Janine Gutierrez has one suggestion to ease ECQ boredom

by Rommel Gonzales
Apr 2, 2021
Janine Gutierrez says those who are bored during ECQ are lucky: "Napakalaking prebilihiyo iyon...wala kang pinoproblema."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Kapag natapos na ang pandemya ng COVID-19, ang unang gustong gawin ni Janine Gutierrez ay ang manood ng sine.

Ang sabi ng aktres, "I was really looking forward to watching inside a theater kasi siyempre iba pa rin yung experience, di ba?"

Dapat sana ay ipapalabas sa mga sinehan noong March 17, 2021 ang Dito At Doon, na pelikula niya with JC Santos under TBA Studios/WASD Films, pero hindi ito natuloy.

Ngayong bumalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang sitwasyon sa Metro Manila at mga karatig na lugar simula March 27, lalong hindi natuloy ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan.

Pagpapatuloy pa ni Janine, "But, you know, kailangan nating mag-adjust kung ano ng pinakaligtas para sa ating lahat ngayon. Pero once na ano, iyon talaga.

"Inggit ako sa mga ibang bansa na nakakanood na ulit sa sinehan."

JANINE GUTIERREZ ON LIFE during the pandemic

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng media sina Janine, JC, Yesh Burce, at director JP Habac sa Zoom mediacon ng Dito At Doon noong Lunes, March 29.

Continue reading below ↓

Dito ay napag-usapan na ang isa sa mga sentro ng kuwento ng pelikula ay ang epekto ng pandemya sa pakikipagrelasyon.

Nitong nakaraang taon, dumaan rin ba sa challenge ang relasyon nina Janine at ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz?

"Ako, naisip ko na parang malaking tulong din iyong palagi kang merong kausap. Na kahit masungit ka or malungkot ka, kakausapin ka pa rin niya," at natawa si Janine.

"Parang nung pandemic kasi kailangan natin talagang umasa at sumandal sa isa't-isa. So I'm just grateful na meron akong ganung kasama nitong past year."

Ano naman ang maipapayo o mensahe ni Janine sa mga taong naiinip o nabo-bore na sa loob ng bahay dahil bawal ngang lumabas kung hindi rin lang importante ang gagawin o pupuntahan?

"Kung bored ka, napakalaking prebilihiyo iyon, na alam mo iyon, wala kang pinoproblema, ibig sabihin ang problema mo lang kung anong gagawin mo.

"So kung bored ka, bili ka na lang ng ticket ng Dito At Doon," ang tumatawang hirit ni Janine.

Continue reading below ↓

Dugtong niya, "Kung meron kang extra ka na magagastos, isama mo iyong mga kasama mo sa bahay, at manood kayo ng Dito At Doon."

JANINE GUTIERREZ ON DITO AT DOON: "Even if i know the story, na-hook ako."

Napanood na ni Janine ang Dito At Doon sa virtual premiere ng pelikula noong Linggo, March 28, 2021.

Ano ang reaksiyon niya matapos mapanood ito?

"It's hard to say kung anong naging reaction ko without spoiling the ending, e, pero ano, even if I knew what was going to happen, iyong pagka-edit at iyong kung paano ginawa iyong pelikula, ang galing!

"Like I can say na wala pa akong pelikulang napapanood na ganun.

"And sinabi ko nga kay Direk JP na ang galing ng vision niya for the film kasi nagawa niyang bago iyong isang kuwento na originally dapat iyong Zoom lang iyong usapan or through the phone, so na-enjoy ko siya.

Continue reading below ↓

"And dati kinakabahan ako kapag premiere night, pero wala palang pagbabago, kahit virtual kinabahan pa rin ako," at tumawa si Janine.

"And I was surprised, even if I know na the story, na-hook ako. So iyon iyong experience."

Ang Dito At Doon ay tungkol sa political science graduate na si Len (Janine), na "work-from-home" employee, at Caloy (JC), na isang delivery guy/frontliner na may magkaibang prinsipyo at paniniwala sa buhay.

Nasa cast rin ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Nagsimula ngayong Miyerkules Wednesday, March 31, 2021 ang streaming ng Dito At Doon sa limang major online platforms: KTX.ph, Cinema '76 @ Home, iWant TFC, Upstream, at Ticket2Me.

Maaaring maka-avail ng early bird promo para mapanood ang Dito At Doon sa halagang PHP300 sa limitadong oras; ang regular price ay Php 350.

Ang mga film aficionados sa ibang bansa ay magkakaroon rin ng pagkakataong mapanood ang pelikula dahil inihahanda na ng TBA Studios ang worldwide release nito via premium video on demand (PVOD).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez says those who are bored during ECQ are lucky: "Napakalaking prebilihiyo iyon...wala kang pinoproblema."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results