Sean de Guzman todo workout para sa 3 movies, 1 series na gagawin

by Jerry Olea
Mar 15, 2021
Sean de Guzman's next project is a movie titled Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, which will be directed by Joel Lamangan.
PHOTO/S: Sean de Guzman on Facebook

Hindi na bago kay Sean de Guzman ang kissing scene.

Kaya game siya kissing scene nila ni Teejay Marquez sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, na nakatakdang mag-shooting simula Marso 24, 2021, Miyerkules, sa Lian, Batangas.

Nakausap si Sean ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook Messenger kagabi, Marso 14.

Ang bungad niya, “I am so excited to work with Teejay and sa iba pang cast members.

"Regarding sa kissing scene namin ni Teejay, hindi na po bago sa akin iyon because I’ve done that before in Anak ng Macho Dancer and Lockdown.”

sean de guzman, lockdown

Continue reading below ↓

Nasa cast din ng pelikulang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa sina Edgar Allan Guzman, Sean de Guzman, at Carmi Martin, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

SEAN DE GUZMAN GRATEFUL TO DIREK JOEL LAMANGAN

Si Direk Joel Lamangan ang direktor ng launching movie ni Sean na Anak ng Macho Dancer, na nag-premiere streaming noong Enero 30 sa Ktx.ph.

Si Direk Joel din ang direktor ng dalawa pang project ni Sean: ang pelikulang Lockdown, na launching movie ni Paolo Gumabao, at ang mini-series ng Net 25 na Love from the Past, starring Francis Magundayao and Claire Ruiz.

“I’m so grateful and thankful dahil sa lahat ng blessings and opportunities na dumadating sa akin, especially kay Direk Joel Lamangan,” sambit ni Sean.

“I feel so special dahil sa mga project na binigay ni Direk for me.

"Sa ngayon po, hindi pa po ako nagsisimula na mag-taping, but I already met the cast noong nag-pictorial kami para sa poster.

Continue reading below ↓

“I’m so happy to be part of this series because this is my first serye on television.”

Si Direk Joel din ang nagrekomenda sa Viva, kaya pinapirma ni Boss Vic del Rosario ng kontrata si Sean.

E, di ba, na-impress si Direk Joel sa performance ni Sean sa Lockdown, kaya nga kinuha itong bida sa Anak ng Macho Dancer?

“Yes, ang Lockdown ang kauna-unahang pelikula na nakatrabaho ko si Direk Joel and I’m so happy na napansin ako ni Direk Joel doon,” saad ni Sean.

“Dahil din po doon sa movie na iyon, lahat ay nagsimula nang dumating, lahat ng biyaya. Nakakatuwa dahil naging part na ako ng Viva Family at pinapasalamatan ko rin si Tito Lito de Guzman na isa sa tumulong sa akin na makapasok sa Viva.”

Balitang si AJ Raval ang makakatambal ni Sean sa unang Viva movie niya. Bold drama ba ito?

“The last time na nakipag-meeting kami kay Boss Vic, ang napag-usapan po namin ay sexy action movie ang ibabato sa amin.”

Continue reading below ↓

Bida si Marco Gomez sa pelikulang Silab na prinodyus ng Clique 5 manager nila na si Len Carrillo.

Ano ang pakiramdam ni Sean na si Marco ang kinuhang bida at hindi siya?

“Natutuwa nga po ako na si Marco Gomez ang nakuhang bida dahil isa-isa na kaming nabibigyan ng break,” giit ni Sean.

“Walang rason para mainggit ako dahil kapatid ko si Marco and iyong role po ni Marco sa Silab ay bagay na bagay po talaga sa kanya.”

Ano pa ang pinagkakaabalahan niya these days?

“Naghahanda po ako para sa mga project na naka-line up sa akin dahil three movies at isang serye ang gagawin ko ngayong March-April, kaya intensive workout ang ginagawa ko.”

TEEJAY MARQUEZ ON ANG HULING BAKLANG BIRHEN SA BALAT-LUPA

Nabasa na ng lead actor na si Teejay Marquez ang screenplay na binuo nina Direk Joel Lamangan at Direk Afi Africa.

Pinost ni Afi sa Facebook nitong Marso 14, Linggo ng hapon, ang reaksiyon ni Teejay sa script.

Continue reading below ↓

In-expect daw ni Teejay na super-comedy ang script pero nakakaiyak din pala at may kurot.

“Solid,” sabi pa ni Teejay.

Ang tanong, keri ba ni Teejay na bigyang-katarungan ang papel ng matimtimang birhen sa pelikula?

Tugon ni Afi nitong Linggo ng gabi via Messenger, "Based sa performance ni Teejay sa mga napanood ko, yes na yes po. Plus may virginal factor ang mukha ni Teejay hahaha...”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman's next project is a movie titled Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, which will be directed by Joel Lamangan.
PHOTO/S: Sean de Guzman on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results