available. Maluwag! Maluwag ang schedule.

"Napanood ko siya sa Pinoy BL series na Ben x Jim. OK siya.

“Bagay kay Teejay ang role ng gay teacher na virgin, at may pinapaaral na bagets, si Sean de Guzman.

“May kissing-kissing sila, at may konting flesh, pero wholesome pa rin ang movie. Camp. May pagka-OA.

"Ang producer, Heaven’s Best Entertainment."

Magsusyuting ang pelikula umpisa Marso 24, Miyerkules, sa Lian, Batangas. Nasa cast din nito sina Edgar Allan Guzman at Carmi Martin.

Si Direk Joel ang nagdirek ng launching movie ni Sean na Anak ng Macho Dancer. Kasama rin si Sean sa launching movie ni Paolo Gumabao na Lockdown.

Nagtalop nang husto si Sean sa Anak ng Macho Dancer at Lockdown. Magpo-frontal ba uli si Sean sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa?

Natawa si Direk Joel, “Ayoko na. Ha! Ha! Ha! Ha! Huwag na muna. Huwag na!”

LOVE FROM THE PAST

Isinama rin ni Direk Joel si Sean sa drama series niya sa Net25 na Love from the Past, kung saan bida sina Francis Magundayao at Claire Ruiz.

“Mahusay, mahusay na bata si Francis. Ngayon ko lang siya naging artista, mahusay pala ‘yon!” sambit ni Direk Joel.

Hindi alam ni Direk Joel na dating child actor si Francis. Basta, bumilib siya sa kahusayan nito.

Dagdag ni Direk Joel, “Mahusay rin yung mga baguhang kasama sa cast nito. Yung Claire, magaling na bata, magaling na babae. Mahusay.”

Ano ang papel dito ni Sean?

“Kasama siya diyan, sa past. Isa siya sa mga nasa past. Rebolusyonaryo siya rito. Walang flesh!” pagdidiin ni Direk Joel.

“Talagang akting-aktingan! Doon siya sa panahon nina Rizal at Bonifacio.”

May parallelism ba iyong himagsikan noong panahon ng mga Kastila sa mga kaganapan ngayon sa ating lipunan?

“Parang ganoon,” mabilis na pag-ayon ng premyadong direktor.

Continue reading below ↓

“Ano ba ang problema nila noon? Meron pa ring problemang ganoon ngayon.”

Dahil sa rekomendasyon ni Direk Joel, pinapirma ng Viva Films ng kontra si Sean. Pero ang follow-up projects ni Sean, sa iba-ibang kumpanya kung saan nagdidirek si Direk Joel.

Wala pang project si Sean sa Viva?

“Meron. Magpa-partner sila nung daughter ni Jeric Raval,” pagtukoy ni Direk Joel sa baguhang sexy actress na si AJ Raval.

SILAB INTRODUCES CLOE AND MARCO

Puring-puri rin ni Direk Joel ang mga baguhang bida sa pelikulang Silab, sina Cloe Barreto at Marco Gomez. Bida rin sa movie si Jason Abalos.

Marco Gomez, Cloe Barreto, Jason Abalos in Silab

Continue reading below ↓

Marco Gomez, Cloe Barreto, and Jason Abalos in Silab

“Nasa post prod na ang Silab. Hopefully, maipakita na sa mga press sa March 22 o 23,” saad ni Direk Joel.

“Si Cloe, marunong umarte, mahusay umarte. Si Jason Abalos, mahusay rin. Sexy si Marco Gomez. Nagpakita sila roon ng mga hindi nila dapat ipakita... e, ipinakita nila.”

Maganda ba ang makikita kay Marco sa Silab?

Napangiti nang mahiwaga si Direk Joel, “Napakaganda, ‘day! Napakaganda, sa totoo lang!

“Talagang paghahangaran ninyo na makita pa ninyo uli.”

Noon pa ready si Marco na mag-frontal sa movie. Kasama nga dapat ito sa Lockdown bilang isa sa video call boys.

“E, hindi siya pwede doon sa Lockdown. Ayaw niya. Ayaw kasi niyang makipaghalikan sa kapwa lalaki,” paliwanag ni Direk Joel.

“Dito sa Silab, nakita lahat ang dapat ipakita.”

Nakipagsabayan ba si Jason ng pagpapakita kay Marco, o hanggang halik-halik lang ito kay Cloe?

“Halik-halik lang ‘yon, pero nagpakita pa rin ng katawan.”

Continue reading below ↓

UPCOMING MOVIES

Naka-line up na ang follow-up movie ni Direk Joel sa Godfather Productions ni Joed Serrano, ang nag-produce ng Anak ng Macho Dancer.

“Si Maricel Soriano ang bida, at si Ricky Lee ang sumusulat ng script,” pahayag ni Direk Joel.

“Ine-aim namin na si Meryll Soriano ang gumanap bilang young Maricel sa movie. Ewan ko kung magagawa.”

Balik-akting din si Direk Joel sa pelikulang Abe-Nida na pagbibidahan nina Allen Dizon at Katrina Halili, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Sa Abril nakatakdang mag-shooting ang Abe-Nida sa Paete, Laguna. Comeback project iyon ng BG Films ni Ms. Baby Go.

Buti, naisingit sa schedule ni Direk Joel.

“Naku, one day lang naman ang akting. One day na mahabang-mahaba, one or two days!” bulalas ni Direk Joel.

“Pwede na ‘yon! Pinagbigyan ko si Louie Ignacio, friend ko ‘yon, e. Saka nagka-Urian award ako, ‘Day, para sa School Service na idinirek niya.

“Kaya hindi pwedeng maisnab, di ba? Tinanggap ko na rin.”

Continue reading below ↓

Siyanga pala, isa si Direk Joel sa Icon awardees ng 4th EDDYS, na mag-i-streaming sa Marso 22, Lunes ng 8:00 p.m., sa FDCP Channel.

Ang iba pang EDDYS Icon awardees ngayong 2021 ay sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, at Ricky Lee.

Magkatuwang sa 4th EDDYS ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) at FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Major sponsors ng 4th EDDYS ang courier service/delivery app na Toktok (ineendorso nina Alden Richards, Maine Mendoza, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), at ang Beautederm Corporation ni Bb. Rhea Anicoche-Tan.

Minor sponsors ang San Miguel Corp., Mondelez International (Tiger Crackers), Smart Shot Studio, Congresswoman Nina Taduran ng Partylist na ACT-CIS, Raffy Tulfo, Willie Revillame, Speaker Lord Allan Velasco, Aficionado of Joel Cruz, at Maris and Dee Chanco of Maris Pure Corp.

Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm ni Juan Carlos B. Robles (Chan Robles & Company, CPAs) at managing partner ang nagbilang ng mga boto sa labing-apat (14) na kategoryang pinaglabanan.

Continue reading below ↓

MORE GUIDE STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joel Lamangan (center) announces that Christian Bables (right) will be replaced by Teejay Marquez (left) as the lead in the movie Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.
PHOTO/S: Facebook / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results