Coronaphobia director Njel de Mesa loses dad to COVID-19: "Buong pamilya ko nagkaroon"

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2021
Director NJel De Mesa's on upcoming movie Coronaphobia: “In seven days, nabuo namin iyong pelikula," which stars Will Devaughn, Paolo Paraiso, and Daiana Menezes.
PHOTO/S: @njeldemesa on Instagram

Dinadapuan pa rin ng lungkot ang Palanca award winner at direktor na si Njel de Mesa sa tuwing maaalala ang kanyang ama na pumanaw dahil sa COVID-19 virus.

“More than a year, super nag-iingat kaming lahat na di magka-virus. 'Tapos eto lang, alam mo ba na buong pamilya ko nagkaroon,” bungad ni Direk Njel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa preview ng kanyang latest movie na Coronaphobia.

Tanging si Direk Njel at ang kanyang ama ang hindi na-COVID. Nakahiwalay kasi siya ng tirahan sa kanyang pamilya.

“Okey na okey pa ang tatay ko nung magka-COVID ang family ko. Siya lang ang wala. Wala siyang symptoms. Kaya lang, kung kailan patapos na mag-quarantine ang family ko, ang Papa ko naman ang nagkaroon.

"At dahil nasa quarantine ang buong family ko, ako lang iyong puwedeng magdala sa Daddy ko sa ospital,” malungkot na kuwento ni Direk Njel.

Makalipas ang ilang araw, binawian ng buhay ang kanyang ama.

Continue reading below ↓

DIREK NJEL ON CREATIVE STRUGGLES DURING PANDEMIC

Bukod sa kanyang latest movie na Coronaphobia, si Direk Njel din ang direktor ng mga pelikulang KontrAdiksyon, Respeto, at Subtext.

Nagkuwento siya tungkol sa hirap na pinagdadaanan ng industriya sa gitna ng pandemiya.

Aniya, “Alam mo kasi di ba ang daming nawalan ng trababo dahil sa pandemic. At hindi alam ng mga tao, pati iyong mga artista, e, nahirapan.

“Ang hirap mag-shooting, natatakot din ang mga producer at direktor. Dahil siyempre, exposed ka na kadalsan kapag nagsho-shooting at ang daming crew. So, hirap. Hirap talaga ang industrya."

Naglalabas din daw sa kanya ng saloobin ang ilang artista.

“For consecutive days, one time tumatawag si Daiana Menezes sa akin ;tapos, nalulungkot siya dahil gusto niya parating creative, e.

“Kasi, alam ninyo naman na cancer survivor si Daiana. Ayaw niya na may negative feeling siya. Gusto niya parating positive vibes.

“Katulad ng ibang tao na nag-suffer ng mental health problems, nagkaroon ng depression, anxiety during the pandemic, parang nagkakaroon din ang artists ng ganyan. Lalo na siguro iyong mga artists kasi kung anu-ano ang sumasagi sa isip ng mga artist."

Continue reading below ↓

Dahil sa paghahanap ng creative outlet ng mga kaibigang artista, nabuo ang pelikulang Coronaphobia.

Kuwento ni Direk Njel, “So, katatawag ni Daiana, 'Gumawa naman tayo ng something, gawa tayo ng short film, pelikula.' E, katatapos lang din namin ni Will Devaughn na gumawa ng maikling pelikula sa loob lang din ng bahay namin.

“So, sabi ko, sige. Tawagan ko rin si Will. Tawagan ko rin si Paolo [Paraiso]. Mga kaibigan lang din. Doon nabuo iyon.

“Pagkatapos sabi ko, ‘O, ano, willing ba kayo na magpa-RT-PCR? Magla-lock-in tayo nang ganito. Kasi iyon ang protocol ngayon, e.

“So, in seven days nabuo namin iyong pelikula."

DIREK NJEL ON CORONAPHOBIA

Saan humugot ng inspirasyon si Direk Njel para sa kanyang latest movie?

Pahayag ni Direk Njel, "Kasi nag-isip ako ng parang, ‘Ano.pa ba ang puwede nating gawin during pandemic?'

“Kasi, ang tema pa at that time is parang pinandidirihan ng mga tao iyong may COVID. Parang gustong ilabas ng kalooban ko is, dapat hindi matalo ng pangamba natin iyong malasakit natin sa isa’t isa, na magpakatao tayo.

Continue reading below ↓

“Pag-ibig pa rin ang nananaig sa atin. Hindi iyong nandidiri tayo sa mga tao. Hindi ganoon. 'Tapos, nakita ko iyong dalawang elemento ng, iyong ekonomiya natin at kalusugan issue.

"Issue kasi ng ekonomiya at kalusugan natin ang COVID, e.

“So, kung babanda tayo sa ekonomiya, ang mangyayari magsa-suffer naman ang kalusugan. Dadami nang dadami ang may COVID. Marami ang mapapraning. Maraming magkakaroon ng depresyon.

“Kung masyado naman ang pagkiling sa kalusugan, maaaring iyong ibang tao ay magutom. Mahirapan sa kaperahan o mawalan ng trabaho.

"'Tapos sa kalaunan ay may sasagi sa kanila na mga masasamang kaisipan na parang gusto na nilang gumawa ng masama or something, something like that.

“So, gusto ko’ng pagsamahin iyong dalawang isyu na iyon sa isang simple lang na pelikula."

Nasa scope of interest rin ni Direk Njel ang horror genre.

Sa pagpapatuloy niya, "'Tapos, fan na fan din ako ng Friday the 13th, sa mga ‘Jason’ movie, Halloween. Kinagigiliwan din namin iyon.

Continue reading below ↓

“So, parang ito iyong pagkakataon na puwedeng gumawa ng ganoon, habulan-habulan. ‘Tsaka, parang gusto ko ring mahuli, kasi lahat tayo may pangamba sa COVID. Lahat ng kinakatakot natin, nandoon lahat sa pelikula.

“Parang, ‘Ayokong magpa-swab baka umabot sa utak ko.’ Baka mamaya masobrahan tayo ng disinfection, maagnas na ang balat natin.

“So, lahat ng pangamba natin, gusto kong ma-preserve ko man lang na nabuhay tayo this point in time na may pangamba tayong ganito. Kasi, balang araw, ang kagandahan nito, alam naman natin na giginhawa rin ang ating buhay pagdating ng araw.”

Sina Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, at ang dalawang foreign artists na sina Cay Kuijpers and Tommie King ang mga artista ni Direk Njel sa Coronaphobia.

“Mga kaibigan ko sina Daiana, si Will, si Paolo. 'Tapos, sila iyong madaling katrabaho na matawagan ko lang, e, sana dumami pa ang matatawagan ko ng ganoon.

"At saka dahil mga kaibigan ko sila, alam ko kung paano sila magsalita, ganoon ko isinulat sila.

Continue reading below ↓

"Pero nakakatuwa kasi kahit first time lang ni Cay umarte, e, akala mo bihasa na siya. Iyon na iyon, e, iyong ganoon lang sila magsalita parang dumudulas lang iyong sinasabi nila,” sabi ni Direk Njel.

Bakit niya naisipang suspense-thriller ang genre ng Coronaphobia?

“Iniisip ko lang, kasi siyempre baka isipin ng mga tao pinagkakatuwaan ko iyong COVID-19. Pero di ba nga, ang tatay ko namatay sa COVID-19?

“So, gusto kong maramdaman din ng mga tao, kasi minsan din ang titigas ng ulo ng mga tao sa minimum helath protocols?

“Papaano halimbawa sukdulan na, na may isang tao, iyon kasi ang kuwento nung janitor [sa movie], e.

“Paano kung may isang tao na sukdulan na, e, nainis. Na kapag halimbawa, e, ‘Ay, i-stapler ko iyang face mask sa mukha mo sa tigas ng ulo mo.’

"Papaano kung umabot na sa ganoon? Minsan kasi di ba, e, ayaw mo lang mapaaway. Kasi, kung sino pa mali, siya pa ang mangangatuwiran, di ba?

Continue reading below ↓

"Minsan sisitahin mo maglagay ng face mask, face shield. Sila pa ang magagalit sa iyo, di ba?

“Minsan nangangamba ka na pagsabihan. Hindi ko rin mapagsabihan dahil ayokong mauwi na may diskusyon na ganyan. Mamaya mag-away pa kayo, magsigawan. May air droplets na may COVID sa iyo pa pumunta.

"So, nilalabas ko iyong catharsis na iyon na parang, ‘Uh, doon ko na lang ilalabas sa creative form na iyon na parang ako iyong janitor, metaphorically speaking. Hahaha!”

DIREK NJEL ON NEW ARTISTIC PROCESS

Nagustuhan ni Direk Njel ang nadiskubre niyang bagong artistic process niya sa pagbuo ng pelikula nu'ng gawin niya ang Coronaphobia.

“Kasi dati, susulat ako ng script 'tapos maghahanap ako ng mga aktor. Mag-a-audition ako ng mga aktor para sukatin doon sa karakter na nakasulat sa istorya ko.

“Ngayon, dahil sa nag-enjoy ako nang sobra, kasi dati gumagawa ako ng pelikula natatakot akong pumasok ng set. Nakakakaba kasi siyempre baka mamaya magkamali ka. Kasi kapag nagkamali ka sa pagdidirek mo, wala. Habang buhay mo na titiisin iyan, nandiyan na iyan.

Continue reading below ↓

“So ngayon, nakakatuwa dahil mga kaibigan ko ang mga kasama ko. Kapag pumapasok ako sa set parang wala lang. Parang normal lang. Kaya nakakatuwa dahil hindi ko na siya kinatatakutan ngayon.

“Kaya ngayon, baligtad na ang aking proseso sa paggawa ng pelikula. Susulat ako ng piyesa para sa mga kaibigan ko.”

Umaasa sila na maipalabas sa Netflix ang Coronaphobia.

“Oo, pero meron ding nag-contact sa amin from iFlix, local VOD [video on demand] din, mga ganyan.

“Sa amin, siyempre nilakad muna namin sa Netflix. Tingnan muna namin kung ano ang mao-offer. Tingnan namin. Kasi, hindi lang ako ang magdesisyon. Gusto ko mga kaibigan ko rin.

“Ako lang kasi, ito iyong nangyari, masaya na pala ako na nakakagawa ako ng pelikuka. Deadma ako kung maraming makapanood.

“Noong pandemic kasi, mag-isa lang akong pinapanood sa cellphone iyong mga pelikula kong ganoon. 'Tapos sabi ko, iyong ligalig na nararamdaman ko hindi naman nadadagdagan kung pumalo man sa takilya iyong pelikula.

Continue reading below ↓

"Basta ako, masaya ako sa pelikula. Proud ako. Parang bonus na lang sa akin kung halimbawang magustuhan ng ibang tao. Mapanood ng ibang tao.

“Ngayon dito sa proseso ng VOD, naisip ko sila na ang mag-decide. Kasi, masaya na ako as is, e. Masaya na ako doon sa produkto.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director NJel De Mesa's on upcoming movie Coronaphobia: “In seven days, nabuo namin iyong pelikula," which stars Will Devaughn, Paolo Paraiso, and Daiana Menezes.
PHOTO/S: @njeldemesa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results