Richard Gutierrez and Marian Rivera thrill fans in "My Best Friend's Girlfriend"


In My BFGF, Richard Gutierrez plays Evo, a rich, arrogant, happy-go-lucky fellow who meets Grace (Marian Rivera), a student struggling to make ends meet. They meet in a stag party where Grace moonlights as a sexy dancer. Evo finds out that Grace also happens to be his best friend's girlfriend and uses her secret to his advantage in an effort to win back his own girlfriend (played by Ehra Madrigal).


Perfect combination ang tambalan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa first team-up nila sa ultimate Valentine movie na handog ng GMA Films at Regal Entertainment, My Best Friend's Girlfriend (My BFGF). Ang nakakakilig na romantic comedy movie ay ipalalabas sa mga sinehan simula bukas, February 13.

Last Sunday, February 10, sa red carpet premiere ng pelikula sa Cinema 10 ng Megamall, nasaksihan namin kung paano dinumog at tinilian ng mga fans sina Richard at Marian. Jampacked ang loob ng sinehan at ang ganda ng feedback ng mga nakapanood sa unang pagtatambal ng dalawa sa big screen. Feel-good ang movie, ang ganda ng istorya at tiyak na maaaliw ang lahat sa roles nina Richard bilang Evo at Marian bilang Grace.

Si Evo ay isang spoiled brat, mayaman at maluho, mahilig sa magagara at mabibilis na kotse. Girlfriend niya dito ang sosyalerang si Akiko (Ehra Madrigal). Si Grace naman ay isang simpleng working student, breadwinner ng pamilya kaya tumatanggap ng iba't ibang disenteng trabaho upang kumita. Boyfriend niya dito si Mark (JC de Vera), na bestfriend ni Evo at isang mayamang nanggaling sa Amerika. Magkikita sila ni Evo sa isang stag party kung saan lalabas ang magandang dalaga sa cake bilang isang dancer. Dito na magsisimula ang tadhana ng dalawa.

Bago kami umakyat sa sinehan ay nagkaroon ng presscon para sa buong cast sa loob ng Dunkin Donuts, isa sa major sponsors ng pelikula. Agad tinanong ang dalawa kung ano ang pakiramdam nila ngayong ang ganda ng pagtanggap sa tambalan nila.

Ayon sa super sexy at beautiful na si Marian, "Overwhelming talaga ang ganda ng pagtanggap ng tao sa amin. I'm really grateful sa suportang ibinibigay nila sa amin. Actually, at first medyo kinakabahan kami ni Richard dahil first team-up namin ito sa big screen, pero nawala yung kaba kapag may naririnig kaming magagandang comments sa tambalan namin ni Richard."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Richard naman, "It really feels great na maka-partner ang one of the hottest stars ng GMA-7. Ang taas ng energy level ni Marian at ang sarap talagang ka-trabaho. Sobrang bait pa. Walang lalaking hindi mai-in love sa beauty ni Marian."

Nang tanungin namin si Marian kung ano ang mami-miss niya kay Richard na matagal-tagal din niyang nakasama while shooting the movie and during the promotion. Ang sagot ng dalaga, "Mami-miss ko kay Chard ay yung pagiging consistent niya sa pag-aalaga sa akin. Lagi niya kasi akong inaalala at tinatanong kung kamusta ako, kumain na ba ako at kung ano ang kailangan ko. Di ba ang sweet niya? Yung pagpapakita niya ng concern sa akin, naa-appreciate ko 'yon. I just hope hindi siya magbago and I'm hoping to be working with him again and hopefully sa TV naman."

Meanwhile, during the premiere night, all-out ang suporta ng Gutierrez family kay Richard. Naroon ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, mga kapatid na Raymond and Ruffa Gutierrez, at mga kaibigan na sina Jolina Magdangal, Bubbles Paraiso, at Michelle Madrigal. Nandoon rin ang comedy duo na sina Ariel and Maverick at Showbiz Central host John "Sweet" Lapus. No-show naman si Dingdong Dantes, ang leading man ni Marian sa Marimar na nangakong manood ng premiere.

Going back sa My BFGF movie, comic side ni Marian ang ipinakita dito, kuwela ang mga punchlines na binibitawan niya at talagang nakakaaliw panoorin ang sexy at napakagandang dalaga.

Natural na natural ang pagbibitiw niya ng lines at panalo ang pagiging komedyante niya. Kapuri-puri ang dalaga dahil mapa-drama o comedy ay kayang-kaya niya. Siyempre pa, ipinakita rin ni Marian dito, bukod sa pag-arte, ang kanyang sayaw (Marimar dance trademark, kagat-labi dance at tiyak na maglalaway ang mga boys sa beach scene nina Richard at Marian kung saan ay napaka-sexy ng dalaga sa suot nitong puting two-piece).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagay na bagay din sa kaguwapuhan ni Richard ang gumanap sa romantic comedy bilang rich lover boy. Sa totoo lang, sobrang guwapo ni Richard sa movie at wala siyang anggulong pangit. Ang perfect ng face ng binata na tiyak na pagpapantasyahan naman ng mga kababaihan. Klik na klik ang tandem nila na sigurado kaming by next year ay muling mauulit ang samahan ng dalawa sa pelikula. Fresh ang kanilang loveteam at napakalakas ng kombinasyon nila na punong-puno ng chemistry.

Pahayag nga ng GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar sa proyektong ito, "I am proud to say that this movie has all the ingredients to make everyone feel good and feel in love this Valentine's season. The moviegoers will surely fall in love with Richard and Marian who exuded wonderful on-screen chemistry. This is something to watch out for."

Ang paniniwala naman ni Mr. Joey Abacan, GMA Films supervising producer, "This is the best Valentine movie we have produced so far." Pinuri din niya ang mahusay na pagganap ng lead stars. "I witnessed Richard at his best in doing real romantic comedy and saw the funny, comic Marian. They exhibited another side of them that you will not see on television."

Aside sa partnership nina Richard at Marian, gusto rin naming papurihan ang iba pang cast na bumubuo sa movie. Revelation ang acting ni Ehra Madrigal bilang sosyalerang girlfriend ni Richard, carry niya ang role and she did it with flying colors. Magaling din si JC de Vera na nagpakitang gilas sa aktingan with Richard; ang guwapo rin ng binata.



Umeksena rin ang StarStruck 4 Avenger na si Chariz Solomon, ang sexy komedyana na GRO na kasamahan ni Marian sa bar. Nakakaaliw ang pagiging babaeng bakla ni Chariz; in fairness, promising ang dalaga at sigurado kaming mabibigyan pa ito ng ibang breaks sa TV at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Saludo rin kami kay Direk Mark Reyes at sa script ni Suzette Doctolera dahil nakuha nila ang kiliti ng masa na mabigyan ng sweet, light drama at romantic comedy movie ngayong Araw ng mga Puso. Abangan ang pagbubukas ng My BFGF this Wednesday, February 13, sa cinemas nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN