Christian Bables plays Dharna in the star-studded cast of Big Night!

by Jerry Olea
Mar 15, 2021
Christian Bables leads all-star cast of the upcoming film Big Night! directed by Jun Robles Lana.

Kalahati na ng Marso 2021, at unang anibersaryo ng community quarantine sa NCR ngayong Marso 15, Lunes... wala pa rin tayong balita kung kailan lilipad si Jane de Leon sa TV series na Darna.

Pero si Christian Bables bilang Dharna sa pelikulang Big Night!... nagmaganda na!

In-upload ang trailer ng nasabing pelikula sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company nitong Marso 13, Sabado.

Hindi po ito remake, sequel, prequel o requel ng 2009 indie movie na Big Night, na tinampukan nina Jordan Herrera, Marco Morales, Althea Vega, at Jaycee Parker, sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos.

Ang tagline ng Big Night! (opo, may exclamation mark) ay, “How far would you go to clear your name?”

Sa istorya, nakasama ang pangalan ni Dharna sa watch list ng mga junkie. Syokot siyempre ang jokla na matokhang.

Co-stars ni Christian sa Big Night! sina Eugene Domingo, Gina Alajar, John Arcilla, Janice de Belen, Ricky Davao, at Gina Pareño.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa cast sina Nico Antonio, Allan Paule, Soliman Cruz, Martin del Rosario, Awra Briguela, VJ Mendoza, Cedrick Juan, Ogie Diaz, at Sue Prado.

Co-prod dito ang Cignal Entertainment, The IdeaFirst Company, Octobertrain Films, at Quantum Films, sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

“Alam namin, marami ngang Big Night pero yun talaga best title,” sabi ni Direk Perci Intalan nitong Marso 15, Lunes ng hapon, via Messenger.

“Although sabi nga ni Jun, gusto niya yung title na PIGS OF MANILA pero ayaw niyang maka-offend... ng pigs hahahahaa.”

Ang mag-asawang sina Direk Perci at Direk Jun ay magkatuwang sa pagpapalakad ng The IdeaFirst Company, na nasa likod din ng Pinoy BL series na Gameboys, multi-awarded film na Kalel, 15, at TV5 drama series na Paano Ang Pasko?/Paano Ang Pangako?.

May target showing na ba ang Big Night!?

“May mga hinihintay pang festivals abroad ang Big Night. Sana, may good news doon,” tugon ni Direk Perci.

Continue reading below ↓

“Sana, parang iyong nangyari sa Kalel, 15. Then, ire-release dito, baka second half of the year na or early next year.

“Hoping pa rin kami na magka-chance to show this in cinemas. Sana talaga.”

GAMEBOYS SEASONS 2

E, ang season 2 ng Gameboys nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, kailan ipapalabas?

“Yung Gameboys 2, nasa post production na kami. Matagal na proseso ito, kasi bubusisiin pa namin lahat ng episode.

“Alam mo naman, walang lumulusot kay Jun kahit sa audio.”

Ilang episodes ang Gameboys 2? Libre pa rin ba itong mag-i-streaming sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company?

“Hmmm... ayokong ma-memo hahaha!” tugon ni Direk Perci.

E, ang Paano Ang Pangako? nina Maricel Laxa, Beauty Gonzale, Elijah Canlas, Bing Loyzaga, et al, hanggang kailan sa TV5?

“Until Holy Week ang Paano Ang Pangako? pero problema nga namin, kasi ang daming malalaking mangyayari sa show at nakunan na namin lahat.

Continue reading below ↓

“Sa nakikita ko, parang sumosobra namang bilis hahaha! Nagdyo-joke nga kami na ang daming nagaganap sa Paano Ang Pangako, para na kaming gumawa ng tatlong teleserye.

“Imagine, nag-book ender na kami ng Paano Ang Pasko? after seven weeks. 'Tapos, a few weeks ago, pinatay si Jose [Ricky Davao]. May paburol, palibing, etc.

“'Tapos last week lang, si Love [Julia Clarete] naman, na may big dramatic moment si Noel [Elijah Canlas] na mitsa ng malaking magyayari this week na di ko pwedeng ikuwento pa.

“Basta, para kaming laging may season ender every few weeks!” saad pa ni Direk Perci.

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bables leads all-star cast of the upcoming film Big Night! directed by Jun Robles Lana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results