Finally, Winwyn Marquez bags first title role in movie after 17 years

by Rose Garcia
Mar 26, 2021
Winwyn Marquez on role in Nelia: "I want to play that character...Ibang-iba kasi, never ko pang nagawa ito.”
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, nabigyan si Winwyn Marquez ng title role sa pelikulang Nelia.

At matinding paghahanda ang ginagawa niya dahil napaka-challenging ng kanyang character sa suspense-thriller film na tumatalakay sa multiple-personality disorder.

Kasalukuyang nasa lock-in taping ang dating beauty queen kasama ang ibang miyembro ng cast na sina Vin Abrenica and Raymond Bagatsing.

Ayon sa 28-year-old actress, pagkabasa raw niya ng script, gustung-gusto na niyang gawin agad ang pelikula.

“I said yes, after [reading] the last page,” lahad ni Winwyn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na virtual mediacon para sa Nelia noong March 20, 2021.

“Sabi ko, I want to play that character. I wasn’t sure yet kung kukunin nila ko, pero hindi ako nagdalawang-isip kasi it’s very exciting. Ibang-iba kasi, never ko pang nagawa ito.”

Timing daw ang pagdating ng project dahil katatapos lang niyang mag-lock-in taping para sa kanyang serye GMA-7.

Ayon kay Winwyn, “Tapos na akong mag-taping sa Owe My Love, kakauwi ko lang po. Two months akong lock-in sa Bulacan. One week pa lang po ako rito sa Manila, 'tapos shoot agad. Parang touch and go lang ako. But thank God, dire-diretso naman po ang work.”

Continue reading below ↓

WINWYN MARQUEZ ON ROLE IN NELIA: "sana magawan ko ng justice"

Ang Nelia ay fourth movie ni Winwyn.

Mas maraming naging acting projects—nasa 30 series and shows—ang dalaga sa telebisyon, at mas nalilinya siya sa pagiging kontrabida.

Aminadong nakakaramdam raw siya ng kaba, pero malaking bagay na ang pangunahing goal ng producer na si Attorney Melanie "Honey" Quino ng A and Q Films Productions ay makagawa ng de-kalidad na pelikula.

“Kagaya nga po ng sinabi ni Attorney Honey, it’s very nice to hear that she wants a quality film, and hindi niya priority ngayon iyong kumbaga, kumita.

“At bilang artista, alam naming hindi kami mapi-pressure na kailangan ganito ang mangyari.

"At least, ang focus namin ngayon is how we act and how we can portray our roles better and to showcase to people a different genre.

"Ang daming platform sa internet, mas malawak na. Hindi mo alam kung sino na ang makakapanood.”

Continue reading below ↓

Sa parte ni Winwyn, ang goal naman niya ay pagbutihin ang kanyang pagganap.

Sabi pa niya, “Thankful din ako na nandiyan sina Attorney Honey na gano’n ang naiisip nila. Kasi, bilang isang artist na ngayon lang magkakaroon ng title role, confident ako na iyong iisipin ko muna, kung paano mabigyan ng justice at hindi iyong iisipin ko kung magkano ang kikitain ng film.

“Ang iisipin ko muna, sana magawan ko ng justice.”

Sa totoong buhay, ang pinaka-challenging na ginawa niya ay nang magdesisyon siyang sumailalim Basic Military Training para maging marine reservist.

“Hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko. Kung matatakot ba ko, kung magiging brave ba ko. It was really during the pandemic. Iyong ugali ko roon, kailangan kong ayusin.

“Natutuwa ako na nagawa ko, naiiyak ako dahil nahihirapan ako. Kaya siguro dito kay Nelia, iyong different emotions, do’n ako huhugot para sa character,” saad niya.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez on role in Nelia: "I want to play that character...Ibang-iba kasi, never ko pang nagawa ito.”
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results