Lock-in shooting mas maraming benepisyo kung walang pasaway

by Rommel Gonzales
Apr 13, 2021
"It's a good sign pag natatawa ka sa sarili mong linya," says Janine Gutierrez, who is photographed here while doing the Dito at Doon movie.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Para sa cast ng Dito At Doon, may kabutihan at advantages ang lock-in shooting at taping.

Dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19, bahagi ng new normal ang lock-in taping at shooting para sa production ng TV at movie projects. Dito ay ang buong produksiyon, kabilang ang mga artista, direktor, at lahat ng kasali sa project, ay nasa fliming location at walang uwian hangga't hindi natatapos ang pinakahuling eksenang kailangang kunan.

Sabi ni Janine Gutierrez sa recent mediacon ng Dito At Doon, "Ako personally, medyo naging okay iyong experience ko dito sa pelikula namin.

"Dahil ang galing talaga ng TBA mag-alaga, talagang sinunod lahat ng protocol, we felt so safe. Iyong oras, bilang na bilang."

TBA Studios ang may hawak ng produksiyon ng pelikulang Dito At Doon, kung saan katambal ni Janine si JC Santos.

Pero dagdag ni Janine, "Pero hindi kasi ganun ang nangyayari sa lahat ng lock in, di ba? Meron ding mga bali-balita na hindi masyadong nasusunod sa iba at nahihirapan ang mga artista.

Continue reading below ↓

"So kung TBA, okay ako, kung TBA, okay ako. And it also helps na, dati kasi segue-segue, so today ikaw si Len, bukas, ikaw si Dragon Lady or something, di ba? So medyo it's easier na tuluy-tuloy."

Gumaganap si Janine bilang si Len sa Dito At Doon, at ang Dragon Lady naman ay ang pinagbidahang fantasy series ni Janine noong 2019. Ito ay noong nasa GMA pa si Janine bago naging opisyal na Kapamilya nitong January ng taong kasalukuyan.

OTHER DITO AT DOON STARS ON LOCK-IN TAPING

Pero aminado si Janine na maaring iba ang pananaw ng kanyang co-stars na iba ang mga responsibilidad sa buhay at pamilya.

Aniya, "That's for me. Alam ko iyong mga may pamilya like JC or iyong mga nanay na meron pang mga batang anak, alam ko mahirap talaga iyong ganitong klaseng sistema."

Nang matanong naman si JC, pabor rin siya sa lock-in na set-up.

Continue reading below ↓

Sabi ni JC na gumaganap bilang Caloy o Cabs, "Kasi sa proseso ng mga gumagawa, sa mga nanlilikha, kailangan natin ng time, di ba? Kailangan nating himayin iyong script, kailangan nating alamin kung ano iyong tamang puwesto ng kamera, at alamin natin iyong tamang timing ng bawat... alam mo iyon, iyong logistics and everything.

"So meron tayong oras para isipin lahat iyon at ma-organize lahat iyon.

"Tulad ng nangyari sa pelikulang ito na maayos lahat ng bagay kasi nabigyan kami ng oras, nabigyan kami ng tamang panahon para magpahinga, at nabigyan kami ng tamang panahon para makapag-isip at mapaganda iyong pelikula."

Halos ganito rin ang pananaw ni Victor Anastacio na gumaganap naman bilang si Mark sa Dito At Doon.

Maganda raw ang naging karanasan nila sa shooting ng Dito At Doon. Mas napaghahandaan raw kasi ang bawat eksena.

Kuwento ni Victor, "Spoiled nga kami ng TBA, and fixed iyong hours and then iyong rest days, kaya nakaka-spoil iyong ganung set-up. Pabor din ako sa kanya.

Continue reading below ↓

"At saka iyon nga, iyong focus mo ay nasa movie lang as opposed to... makikita mo na rin iyong breakdown, ano ba iyong eksena mo bukas, di ba, alam mo iyong eksena mo two days from now, so... pabor din ako sa ganitong set-up, naging advantage siya."

Ganito rin ang opinyon ni Yesh Burce, na gumaganap bilang si Jo sa pelikula.

Sabi ni Yesh, "Actually pabor din po ako kasi parang pakiramdam ko mas healthy iyong mga tao. Mas healthy sila, mas masaya sila kasi may enough time sila ng sleep, ganyan.

"For me, opo, pabor ako.

"Pero tama rin po iyong sinabi ni Janine, na parang sa ibang tao, baka hindi sa kanila okay kasi may kailangan silang uwian or whatsoever.

"Pero for me, ako, okay lang ako kasi masyadong mapagmahal ang TBA.

"Na-spoil nga kami e, totoo iyong na-spoil nila kami, spoiled kami dito."

Para naman sa direktor ng pelikula na si JP Habac, mas efficient ang staff para ma-cover lahat ng eksena sa isang bagsakan.

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk JP, "Opo, okay po ako sa ganitong lock in, actually. Kasi for creatives, parang... kasi mahirap po iyong... kasi before, na-experience ko po iyong minsan, on set, nagre-revise po, kasi alam niyo na, mga ganyan.

"So at least parang coming into the set for the lock in, as in kailangan meron na kayong final script kasi magastos na kapag babalik pa ulit kayo for another lock-in shoot.

"So mas napupulido, mas nade-develop po nang sobra iyong script at nakakapag-prepare pa talaga ng sobra para mapaganda iyong pelikula.

"So okay po ako actually sa new normal. 'Tsaka same po with sa sagot ni Yesh, ang laking tulong iyon pong may sapat na tulog ang mga tao kasi iba iyong naibibigay nila na effort at commitment sa isang project.

"So iyon po."

Sa pagtutulungan ng TBA Studios at WASD Films, maaaring mapanood via streaming ang Dito At Doon sa limang major online platforms: KTX.ph, Cinema '76 @ Home, iWant TFC, Upstream, at Ticket2Me.

Continue reading below ↓

Tampok rin sa Dito At Doon sa isang mahalagang papel ang aktres na si Lotlot de Leon.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's a good sign pag natatawa ka sa sarili mong linya," says Janine Gutierrez, who is photographed here while doing the Dito at Doon movie.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results