Winwyn Marquez accepts 'hindi mo kamukha' comparisons to mom Alma Moreno

by Rose Garcia
Apr 1, 2021
Winwyn Marquez (R) expects to be compared to her mom Alma Moreno now that she is top-billing the movie Nelia, her first title role.
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram; Batang Blumentrit on Pinterest

"Expected naman po na mako-compare ako sa mom ko..."

Ito ang sabi ni Winwyn Marquez nang ilunsad siya bilang bida sa Nelia, ang una niyang title role sa pelikula.

Si Winwyn ay anak ni Alma Moreno, na tinaguriang Sex Goddess of Philippine Movies noong 1970s at 1980s, at nakilala sa mga ginampanan niyang title roles sa Mrs Eva Fonda, 16 (1976), Dyesebel (1978), at Nympha (1980).

Pero sa mga pelikulang ginawa ni Alma, ang naaalala ni Winwyn ay ang Aswang (1992).

Ang sabi ng dalaga nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa virtual mediacon ng Nelia noong March 20, 2021, "Iba rin ang atake niya so tinanong ko.

"Pinagbubuntis niya ko no’ng Aswang movie na iyon.

"Tinanong ko lang siya paano iyong ganun. Kasi, sobrang galing ni Mama sa mga expression, lalo na iyong sa mata lang."

Sanay na raw si Winwyn sa pagkukumpara ng mga tao lalo't halos 17 years na rin siyang nasa showbiz.

Continue reading below ↓

Simula noong 12 years old siya, baguhan sa showbiz, naririnig na raw niya ang mga comments tungkol sa magkaiba nilang beauty.

At kahit nga ngayong 28 years old na siya, may ilang showbiz fans pa rin na ayaw siyang tantanan.

Noong November 2020, isang netizen ang nagsabi sa Intagram ng, "Maganda ka naman. Pero sorry mas maganda siya sa iyo nung panahon niya.”

Ang sagot dito ni Winwyn ay, "Malamang mas maganda talaga mom ko! Kakaiba yun dyosa."

Sa virtual mediacon, saad ng Kapuso actress, "Kung comparison man siguro kagaya ng kapag bina-bash nila ko, hindi ko kamukha, palaging ganun iyong comparison nila.

"Pero dito sa acting, I’ll try to get more tips."

Dagdag pa ng panganay nina Alma at Joey Marquez, "Hindi naman po siguro mawawala ang pagka-pressure ko po when it comes to my parents, kapag mako-compare, lalo na si Mama.

"But good thing is, I’m open to that so I ask their advice."

Continue reading below ↓

Ang hangad niya ay makita ng manonood na iba ang kanyang istilo sa pag-arte lalo't mas nalinya siya sa pagiging kontrabida.

Pahayag ng dating beauty queen, "Sana makita rin nila na I have a different style.

"At siguro, nakakatulong din iyong mga kontrabida roles na ginawa ko, which is, my Mom, hindi siya nagkokontrabida.

“So kung may synergy man, puwede akong humugot from being kontrabida and being protagonist."

Mabuti na lang at unti-unti ay nakakawala na siya sa shadow ng mga magulang. Malaking bagay na malakas ang loob niya at desidido sa tuwing meron siyang gustong subukan o pasukin.

Halimbawa na lang ay ang pagsasayaw at ang pagsabak niya sa beauty pageant, kung saan siya ay nakoronahang Reina Hispanoamericana noong 2017.

To date, siya ang nag-iisa at kauna-unahang Filipina na nanalo sa pageant, na nagseselebra ng 30th year niya ngayong 2021.

Noong February 2017, sumailalim rin si Winwyn sa Marine Reservist Training, at siya pa ang nanguna sa kanilang class.

Continue reading below ↓

Natatawang lahad ni Winwyn, “Feeling ko, I’m very unpredictable. Kasi, sa pagsali ng pageant, hindi alam ng parents ko iyon.

"Sa pagkuha ng Teacher’s Certificate, hindi rin nila alam na kinukuha ko iyon.

"Noong sumali ako as a Marine Reserve, not a lot of people know that also.

"So hindi nila alam ang next na gagawin ko. I think, I’m very unpredictable."

Pero higit sa pagiging unpredictable ay isa siyang go-getter.

“I try to do my goals before I think about it. Kumbaga, ayokong nagsasalita lang ako na wala namang kalalabasan.

"I feel that I’m very unpredictable, and I push through with whatever I want to do.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez (R) expects to be compared to her mom Alma Moreno now that she is top-billing the movie Nelia, her first title role.
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram; Batang Blumentrit on Pinterest
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results