Angelica Panganiban explains why her boyfriend John Lloyd Cruz was unable to attend Tadhana premiere

Angelica Panganiban and JM de Guzman led the cast members who attended the premiere of That Thing Called Tadhana. (To view photos during the event, CLICK HERE)



Star-studded ang nakaraang That Thing Called Tadhana premiere night na ginaganap sa SM Megamall Cinema 7 nung nakaraang Martes, February 3, 2015.

Dumalo ang malalapit na kaibigan ni Angelica tulad nina Vice Ganda, Bea Alonzo, Pokwang, Cherry Pie Picache, Ryan Bang, Jason Gainza, at ang bestfriend ng aktres na si John Prats. Present rin ang ABSCBN executive na si Mr. Deo Edrinal.

Lumikha naman ng ingay ang pagdalo ng GMA-7 stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa premiere ng pelikula na bahagi ng 2014 Cinema One Originals Film Fest.

(View photos: Marian Rivera and Dingdong Dantes grace That Thing Called Tadhana premiere)


Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay Angelica, nagpahayag ito ng sobra-sobrang pasasalamat sa lahat ng mga kaibigang sumuporta sa pelikula niya at sa mga taong nanood sa gabing ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Di ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kanila kasi di ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti sa kanila kung bakit nila tinutumbasan ng ganun din pabalik sa akin. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga kaibigan ko sa industriya, sa lahat ng sumuporta, lalong-lalo na yung mga tinitingala ko sa pag-arte, yung mga direktor, yung mga boss na malaki ang utang na loob ko. Nagpapasalamat ako na nandun sila, nagpunta sila ngayong gabing ito.”
Marami ang naghanap sa presensiya ng boyfriend na si John Lloyd Cruz. Ayon sa aktres ay nasa taping ng Home Sweetie Home ang kasintahan.
“Nasa taping siya ng Home Sweetie Home. Oo baka bago mag-weekend."
Masaya si Angelica sa init ng pagtanggap ng mga manonood kung saan kampante talaga siya na magugustuhan ito ng publiko lalo’t marami ang makaka-relate sa istorya.

“Masayang-masaya kami, talagang nao-overwhelm kami kasi nung ginagawa namin itong pelikula, di naman namin inisip na idi-distribute siya ng Star Cinema para magkaroon ng chance ng karamihan na mapanood siya.

“Actually di ako nag-aalala, talagang confident ako na magugustuhan ng kahit na sino ang pelikula kasi lahat makaka-relate and napaka-easy going ng movie.”

“Nakakagulat kasi di ko ine-expect na matatawa sila sa mga parts na di kami nagpapatawa and di sila tumatawa sa mga parts na nagpapatawa kami. Iba, iba lang talaga pag pinapanood ka kasama ng audience, masarap na masarap sa feeling.”
Open ended ang ending ng pelikula, paano kaya tatapusin ni Angelica kung siya ang magbibigay sa ending nito?

“Gusto ko siya kung paano natapos. May hope, di ba, sa bawat love story may hope.
Bilang isang versatile actress, di importante kay Angelica kung isang indie o mainstream ang pelikulang gagawin basta maganda ang materyal at makakatulong sap ag-unlad niya bilang isang aktres.

“Di naman indie or di naman mainstream, kahit na ano basta maganda yung project, di naman para tumanggi ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN