Lovi Poe to depict life of Gregoria de Jesus in indie film Lakambini

Lovi Poe is doing a historical movie fully knowing it is a risky project, "I’m not in it for the box-office. I look for projects that I really like and that will challenge me as an actress." She will portray Gregoria de Jesus, the wife of Andres Bonifacio, in the period movie Lakambini.



Ang Dalawang Mrs. Real
pa ang huling teleseryeng ginawa ng tinaguriang Primera Aktres ng Kapuso Network na si Lovi Poe.

Kaya natatawa itong umamin na medyo nanibago siya nang mag-taping siya para sa episode ng Magpakailanman na “Apoy Sa Puso” ngayong Sabado, February 7.

Isang firewoman ang binigyang-buhay ni Lovi at bago raw ito sa kanya, bukod sa matagal din siyang hindi umarte sa television.

“Nanibago nga ako, wala akong trabaho lately kaya nanibago ako.

"Pahinga-pahinga lang,” nakangiti niyang sabi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Ryu Ramen, Tomas Morato.

Sabi rin niya, “Pero kasi soon, I’ll start shooting for Lakambini.

"So ngayon, medyo nagre-relax muna ko, taking my time.”

Kamusta nga ba ang susunod niyang primetime series sa GMA-7?

“Meron na silang pinag-usapan nila Kuya Leo [Dominguez], but I’m not sure yet kung ano ang mga gagawin.

"So far, wala pang definite time kung kailan magsisimula hangga’t ma-plantsa na nila kung ano talaga.

“Okay lang ako kasi pini-prepare ko lang din ang sarili ko.

"I heard, I’ll gonna do another film, two films and a soap.

"So, now is the only time to relax.”

ON PLAYING WIFE OF ANDRES BONIFACIO. Magsisimula na silang gumawa ng teaser shoot para sa Lakambini, isang indie movie na sa tingin ni Lovi ay malaking proyekto sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil.

“It’s a huge project for me. Nagta-Tagalog naman talaga ako, pero malalim ang Tagalog ng sobra.

"Kaya kailangan ko ng ilang buwan na dire-diretsong Tagalog ako para masanay ako.

“It’s something that I’ve never done before, gusto ko rin gumawa ng ganoong klaseng pelikula.

"Iba naman yun. It’s another challenging role, so looking forward ako.”

Kuwento ng buhay ni Gregoria de Jesus ang Lakambini. Siya ang second wife ni Andres Bonifacio na nakasama niya sa himagsikan at tinagurian bilang Ina ng Katipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Lovi, “Kasi when we sat down, they asked me for a reading for the role.

"Hindi ko naman alam na makukuha ko.

"Sabi ko okay, let’s try, so ginawa ko.”

LOOKING FOR CHALLENGING ROLES. Madalas sabihin na ang mga historical o mga pelikulang hango sa kuwento ng mga bayani ay hindi tinatao sa mga sinehan.

Alam ba niya yun?

“Ako naman kasi, I’m not in it for the box-office.

"I look for projects that I really like and that will challenge me as an actress.

"Parang ever since I’ve started naman, I enjoy indie films and hanggang ngayon naman.”

Na-miss daw niyang gumawa ng indie films, taon kasi na sunod-sunod o sabay-sabay ang mga indie movies na ginawa niya dati.

“Oo naman, para kasing nakaka-expand ng knowledge kapag gumagawa ka ng independent films.

"Yung limitation niya, konti lang, so parang mas marami ka pang nagagawa.”

Ang isa pang pelikula na gagawin raw ni Lovi ay sa Regal Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN