Charlie Dizon, Paulo Avelino win top acting honors at 4th EDDYS

by Jerry Olea
Apr 5, 2021
Charlie Dizon (left) bags another best actress award for her performance in Fan Girl at the 4th EDDYS Awards; Edgar Allan Guzman (right) wins best supporting actor for his performance in Coming Home.
PHOTO/S: Screen grab from EDDYS Awards

Napakatamis ng ngiti ni Charlie Dizon matapos ihayag ang kanyang pangalan bilang best actress sa 4th Eddys nitong Abril 4, Easter Sunday ng gabi.

Nagwagi si Charlie para sa pelikulang Fan Girl.

“Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta ng Fan Girl, and sa lahat po ng bumubuo ng Team Fan Girl lalo na kay Direk Angoinette Jadaone, thank you po!” masayang bulalas ni Charlie.

“And gusto ko rin pong mag-thank you sa management ko... sa Rise Artists Studio family, sa buong ABS-CBN Films, and sa lahat po ng bumubuo ng ABS-CBN Management. Maraming-maraming salamat po.

“And dine-dedicate ko po iyong award na ito para sa family ko... Maraming-maraming salamat po! To God be the glory!”

Nag-streaming ang 4th Eddys sa FDCP Channel at iba pang platforms.

FAN GIRL WINS FIVE MAJOR AWARDS

Kagaya sa 46th Metro Manila Film Festival noong nakaraang Disyembre, nakamit ng pelikulang Fan Girl ang limang major awards sa 4th Eddys.

Continue reading below ↓

Wagi ito bilang best film, best director (Antoinette Jadaone), best actress (Charlie Dizon), best actor (Paulo Avelino), at best screenplay (Antoinette Jadaone).

Panalo rin ang Fan Girl sa mga kategoryang best sound (Vincent Villa) at best editing (Benjamin Tolentino).

Wala si Paulo Avelino sa awarding kaya ang nag-acceptance speech para sa kanya ay si Direk Antoinette.

Bale apat ang acceptance speech ni Direk Antoinette—para sa best film, best director, best actor, at best screenplay.

Pahayag ni Direk Antoinette sa pagtanggap ng best director award, “I share this award to the other nominated directors. And I also dedicate this award to the team behind Fan Girl.

“Ahhm, napagtagumpayan nating makatapos ng isang pelikula sa gitna ng pandemya. “And maraming salamat din sa lahat ng tumulong na i-spread yung word about Fan Girl noong panahon na hindi po bukas ang mga sinehan at ang tanging paraan lang namin na ipalabas ang Fan Girl ay via online streaming platforms.

Continue reading below ↓

“I also dedicate this award to my parents, kay Mama at kay Papa na nanonood ngayon. Maraming salamat po.”

Bahagi ng acceptance speech ni Direk Antoinette nang ihayag ang Fan Girl bilang best film, “Maraming salamat sa matatapang kong producers ng Fan Girl, si Bianca Balbuena at si Dan Villegas.

“Sa mga producers naming Project 8, Epic Media, Globe Studios, Black Sheep, at Crossword.

“And we would like to share this award sa iba pang nominado sa best film, at sa iba pang pelikulang naprodyus ng 2020.

“Dahil isang tagumpay ito para sa atin dahil hindi natin hinayaang mamatay ang industriya natin, ang naghihingalo nating industriya sa gitna ng pandemya.

“At ang hiling namin, kaming mga bumubuo ng Fan Girl, ay sana, iyong Pilipinas na ipapamana natin sa mga kabataan natin, parang si Jane sa Fan Girl, ay alam ang respeto sa kababaihan, lalo na sa karapatang pantao natin.”

Direk Angoinette Jadaone

Continue reading below ↓

UNEXPECTED WIN

“Oh my God! Oh my God! Oh my God!” bulalas ni Edgar Allan “EA” Guzman nang tawagin ang pangalan niya bilang best supporting actor para sa Coming Home.

Kitang-kita na nag-uumapaw ang galak ni EA, “Unexpected. Ahh, unang-una, gusto kong magpasalamat kay Lord for giving me the talent, iyong passion. “Every project na ibinibigay Niya sa akin, iyong passion, nandoon. Iyong pagmamahal ko sa craft ko. Andoon.

“Hindi Niya... Hindi Niya... Hindi Niya iniiwan iyon biglaan na lang sa akin. Ibinibigay Niya.”

Sabi pa ni EA, “Idine-dedicate ko po ang award na ito sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa aking mga inspirasyon, at sa lahat ng mga sumusuporta sa akin.

“Sa lahat po ng fans na nagmamahal, marami pong salamat. To my GMA Network family, Artist Center and ALV family, maraming salamat po.”

Hindi dumalo sa 4th Eddys si Shaina Magdayao, na kinilalang best supporting actress para sa Tagpuan.

Continue reading below ↓

Katuwang ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa paghahatid ng 4th Eddys ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) na pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño-Seguerra.

“Virtual po tayo ngayong gabi. Instead of the cheerful chats in the lobby before the show, the resounding laughter, and applause, the ‘oohs and ahhs’ during the program—we are to content ourselves with this new way of keeping connected, and for our audience, tonight, watching online here at the fdcpchannel and other platforms,” pahayag ni FDCP Chair Liza.

“Sa ngayon, sarado pa rin po ang mga sinehan at hindi pa tayo bumabalik sa dating galawan sa pagpro-promote ng mga pelikula.

“Wala pa rin po ang mga face-to-face presscon kung saan buhay na buhay ang interaksyon ng press at ng industrya.

“Maraming mga reporters, writers at press people ang apektado ng pandemya, pati na rin ang mga ibang manggagawa ng industriya ay kasalukuyan pa ring nahihirapang makaraos.

Continue reading below ↓

“Ang Eddys ay isang maliwanag na tala sa kadilimang ito. Sa halip na magpatalo sa situwasyon, nakatayo tayong lumalaban at naghahanap ng inspirasyon mula sa mga tagumpay ng ating mga pinararangalan...”

STAR-STUDDED

Ang nag-host ng 4th Eddys ay si Robi Domingo, at ang nagdirek ay si Ice Seguerra. Major sponsors ang Beautederm at Toktok.

Star-studded ang 4th Eddys, kung saan presenters sina Vilma Santos (para sa best actress) at Dingdong Dantes (para sa best actor).

Icon awardees sina Tommy Abuel, Pilar Pilapil, Boots Anson-Roa Rodrigo, Gina Paren?o, Dante Rivero, Ronaldo Valdez, Direk Joel Lamangan, Ricky Lee, Gloria Sevilla, at Caridad Sanchez.

Pinagkalooban ng Isah V. Red Award sina Ramon Ang, Senator Bong Revilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Claire de Leon-Papa, at Rhea Anicoche-Tan.

Special awardees sina Lolit Solis (Joe Quirino Award, Mario Bautista (Manny Pichel Award), Black Sheep (Rising Producers Circle Award), at The IdeaFirst Company (Producer of the Year Award).

Continue reading below ↓

4th EDDYS list of winners:

Maraming artista rin ang nakibahagi bilang bumpers. Narito ang talaan ng mga nagwagi sa labing-apat (14) na kategorya.

BEST FILM: Fan Girl

BEST DIRECTOR: Antoinette Jadaone (Fan Girl)

BEST ACTOR: Paulo Avelino (Fan Girl)

BEST ACTRESS: Charlie Dizon (Fan Girl)

BEST SUPPORTING ACTOR: Edgar Allan Guzman (Coming Home)

BEST SUPPORTING ACTRESS: Shaina Magdayao (Tagpuan)

BEST SCREENPLAY: Antoinette Jadaone (Fan Girl)

BEST CINEMATOGRAPHY: Rody Lacap (Magikland)

BEST VISUAL EFFECTS: Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland)

BEST MUSICAL SCORE: Kean Cipriano (On Vodka, Beers and Regrets) and Paulo Protacio (The Boy Foretold By The Stars)

BEST PRODUCTION DESIGN: Ericson Navarro (Magikland) BEST SOUND: Vincent Villa (Fan Girl)

BEST EDITING: Benjamin Tolentino (Fan Girl)

BEST ORIGINAL THEME SONG: “Ulan” by Jhaye Cura and Paulo Protacio (The Boy Foretold By The Stars)

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charlie Dizon (left) bags another best actress award for her performance in Fan Girl at the 4th EDDYS Awards; Edgar Allan Guzman (right) wins best supporting actor for his performance in Coming Home.
PHOTO/S: Screen grab from EDDYS Awards
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results