Xia Vigor wishes to play Princess Sarah and star in horror movie

by Rose Garcia
Jun 1, 2021
Xia Vigor on her dream role: “...gusto ko pa rin pong magampanan ang role ng Princess Sarah. Sana kung puwede na po, mga ganoon pong klase ng role ang magampanan ko.”
PHOTO/S: @xiabernardo on Instagram

Bagamat masaya si Xia Vigor sa buhay-probinsiya sa Mindoro, aminado siyang miss na miss na niya ang mag-shooting o mag-taping.

Sa Zoom interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo, aniya, “Actually, kahit po bukas kung sasabihin sa akin na puwede na akong mag-shoot, sobra po akong matutuwa.

"Nami-miss ko na rin pong makasama ang mga co-actors ko, mga directors, mga staff, buong team ng prod.

"Sobra ko pong nami-miss pati po ang pag-acting.

“Sana po talaga bumalik na sa normal ang lahat.”

Ang huling project ng child star bago nag-pandemic ay ang box-office hit na Miracle in Cell No. 7, kunsaan siya ang pinakabatang itinanghal ng 51th GMMSF Box-Office Entertainment Awards na Box-Office Queen.

Bukod dito, napapanood pa rin sa Kapamilya channel ang kiddie show niyang Team Yey!

XIA'S UPCOMING MOVIES

Dapat sana ay kasama siya sa shoot ng isang peliukla under VIVA Films.

Sabi niya, “Korean adaptation po siya, at sobra na nga po akong nae-excite kung kailan po puwedeng mag-shoot."

Continue reading below ↓

If given the chance na pumili si Xia ng project, dalawa ang inaasam-asam niya.

Una rito: “Gusto ko pong magkaroon ng horror movie.

“Isa po iyon sa naiisip ko lately kasi, parang challenging din po ang role na iyon. Isang beses pa lang po akong nakagawa ng horror movie kaya gusto ko pa po siyang i-try."

Pangalawa: “Saka po, siguro po, kung puwede pa po, gusto ko pa rin pong magampanan ang role ng Princess Sarah. Sana kung puwede na po, mga ganoon pong klase ng role ang magampanan ko.”

Ang Princess Sarah ay isang 1985 Japanese animated series na hango sa 1905 novel na A Little Princess ni Frances Hodgson Burnett, isang British novelist.

Noong 1995, gumawa ang Star Cinema ng movie version na pinamagatang Sarah...Ang Munting Prinsesa, kung saan si Camille Prats ang gumanap sa lead role.

XIA ON THE BRIGHT SIDE OF PANDEMIC

In the meantime, ini-enjoy ng 11-year-old actress ang kanyang break kasama ang pamilya, at sinasamanta ang libreng oras para mag-focus sa pag-aaral.

Continue reading below ↓

“Siyempre po, at first, it was really hard to adjust sa mga nangyayari,” aniya.

“Kailangan palaging magma-mask kapag lalabas. Minsan po nakakalimutan ko, lalabas pala ako, wala pala akong mask.

"Pero na-realize ko rin po na it was also a fun experience kasi, I always look at the positive side. Ilang times na happier ang buhay kapag positive palagi ang tinitingnan.

“Sa una po, naguguluhan talaga ko sa mga nangyayari. Pero ngayon po, I’m more thankful that I am with my family.”

At kapag puwede na raw siyang mag-shooting muli, babalik daw siya agad sa Manila kahit medyo malulungkot siyang maiwan ang mga nakasanayan na niyang gawin sa Mindoro.

“Nakakalungkot din po, pero siyempre po, basta pwede ng mag-work, sa Manila na po talaga kami.”

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xia Vigor on her dream role: “...gusto ko pa rin pong magampanan ang role ng Princess Sarah. Sana kung puwede na po, mga ganoon pong klase ng role ang magampanan ko.”
PHOTO/S: @xiabernardo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results