Sarah Lahbati on her movie comeback: "I’m grateful that I’m doing what I love again."

Sarah Lahbati (in photo) is cast in the horror movie Liwanag Sa Dilim, which stars Jake Vargas and Bea Binene.



Marami ang humuhula at nagtatanong kay Sarah Lahbati kung siya ba ang nagmumulto sa pelikula nilang Liwanag Sa Dilim na ipapalabas na sa February 11.

Sa kuwento kasi, magkaibigan sina Bea Binene at Igi Boy Flores at nakilala nila si Jake Vargas na gumanap bilang isang Manila boy.

Nakangiti lang si Sarah at hindi sinagot ng diretso ang tanong.

Sabi niya lang, “Ano ko, mysterious woman na may pinagdadaaanan. Eventually, mami-meet niya ang tatlong bata na baka tulungan niya sa mga adventures na gustong gawin ng mga bata.”

Mabait siya pero may twist?

“May twist,” nakangiti niyang sabi.

Simula nang mabuntis si Sarah kay Zion, ang Liwanag Sa Dilim ang kauna-unahang pelikulang ginawa niyang muli.

Nanibago ba siya sa shooting, sa puyatan?

“Magpuyat lang,” pag-amin niya.

“Natutulog kasi ako ng mga 9:00 p.m. I don’t know, I'm used to sleeping early and waking-up early. Hashtag, lola lifestyle. Nahirapan ako kasi, antok-antok ako sa shooting.

“So, yun, coffee-coffee na lang.

“After siguro two shooting days, naging okay rin ako. Hindi naman siya naging big problem.”

Natutuwa naman daw si Sarah na nakabalik siyang muli sa pag-arte.

Sabi nga niya, “I love acting and I’m passionate about it. I’m grateful that I’m doing what I love again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN