Toni Gonzaga on movie with Coco Martin: “Hindi ko naman sinabi na maghuhubad ako sa pelikulang ito… Baka naman magkabawian ng singsing!”

Toni Gonzaga says she has “no limitations” in doing movie with Coco Martin (left). The still-untitled movie is touted as the "last romantic comedy" film that Toni will do before she gets married to Paul Soriano.




Ito na ba ang huling pagkakataon na gagawa ng romantic comedy film si Toni Gonzaga?

Nabanggit ito ng TV host-actress sa story conference ng still-untitled movie kunsaan makakapareha niya si Coco Martin.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama sina Toni at Coco sa isang pelikula na ididirek ni Antoinette Jadaone.

Noong 2010, tinanghal si Toni bilang SM Cinema's Box Office Queen for para sa romantic comedy nila ni John Lloyd Cruz titled My Amnesia Girl. Ang huling ginawa niyang rom com with Piolo Pascual, ang Starting Over Again, ay kumita naman ng lagpas P400 million sa box office.

Sa story conference para sa Star Cinema movie na ginanap sa ABS-CBN compound kahapon, January 4, nagkuwento sina Toni at Coco tungkol sa kanilang upcoming rom-com.

Toni: “Sobra kong saya, kasi I’ve always admire Coco as an actor. The last time I watched him dun sa romantic comedy niya na Maybe This Time. Nakita ko na iba yung Coco sa pelikula, iba yung Coco sa telebisyon.

"Ang husay ng Coco sa telebisyon, pero sa pelikula it gives a different kind of acting na…kakapitan mo pa rin, napaka totoo. Hindi siya nagbibigay na acting na hindi mo mamahalin. Talagang ini-embrace mo yung ibinibigay ng isang Coco Martin. Ako, it’s an honor na makatrabaho siya sa isang pelikula, kasi alam ko ang dami kong matutunan sa kanya. He such a great dramatic actor and I’m so happy and honored din na he allowed himself to explore yung ibang dimension pagdating sa acting.

"Actually, we were talking kanina tungkol sa pelikula na parang nagbe brain storm kami. Nakita ko yung dedication niya at yung passion niya sa story. He’s so involved. Actually hindi lang si Direk Antoinette yung director at writer ng pelikula, pero kaming dalawa ni Coco ay part nung gagawing script. Talagang it’s a collaboration yung buong story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Coco: “Sa aming tatlo, ako yung pinaka-kinakabahan, siyempre halos lahat naman ng pelikula ni Toni, alam naman nating tinangkilik talaga ng mga tao. Actually, siya! Sya siguro yung pinaka…pagdating sa usapang pelikula after niyang gawin yung pelikula with John Lloyd [Cruz], with Piolo Pascual.

"Ako, honestly, wala pa akong napapatunayan pagdating sa pelikula. Siyempre naglalaro din sa isip ko na first time kaming magkaka trabaho…tanong ko sa sarili ko…’Bagay kaya kami ni Toni?’ Siyempre nag-iisip ko ng ganun pero alam ko sa sarili ko kung gaano kagaling na artista si Toni. Alam ko at sisiguraduhin namin na papagandahin namin ‘to at kikiligin yung mga manunuod. Kasi lahat naman ng naging leading man ni Toni at lahat ng pelikula niya, naitawid naman ng maayos at maganda, sana makalusot din po ako.”

Coco: “Ninenerbiyos ako actually, kasi hindi ko siya forte. Pero sabi ko nga, ito yung isa sa mga pangarap ko na sana magawa ko. Kasi, sabi ko nga bilang artista na para kaming clay na kung alam mong may i-mo-mold, kaya naming gawin ‘yan. Na-eexcite din ako na alam kong ito yung mga bagay na hindi ko pa naipapakita sa mga manunuod.”

Paano mo sinusuportahan si Coco pagdating sa paggawa ng romantic comedy?

Toni: “I think hindi lang ako, I think both of us, susuportahan namin yung isa’t isa sa pelikulang ito. Huhugot ako sa kanya sa drama, ako, I can impart ng kaunti duon sa comedy. Noong una, parang iisipin nyo na, it came from nowhere na pagsamahin kaming dalawa. Pero noong nailatag talaga yung story I came to realized na ang basehan talaga ng isang magandang pelikula ay ang istorya, ang kwento talaga.

"Ngayon na pinag-uusapan namin yung kwento, mas na e-excite kami lalong mag shooting, kasi na iimagine ko na yung magiging dynamics namin na from someone na serious [Coco] at ako na medyo comedy. Ipag-ma-mash up namin yun, nakikita namin na ang ganda ng magiging dynamics ng character nila sa isa’t isa."


Ano ang role nila ni Coco sa movie?


Toni: "The only thing that I can share now about my character [she is] someone who is looking for acceptance, who’s looking for love, who wants to be appreciated and who wants to belong... All along hindi ko alam na may isang taong hindi kailangang magpanggap, or hindi kailangang patunayan yung sarili ko. Meron palang magmamahal sa kin na kung sino lang ako...at si Coco yun. Ang ganda nung karakter ng dalawang taong yun, yung love story nila. Ako dito yung boss si Coco yung personal assistant or runner ko na ma-i-in-love sa isa’t isa. Super cute, yun yung story. Nakakatuwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Toni, ano yung masasabi mo na ito yung huling project mo bagong ka ikasal?

Toni: “Alam mo sinabi ko ‘yan, wala pang ganitong klaseng event na nangyayari sa buhay ko, wala pa akong natatanggap na singsing. Sabi ko na sana bago ako mag-asawa makatrabaho ko si Coco, kasi nga ang husay husay niya. At ito nga nangyari naman ‘to na he said yes to the project at si Direk Antoinette pa ang director. Nakaka-blessed na nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho si Coco.”

Ngayong ikakasal ka na, may limitation na ba lalo pagdating sa mga intimate scenes with Coco?

Toni: “Dahil technically, parang this will be my last romantic comedy, I’m not giving myself any limitations. Parang kung paano ko binibigay yung sarili ko sa mga proyekto, ilalatag ko yung buong buo. I clear ko lang na hindi ko naman sinabi na maghuhubad ako sa pelikulang ito ha or mag pu-full frontal na ako dito ha. (sabay tawa!) Baka naman magkabawian ng singsing! Pero hindi, yung ibig kong sabihin ay yung dedikasyon ko ay buong buo pa rin. Alam naman ni Direk kung ano ang limitation namin, at hindi kami gagawa ng sobrang love scenes.”




From @roxiliquigan: Ready na:) #ToniCocoMovie.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) onFeb 4, 2015 at 11:14pm PST




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN