Marco Gomez on veteran actors na kasama sa Silab: "Parang hindi sila artista!"
Mar 29, 2021

Malaki ang pasasalamat ng newbie actors na sina Marco Gomez at Cloe Barretto sa kanilang mga co-stars sa pelikulang Silab.

Inamin ni Marco na nakaramdam ito ng kaba nang malaman na kasama nila sina Jason Abalos, Chanda Romero, at Lotlot de Leon sa nasabing pelikula.

Ngunit ang kabang ito ay nawala nang makilala niya na nang personal ang mga kapwa artista sa kanilang locked-in taping sa Pampanga at Batangas noong February 2021.

"Na-pressure ako lalo na kay Kuya Jason, 'tapos kay Miss Lotlot and Miss Chanda," saad nito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, March 18, 2021.

Patuloy nito, "Pero nung nasa set na kami, backstage pa lang, ambabait nila parang hindi sila artista."

Ipinahayag ni Marco ang kanyang pasasalamat kay Jason na siyang tumulong sa kanya upang magawa nito nang maayos ang mga eksenang nahihirapan siya.

Aniya, "Buti naman si Kuya Jason. Kuyang-kuya siya sa akin lalo kapag nagkakamali ako sa isang scene, lumalapit siya sa akin, sabi niya, 'Marco, dapat ganito ang gagawin mo 'tapos think of that, think of this...'

"Very thankful ako sa mga veterans, lalo na kay Kuya Jason Abalos."

Gaya ni Marco, kinabahan din si Cloe na makaeksena sina Lotlot at Chanda sa pelikula.

Ayon sa baguhang aktres, ito rin ang matuturing niyang biggest challenge na kanyang hinarap sa proyektong ito.

"Siguro po... yung scene namin ni Chanda Romero po at saka ni Miss Lotlot, kasi mga ano na yan e, mga batikang artista so parang kinakabahan ako kung pano gawin.

"Kasi baka mamaya mali yung ginagawa ko sa scene namin, so yun yung parang naging sobrang challenging sa akin."

HOT STORIES

#MarcoGomez #CloeBarretto #Silab

Interviewer, Video Producer, and Editor: Nikko Tuazon

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results