Newbie actors Marco Gomez, Cloe Barreto nag-share kung paano mapagalitan ni Direk Joel Lamangan
Mar 24, 2021

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang mga baguhang aktor na sina Marco Gomez and Cloe Barreto dahil sila ang napili ng batikang direktor na si Joel Lamangan upang magbida sa bago nitong pelikula, ang Silab, kung saan kasama rin si Jason Abalos.

Nitong Huwebes, March 18, 2021, eksklusibong nakanayaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom sina Marco at Cloe tungkol sa kanilang upcoming movie project.

Isa sa mga ibinahagi ni Marco ay ang kanyang first impression kay Direk Joel.

Kuwento nito, "Sa meeting pa lang, ang bait niya pero ang sabi niya sa akin, 'Marco, kasama ka na sa movie ng Silab. Ako ang magdirek, ibig sabihin istriktong-istrikto ako sa movie.'

"'Maghanda ka na,' sabi sa akin. 'Be ready because I'm going to be very strict to you.' So I took it as a note."

Inamin ni Marco na napagalitan na rin siya ni Direk habang ginagawa nila ang pelikula. Nitong February natapos ang shooting ng Silab na kinunan sa Pampanga at Batangas.

Kuwento ni Marco, "Nung nag-start na kami sa movie, actually nagulat ako, sabi ko, 'Ganito pala si Direk.' Pero what I did, I took it as a challenge and I tried to do better sa next take.

"Pero after ng scene namin, kasi may isang scene na nahirapan ako, lumapit ako kay Direk Joel 'tapos nag-sorry ako sa kanya.

"Sabi niya, 'Huwag ka mag-sorry, normal lang yun na magkamali ka, saka 'tinapos na natin yung scene, ibig sabihin you're good, you did a great job. Saka yung pinagalitan kita, it means I care for the movie, I care for you. And nothing is personal, kundi trabaho lang.'

Ikalawang beses naman na makatrabaho ni Cloe si Direk Joel kaya naman medyo nakapaghanda na ito sa maaaring mangyari sa set.

Unang nakatrabaho ni Cloe si Direk Joel sa pelikulang Anak ng Macho Dancer pinagbidahan nina Sean De Guzman, Miko Pasamonte, Charles Nathan, Ricky Gumera, at Mhack Morales.

Aniya, "Nung dumating na po yung Silab, sabi ko, 'Okey, alam ko na na kapag nagagalit si Direk, laging sumisigaw.'

"'So dapat hindi magalit si Direk,' sabi ko. 'Para hindi ako matakot,' sabi ko.

"'Tapos ayun po, masarap po katrabaho si Direk kasi sobrang dami po naming natutunan sa kanya, yung pagiging natural sa pag-arte para hindi sobrang O.A., yung mga ganun po.'"

Ngunit inamin ni Cloe na naiyak din siya sa set ng Silab. Panoorin sa video ang dahilan.

HOT STORIES

Interviewer, Video Producer, and Editor: Nikko Tuazon

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results