15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles, 2000-2020: No.6 - No.10

Here are the Nos. 6 to 10 in the PEP List of 15 Greatest Movie Actresses.

Here are Numbers 6, 7, 8, 9, 10 of The 15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles, 2000-2020.

This ranking is created by the Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) to shine the spotlight on Philippine cinema's premier female talent pool.

With this list, we herald the actresses who bring the magic to our movies. The women who flesh out the stories of joy and pain, sweetness and bitterness, loveliness and craziness. Through them, we can feel. Through them, we realize we are like other people. And through them, we see that we all go through the same rocky existence, attempt to bring the same peace and comfort into our lives, and work to reach the same goals.

In a real way, these actresses interpret the world for us.

More than that, they connect us as human beings.

Imagine what gifts they possess that they can make us believe we are not alone.

Their gifts are, in fact, bountiful. They are—instinctive, intelligent, talented, artistic. They imagine. They create. They tell stories.

And, at the end of it, the very best of them make it all look so easy.


This is a list of the very best of them.

PEP.ph sets the scope of this list, as is required by any manner of listing, particularly one daring enough to end with a ranking.

We pick only 15 movie actresses. Their movies must have been released through 2000-2020. Under consideration are mainstream movies. Within these two decades, the performances that count are those in leading roles. The more remarkable the leading roles, the higher the ranking. The bigger the number of leading roles, again the higher the ranking.

In other words, one actress can have an impressive filmography that gives her the status of icon today. But, if her greatest performances occurred outside 2000-2020, then she may be ranked lower than an actress with a smaller body of work overall, but whose outstanding performances fall within these last two decades.

Also not included are actresses whose body of work lies in independent movies, on television, and on the stage. Unless, that is, they have left their mark in mainstream movies as well.

The PEP TEAM offering up this list of The Greatest Movie Actresses is made up of 11 people, all of whom, at the time they voted, were fulltime PEP staff.

These include: Jo-Ann Q. Maglipon, Editor-in-Chief; Karen AP Caliwara, Executive Editor; Erwin Santiago, News Editor; Rommel Llanes, Video Editor; Rachelle Siazon, Deputy News Editor; Arniel Serato, Chief of Reporters; Bernie Franco and Jet Hitosis, Senior Reporters; Nikko Angelo Tuazon and FM Ganal, Lifestyle Reporters; James Patrick Anarcon, Guide Reporter.

The team takes sole responsibility for its choices. It worked on this list completely independent of any industry player, with no consideration for personal ties whether amicable or hostile, beholden to no individual, association, or institution, and with its eye on the prize: A Credible List.

With this list, the team hopes to do one or both of these things: Honor Philippine cinema's most talented, most accomplished, most exciting actresses of the last two decades. And share this proud list with our good readers whom we now enjoin to make their own greatest lists.

Presenting Nos. 6 to No. 10 of THE 15 GREATEST MOVIE ACTRESSES IN LEADING ROLES, 2000-2020, ranked in ascending order from No. 15 to No. 1: Angelica Panganiban, No. 10; Angel Locsin, No. 9; Ai-Ai delas Alas, No. 8; Sharon Cuneta, No. 7; and Eugene Domingo, No. 6.

Continue reading below ↓

ANGELICA PANGANIBAN

15 Greatest Movie Actresses, Angelica Panganiban

BY JAMES PATRICK ANARCON
BILIB TALAGA AKO kay Angelica Panganiban. Ang range ng kaya niyang roles, mapatelebisyon man at lalo na sa pelikula, ay hindi matatawaran.

Kung sa TV, tatak ang pagiging bida-kontrabida niya sa Rubi (2010), na nakakatuwa dahil nadala niya ang ganitong husay sa kanyang mga pelikula. Pero bago pa man ang Rubi, nakitaan na si Angelica ng tapang at galing sa pag-arte sa Santa Santita (2004), as a young woman growing into her sexuality and who feels she has the gift of healing.

Siguro, nakadagdag din sa galing ni Angelica na wala siyang iniingatang wholesome image, kaya mas nalinya siya sa roles na masasabing hindi madaling mahuli o maintindihan pero di hamak na mas fascinating.

Continue reading below ↓

Nakakaaliw din siya sa comedy. Markado ang pagganap niya sa Here Comes The Bride (2010), kunsaan isa siyang conservative bride, na dala ng isang freak accident, ay sinaniban ng isang gay, flamboyant make-up artist. Dito lutang na lutang ang comedic chops ni Angelica. Kahit nangailangang mag-exaggerate ng movement ng kanyang arms, legs, and face, para mapaniwala ang manonood na sinaniban siya ni John Lapus, hindi siya nagmukhang OA.

Nakipagsabayan siya sa mga tampok na comedy actors—liban kay John Lapus, naroon sina Jaime Fabregas, Eugene Domingo, at Tuesday Vargas—at hindi siya natabunan. Sa iba niyang eksena, angat pa nga siya.

Nagustuhan ko rin si Angelica sa romantic-comedy na Every Breath You Take (2012), kung saan naging relatable at cute ang portrayal niya ng isang hopeless romantic girl na in-love kay Piolo Pascual.

Pero, siyempre, talagang lumutang si Angelica sa mga drama films na I Love You Goodbye (2009), One More Try (2012), at The Unmarried Wife (2016). Dito sa huli, kahit malalim na drama pa ang tema ay natural pa rin ang atake ni Angelica, kasama na ang confrontation scene nila ni Maricar Reyes.

Kay Angelica, hindi na uso ang sigawan at sampalan sa pagkumpronta sa kalaban dahil sapat na ang talim ng pananalita para maihayag ang saloobin.

Continue reading below ↓

15 Greatest Movie Actresses, Angelica Panganiban

BY RACHELLE SIAZON
SWABE ANG ACTING ni Angelica Panganiban sa That Thing Called Tadhana (2014), kunsaan bida sila ni JM de Guzman.

Sa unang eksena pa lang sa airport, ramdam ang pag-iyak ni Angelica dala ng dinaraanang heartbreak ng kanyang karakter na si Mace.

Naitawid niya ang intensyong magpatawa nang hindi nananadyang magpatawa sa eksenang itinatapon niya sa airport trash can ang mga sexy underwear na dala niya sa Italy. Hindi raw nagamit ang mga iyon dahil pagdating ng Italy ay hiniwalayan naman siya ng boyfriend.

Continue reading below ↓

Sa airport din niya nakilala ang estrangherong si Anthony, na nagmagandang-loob na ilagay sa sariling maleta ang mga damit ni Mace para hindi na ito masingil ng excess baggage ng eroplano.

Si Anthony (JM) ang tagapakinig sa mga hinaing ni Mace (Angelica) sa kanilang unplanned, spur-of-the-moment, uncommon adventure pagdating ng Maynila, hanggang sa makarating sila ng Baguio.

Siguradong mahirap ang eksenang iyon. Umaarte kang umiiyak pero ayaw mong patalo sa bigat, dahil na rin sa mukhang allergic sa bigat ang kabuuan ng pelikula, kaya ilang beses pang naulit ang ganoong mga eksena ni Angelica.

Tulad na rin nang mapaiyak si Mace sa eroplano habang nanonood ng One More Chance dahil relate na relate siya sa linya ni Basha: “Sana ako na lang uli…”

Sabay kwelang sinungitan niya ang stewardess na nagmagandang-loob mag-alok ng tissue: "I don’t need tissue! Don’t judge me!”

Highlight ng pelikula ang kanyang monologue, kunsaan tuluy-tuloy ang pagluha niya habang ikinukuwento kay Anthony kung paano niya nabuking sa Italy ang nobyo, na matagal na pala siyang ipinagpalit sa isang officemate.

Continue reading below ↓

“Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na.”

Hindi raw akalain ni Mace na “seven words” lang ang katapat para tapusin ang “eight years” nilang relasyon.

Maraming hugot lines si Angelica sa pelikula, pero light at entertaining ang atake niya rito, kaya kahit mabigat dapat ang eksena ay magaan pa rin panoorin.

Hindi lahat ng artista ay kaya ang ganitong magic trick.

Sa pelikulang The Unmarried Wife (2016), walang kurap na heavy drama ang sinuong ni Angelica.

Nakakaantig ang pagganap niya bilang Anne, isang babaeng dalawang beses niloko ng asawang si Geoff (Dingdong Dantes).

Sa unang confrontation scene nina Angelica at Dingdong, ramdam ang pagdurusa sa pag-iyak ni Angelica, pero mahinahon pa rin ang pagbitaw niya ng linyang mabibigat.

Sa ikalawang confrontation scene, mas intense na ang panunumbat ni Anne, dahil hindi na niya kayang maintindihan kung paano nagawa ni Geoff na lokohin siya nang dalawang beses.

Nangatuwiran si Geoff na kaya ito nangaliwa uli ay dahil patuloy ang panlalamig sa kanya ni Anne, at nangungulila siya sa inaasam na pisikal at emosyonal na pagmamahal ng asawa.

Continue reading below ↓

Dito na tuluyang nag-breakdown si Angelica. Dito niya inilabas ang lahat ng sakit na dinaranas ng karakter niyang si Anne.

Winner din dito ang palaban na pagkumpronta ni Anne sa ka-affair ni Geoff na si Cristina (Maricar Reyes).

Parehong intense pero normal lang ang boses nina Anne at Cristina habang nagpapalitan sila ng maaanghang na salita sa loob ng pag-aaring restaurant ni Cristina.

Kaya may dating ang eskandalosang pagtaas na ng boses ni Anne para hiyain si Cristina. Ang one-liner ni Anne: “Can you not f*** my husband?!”

Malamang may ibang artistang mapapansin din kapag nagbigkas ng ganyang ka-unusual na line, pero walang dudang kailangang tapatan nila si Angelica. She owns the line.

ANGEL LOCSIN

15 Greatest Movie Actresses, Angel Locsin

Continue reading below ↓

BY ROMMEL LLANES
POPULAR NA PANINIWALA sa Hollywood na kapag gumanap na superhero ang isang artista, mahihirapan nang matanggap ito ng publiko sa ibang roles.

Sa Pilipinas, tila walang epekto ang ganitong paniniwala. Ilang artista na ang gumanap na superheroes pero tinatangkilik pa rin ng manonood bilang ibang karakter. Isa rito si Angel Locsin.

Kahit na sumikat nang husto sa pagganap bilang Darna, napatunayan ni Angel na kaya niyang gumanap ng iba pang papel.

Naging isang taong lobo si Angel sa Lobo (2008), kunsaan nakakuha siya ng nomination sa International Emmy Award sa kategoryang Best Performance by an Actress.

Nagwagi naman siya sa Famas at FAP (Film Academy of the Philippines) bilang inang gagawin ang lahat para sa anak na may sakit sa One More Try (2012).

At sino ang makakalimot sa matapang na karakter niyang si Alex sa Four Sisters and a Wedding (2013)? Kapani-paniwala ang angas ni Angel dito; kapani-paniwala rin nang bumigay na siya.

Continue reading below ↓

Napatunayan ni Angel na kayang lampasan ng husay sa pagganap ang kahit na anong popular na imaheng naitanim na sa utak ng mga manonood.

15 Greatest Movie Actresses, Angel Locsin

BY JIMPY ANARCON
Affected ako lagi every time mapapanuod ko si Angel Locsin.

As early as her GMA-7 days, iba-iba na ang range na naipakita niya sa kanyang mga pelikula: a rich, spoiled brat sa Let The Love Begin (2005), a struggling student sa I Will Always Love You (2016), and a battered wife sa The Promise (2007). Sa gitna ng mga ito, natapos pa niya ang movie version ng hit action-drama fantaserye niyang Mulawin (2005).

Sa lahat ng pelikulang ito, I must say na talagang naapektuhan ako sa bawat performance niya: nagpaiyak, nagpatawa, nang-inis, nang-excite, nanggulo, nagbigay pag-asa.

Continue reading below ↓

Nang lumipat si Angel sa ABS-CBN, marami rin siyang nagawang pelikula sa Star Cinema. Siyempre, isa sa pinakatumatak na pelikula sa akin ay ang ensemble movie na Four Sisters and a Wedding (2013). Nakakatuwa ang character niya dito dahil malayo sa mga nakasanayan natin na seryosong roles niya sa TV at mga pampakilig sa pelikula. Dito, siya ay ang sinasabing black sheep of the family na astig, carefree, at malayo sa prim and proper.

Paborito ng marami ang eksena ni Angel kasama si Mocha, na kinaladkad ni Angel ang bruhildang si Mocha palabas ng restobar. Pero ang pinakagusto ko ay ang eksena nila ng kapatid niyang si Bea Alonzo, kung saan nagkapatawaran sila matapos ng maraming taon ng estrangement. Simple lang ang eksena, pero heartfelt ang iyakan nila, at di mo na rin napapansin na pati pala ikaw ay nakikiiyak na sa kanila.

Isa pang performance ni Angel na naaaliw ako ay sa comedy movie na The Third Party (2016), kung saan pumagitan siya sa relasyon nina Sam Milby at Zanjoe Marudo dahil sa anak niya kay Sam na may sakit. Kahit mabigat ang pinagdaraanan ng karakter niya ay natimpla niya ito na huwag sumadsad. Tuwang tuwa ako sa delivery niya ng linyang “magbebenta na lang ako ng katawan,” matapos pag-awayan ni Sam at Zanjoe ang kanyang anak.

Unexpected ang bitiw ni Angel ng linya at nasaktuhan niya ang timing, kaya kahit nasa rurok na siya ng frustration at galit sa dalawang lalaki, kanya pa rin ang manonood.

Here, she also allowed herself to be deglamorized at magpaka-bargas.

Continue reading below ↓

Siyempre, notable din ang performance niya sa drama movie na In The Name of Love (2011), kasama sina Aga Muhlach at Jake Cuenca. Pero sanay na rin naman kasi tayong napapanood si Angel sa drama, kaya sobra akong na-impress na kaya niyang magpaka-bargas at tumayming nang patok sa mga hirit niya sa kanyang light movies.

Dito naipakita ni Angel ang husay niya sa pagbibigay kulay sa iba-ibang karakter na hindi pare-pareho ang pinanggagalingan at iba-iba ng personalidad.

AI-AI DELAS ALAS

Ai-Ai delas Alas, 15 Greatest Movie Actresses

BY BERNIE FRANCO
HIGIT TATLONG DEKADANG karanasan sa pag-arte ang baon ni Ai-Ai delas Alas sa bawat role na kanyang ginagampanan.

Continue reading below ↓

Nakilala bilang komedyante, alam ni Ai-Ai ang tamang timpla sa bawat eksena para mapangiti o mapatawa ang viewers.

Pinatunayan ito ng Kapuso comedienne-host sa 2017 hit movie Our Mighty Yaya.

Ginampanan dito ni Ai-Ai ang role ng isang probinsyanang nakipagsapalaran sa Maynila para maging yaya ng tatlong pasaway na anak ng isang mayamang mag-asawa.

Convincing si Ai-Ai sa pagganap ng kuwelang yaya na nagkaroon ng malasakit sa mga alaga.

Mas tame at hindi O.A. (overacting) ang mga kilos ni Ai-Ai sa pelikula kahit para sa mga comedy scenes. Hindi siya mukhang going for the laughs.

Gamay na gamay niya ang timing ng pagbitaw ng linya para maging mas nakakatawa. Kaya, effectively at effortlessly, she is the comedic soul of this movie.

Marahil din, dahil sa mga karanasan bilang ina sa tunay na buhay, nabigyan ni Ai-Ai ng hustisya ang papel ng isang mapagmalasakit na yaya.

Hindi man mabibigat ang dramatic scenes sa pelikulang ito, may kurot sa puso ang crying scenes ni Ai-Ai. Naibigay niya ang tamang emosyon dahil, muli, karanasan ang naging baon dito ng actress-comedienne.

Continue reading below ↓

Ai-Ai delas Alas, 15 Greatest Movie Actresses

BY ARNIEL SERATO
BETERANANG KOMEDYANTE SI Ai-Ai delas Alas, at may mga pelikula siyang tumatak nang husto sa akin.

Ilan sa mga ito ay ang Tanging Ina movie series niya noong nasa ABS-CBN pa siya, na nagbigay ng limpak-limpak na salapi sa kumpanya.

Continue reading below ↓

Kahit sabihing slapstick humor ang atake ng komedya ni Ai-Ai, mapapangiti ka pa rin kapag napanood mo ang mga ito.

Kahit papano, nababawasan ang stress, problema, at alinlangan mo sa buhay.

Sa Ang Tanging Ina (2003), ipinakita sa pelikula ang pagsisikap ng isang ina para sa kanyang labindalawang anak, matapos siyang mamatayan ng tatlong asawa.

Sa istorya, ginampanan ni Ai-Ai ang role ni Ina Montecillo.

Bukod sa tawanan, may kilig din ang pelikula dahil sa mga loveteams noon nina Heart Evangelista at John Prats, Angelica Panganiban at Carlo Aquino, at Kaye Abad at Marvin Agustin.

Dito rin lalong kuminang ang pagpapatawa ni Eugene Domingo bilang best friend ng karakter ni Ai-Ai.

Hindi rin mawawala ang iyakan sa pelikula kaya full package na siya bilang family entertainment movie treat—at si Ai-Ai ang nagdadala rito.

Sa Ang Tanging Ina N'yong Lahat (2008), level-up ang karakter ni Ina dahil sa nasaksihan niyang assassination plot, at naging instant-sikat ang kanyang pangalan.

Continue reading below ↓

Sa isinagawang snap election, nanalo siya laban sa vice president na nag-utos na patayin ang dating pangulo, kaya naman naging ina ng bansa ang kanyang karakter.

Ngunit dahil naging abala si Ina sa katungkulan, napabayaan niya ang obligasyon bilang ina sa mga anak.

Matapos ang halos sampung buwan sa puwesto, maraming naiayos na patakaran si Ina sa bansa. Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), biglang inanunsiyo ni Ina ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin upang maisaayos ang nalamatan nilang relasyong mag-iina.

Naghahalong leksyon at pangaral, katatawanan at pampagaang-buhay ang dala-dala ng pelikula—at minsan pa, si Ai-Ai ang nagdala nito.

Taong 2010, inilabas ang huling sequel, Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!).

Hindi na kasing lakas ang impact nito kumpara sa original film, ganoon pa man, Ai-Ai does not disappoint. Siya pa rin ang energy at spirit ng huling serye ng pelikula.

Overall, si Ai-Ai ang maituturing na Philippine Queen of Comedy—at wala pang sumusunod sa yapak niya.

Continue reading below ↓

SHARON CUNETA

Sharon Cuneta, 15 Greatest Movie Actresses

BY KAREN AP CALIWARA
SHARON CUNETA UNDOUBTEDLY got the plum roles every actress coveted at one time or another. Because of this, she was, at one point, the biggest movie queen in local show business.

And although more privileged than most—she did not have to settle for roles she wasn't interested in; she did not need the money that way—Sharon has shown that hers is a deep and genuine talent to go with the privilege and fame.

Continue reading below ↓

She was the determined and unbowed Rebecca, swearing: “Pinapangako ko, Inay, bukas luluhod ang mga tala” in Bukas, Luluhod Ang Mga Tala (1984).

Hers was the scorching line in an emotion-packed dialogue with Lorna Tolentino in Nakagapos na Puso (1986): “'Oo, Ate… oo, Ate'…puro na lang ako, 'Oo, Ate!' Daig ko pa ang manikang de susi. Nakagapos na nga ang paa't kamay ko, pati ba naman puso, nakagapos pa din?”

And who can forget her scathing delivery of “Gutay-gutay na ang katawan niyo… pati na ang kaluluwa niyo gutay gutay na rin!” in Pasan Ko ang Daigdig (1987).

Decades later, she remains brilliant as an actor, whether playing the mahirap or martir or mayaman.

She gave a gut-wrenching performance as the grieving mother who loses her son Justin in Magkapatid (2002). She utters only one word, “Justin,” throughout the scene, but her anguish brought tears to my eyes, yung iyak na ang bigat-bigat sa dibdib.

Continue reading below ↓

Her portrayal of Sarah in Caregiver (2008) is spot on. She ceases to be the Megastar. Before my eyes, she transforms into one of millions of OFWs (Overseas Filipino Workers) saying to a husband (John Estrada): “Ted, anong mukhang maihaharap ko sa anak ko pag tinanong ako, ‘Ma, ano pong ginawa mo sa London?’ Anong isasagot ko sa kanya? ‘Nagpa-picture?’”

Time and again Sharon has proven that she does not need complicated characters to prove her acting mettle.

I liked her treatment of Emmy, the dependable best friend in love with Vicente (Aga Muhlach) in Kung Ako Na Lang Sana (2003). I could see Emmy, not Sharon.

Six years later, I could see her as Sally, not Sharon, in the comic BFF: Best Friends Forever (2009); and ten years later, as Stella, not Sharon, hustling in Crying Ladies (2013).

There seems to be no limit to what Sharon can do as an actress. Puwede siyang magpatawa, magpakilig, magpaiyak, magpaawa, magsiga-sigaan, magpapansin, magpaka-corny, magpaakit.

Continue reading below ↓

It makes me think that the Megastar should be given more offbeat roles in the future.

Any award-winning role can be given to any lucky actress, but only an award-winning actress like Sharon can be given any role.

Sharon Cuneta, 15 Greatest Movie Actresses

BY RACHELLE SIAZON
WALANG KUPAS ANG ganda at charisma ni Sharon Cuneta sa big screen.

Continue reading below ↓

Patunay nito ang nakakakilig na tambalan nila ni Robin Padilla sa romantic-comedy-drama film na Unexpectedly Yours (2017).

Sa pelikula, gumanap si Sharon bilang Patty, isang accomplished career woman na separada sa asawa. Siya ay perfectionist, achiever, at sobrang bilib sa sarili to the point na hindi niya alam tumanggap ng pagkakamali.

Si Robin ay gumanap bilang isang seaman na masayahin, mapagmahal sa pamilya, at simple pero may naipundar sa buhay.

Dati silang high-school batchmates na muling nagkrus ang landas nang sila ay naging magkapitbahay.

Parehong 50 na ang edad nila sa pelikula, pero patok sa pakilig ang pang-iisnab at pagsusungit ni Sharon at ang pursigidong panliligaw ni Robin.

Ang manonood ay mapapatitig na lang kay Sharon dahil sa napaka-expressive ng mga mata nito. Kita kaagad kung ang kanyang karakter ay naaasar at gustong mangmaliit ng kausap sa kanyang pag-irap, pag-roll eyes, o panlalaki ng mga mata.

Sa takbo ng kuwento, unti-unting lumabas din ang kanyang likas na pagka-charming sa kanyang signature infectious laugh at bedimpled smile.

Continue reading below ↓

Bumagay ito sa pagkamaginoo at pakuwelang punchlines ng karakter ni Robin.

Pinatunayan nila na ang kilig ng tambalan nila noon sa Maging Sino Ka Man (1991) at Pagdating Ng Panahon (2001) ay may hataw pa rin.

Kaya pa pala nilang makipagsabayan sa mga love teams ng bagong henerasyon, tulad ng co-stars nilang sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Maganda rin ang pelikulang ito ni Sharon dahil may kurot sa puso ang family struggles ng kanyang karakter.

Ipinakita niya ang dinaraanan ng isang babaeng nasa menopausal years at tila dumaraan sa mid-life crisis. Hirap siyang tanggapin sa sarili na bigo ang kanyang mithiing maging perpekto ang career at buhay-pamilya.

Nakakaiyak ang eksena na humingi ng sorry si Patty sa anak na si Yanni (Julia).

Walang masyadong linya, pero kinuha ni Sharon sa pagsusumamo ng kanyang mga mata ang paglunok ng pride at pagtanggap sa katotohanang hindi niya maaaring kontrolin ang buhay ng anak.

Continue reading below ↓

Nakakaiyak din ang final confrontation scene nina Sharon at Pilar Pilapil, na gumanap bilang kanyang ina.

Ipinakita ritong ang takot at insecurity ng isang tao ay may hugot sa kinalakihan nito at may epekto sa kung paano nito haharapin ang buhay.

Nakakaantig ang kalmado pero tagos-sa-pusong bigkas ni Sharon ng mga linya, pati na rin ang pagbalon ng kanyang luha.

EUGENE DOMINGO

Eugene Domingo, 15 Greatest Movie Actresses

Continue reading below ↓

BY KAREN AP CALIWARA
EUGENE IS A late bloomer in the movie industry.

She was 38 when she bagged the title role in Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme (2009), after 18 years of waiting for her big break in showbiz.

But when she did come around, Eugene was a welcome blast of talent. She played the dual roles of the fearless and fabulous Kimmy and the sweet and dimwitted Dora, and it looked like no big deal for her.

Eugene is a seasoned theater actress from the University of the Philippines, after all. She might even say flippantly, "Been there, done that," and she would have earned the right to.

I was particularly impressed with her portrayal of Kimmy. Andun yung domineering siya, at sa tingin pa lang niya, natataranta na ang mga tao. Even her accent as the lady boss is topnotch.

She was impressive and versatile in the record-breaking film Ang Babae sa Septic Tank (2011). After reading the script, Eugene didn’t need to ask, “Direk, anong klaseng acting ang gusto mo?,” which her movie character actually asks. When the cameras start rolling, Eugene does her own thing her way, in what has been described as “elevator acting” and “TV Patrol acting.”

Continue reading below ↓

In I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila, kumanta pa siya.

But pure comedy, for her public, is her forte. (Even if, in fact, in theater she has done many heavy, dramatic, serious, even dark roles.)

Whether she’s the luka-luka neighbor of Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos in My House Husband (2011), or an even more luka-luka Minerva Capistrano in Momzillas (2013), where she pitts talents with Maricel Soriano, there is no limit to Eugene as a funny girl.

Eugene is that rare gem, now polished by film, television, and stage, through bit roles and big characters, over almost 30 years in the performing arts.

Very few come close.

Eugene Domingo, 15 Greatest Movie Actresses

Continue reading below ↓

BY RACHELLE SIAZON
IBA TALAGA ANG galing ng isang Eugene Domingo.

Naiyak ako sa kakatawa sa pagganap niya ng isang sikat at multiawarded actress na maraming demands nang offeran siyang bumida sa movie within a movie na Ang Babae Sa Septic Tank (2011).

Umpisa pa lang ay ramdam na agad ang pagka-self-centered ng karakter ni Eugene, na panay ang puri niya sa sarili habang kausap si Kean Cipriano, na gumanap na direktor, at si Kai Cortez, na gumanap na production manager.

Kontrolado ni Eugene ang pagkilos ng katawan habang siya ay kunwa'y nagyo-yoga sa tabi ng pool. Kuha niya ang perfect timing at timpla ng facial expression para mapatawa ang manonood. Mantakin mong nakaka-distract pero patuloy siya sa pagyo-yoga habang kausap ang direktor at production manager.

Ang vision ng director ay gumawa ng indie film tungkol sa mag-asawang susubukang isalba ang kanilang marriage sa pamamagitan ng pagbakasyon sa Baguio bago sila maghiwalay. Dapat ay si Joel Torre ang kapareha ni Eugene, pero ipipilit niyang mas bagay sa role si Jericho Rosales.

Continue reading below ↓

Nakakatuwang panoorin kung paano binigyan ni Eugene ng hustisya ang bawat linya niya, lalo na sa mga eksenang panay ang suggest niya sa direktor sa naiisip niyang atake sa magiging dramatic scenes nila ni Jericho.

Isa sa mga dialogue ni Eugene: "You know, Direk, as far as I'm concerned— at concerned na concerned ako dito, a—there are three levels of 'hugot' known to man. Depende iyan sa lalim ng pinaghuhugutan. Hugot level one, hugot sa hangin. Ito yung tipo ng hugot na puwedeng hugutin sa kung saan-saan puwede humugot. Hindi masyado masakit, Direk, pero masakit pa din. Parang natinik ka lang ng isda sa lalamunan, o kaya nasalubsob ka sa plywood, o kaya na-papercut ka. Mababaw lang ang hugot pero mahapdi. May hapdi, Direk. Puwede mo ito i-deliver na naka-half smile pero malungkot ang mata. Puwede rin naman pa-cute pero pailalim."

Dapat bigyan ng bravo ang scriptwriter. Pero dapat makita na kung hindi sakto ang timpla ng mukha ni Eugene at hindi swak ang kinikilos ng kanyang katawan at hindi tama ang timbre ng kanyang boses—makukulangan ang magagandang linyang ito.

Cut to Eugene's vision na magkaeksena sila ni Jericho. Kapani-paniwala nga ang lumbay sa mata ng kanyang karakter kahit sa simpleng batuhan nila ng linya.

Continue reading below ↓

Pinaliwanag din ni Eugene ang "hugot level two o hugot sa utak," na tipong masakit daw sa puso at sa utak, at ang "hugot level three o hugot lupasay levels," na tipong ang karakter daw ay wala ng self-esteem at dangal.

Nakakaloka kung paano ito sinasabi ni Eugene habang paseksi ang hitsura at nakatapis lang ng tuwalya. Sa eksena, hinatak kasi niya sa spa ang direktor at production manager para doon ipagpatuloy ang diskusyon ng gagawing role.

Na-own ni Eugene ang karakter dahil mapapaniwala ka niyang isa siyang magaling pero loka-lokang artista, na hindi nari-realize na pikon na to the max ang direktor sa suggestions niya. Hindi bibitaw ang manonood hanggang sa makita sa dulo kung matutuloy ang konsepto na suwestiyon ni Eugene o magku-quit na lang si Direk.

Patunay na patok ang acting ni Eugene ay ito pa. Mula sa pagiging Cinemalaya entry, tumawid ang Ang Babae Sa Septic Tank sa mainstream cinemas. Nagkaroon din ito ng dalawa pang installments—Ang Babae Sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough (2016), at Ang Babae Sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken (2019).

Continue reading below ↓

Ang comedy film naman ni Eugene na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme (2009) ay nasundan din ng magkasunod na installments—Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme (2012) at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel (2013).

Dual role siya rito. Si Kimmy ang high-powered career woman na mainitin ang ulo, kabaliktaran ng twin niyang si Dora na batang-isip at may special needs pero mabait at madaling mahalin.

Sa first installment, dalang-dala ni Eugene/Kimmy, ang pagka-agresibo sa pang-aakit sa love interest (Dingdong Dantes). Nakakasindak din ang kanyang pagiging bossy, panlilisik ng mata, at paninigaw sa kapatid na si Dora. Bilang Eugene/Dora, kaya rin niyang magpaawa effect sa kanyang puppy-eyed look, pagbali ng leeg, at bata-bataang speaking voice. Dahil kay Eugene, nakakaaliw ang dynamics ng magkapatid na Kimmy at Dora.

Comedy ang Kimmy Dora, ngunit naitawid ni Eugene ang lalim ng kanyang dual characters. Lalo na sa plot twist kunsaan nawala si Kimmy at napilitang mamuhay ng simple sa probinsya, habang si Dora ay kinailangang magpanggap na Kimmy para punan ang trabaho nito sa kanilang kumpanya.

Bilang manonood, ma-appreciate mo na bigay-todo si Eugene pagdating sa pagbibigay-buhay sa kanyang mga karakter na aalagaan niya hanggang sa dulo ng pelikula.

Continue reading below ↓
Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram (Angel Locsin) / @frontrow on Instagram (Sharon Cuneta) / @eugenedomingo_official on Instagram (Eugene Domingo) / PR Photo (Ai-Ai delas Alas) / Shaira Luna for PEP Headliner (Angelica Panganiban)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results