Nora, Vilma, Sharon, Judy Ann not spared from Joel Lamangan's "talak"

by Jerry Olea
Jul 2, 2021
Veteran director Joel Lamangan (left) has directed (clockwise) Vilma Santos in Mano Po 3, Judy Ann Santos in Sabel, Sharon Cuneta in Walang Kapalit, and Nora Aunor in The Flor Contemplacion Story. But Direk Joel reveals that despite the stature of these four actresses, they are not spared from being scolded by him.
PHOTO/S: Jerry Olea / YouTube

Natilian ng direktor na si Joel Lamangan ang maraming artista, maski na iyong mga nagwagi ng acting award sa mga pelikulang idinirek niya.

Ang iba sa mga artistang ito ay makailang ulit na nakatrabaho niya, sa pelikula man o telebisyon.

“Okey lang sa akin ang artistang medyo bano, na pwedeng pigain, mura-murahin mo, ganyan-ganyanin, tapos pag-‘Action!’ mo, okey na… okey sa akin iyon,” salaysay ni Direk Joel nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hunyo 30, Miyerkules ng hapon, sa Red Lantern restaurant ng Solaire Resort sa Parañaque City.

“Ang ayoko talaga, iyong late. Marami na akong tinalakang artista. Kahit naman si Vilma [Santos], kahit naman si Nora [Aunor], tinatalakan ko, ‘no?

“Judy Ann [Santos], Sharon [Cuneta], Lahat sila, ‘ne! Si Boyet [Christopher de Leon] nga, e…”

NAG-IISANG SUPER-LATE

Paboritong artista ni Direk Joel si Nora Aunor, at malalim ang kanilang pinagsamahan.

Paggunita ni Direk Joel, “Sa Bakit May Kahapon Pa? [1996], sinabihan ko siya, ‘Ate Guy, ha, ang call time mo, 8:00 a.m. Dapat, nandoon ka sa set, dapat pumunta tayo ng maaga dahil mahaba ang ating gagawin.’ ‘Opo, Direk.’

Continue reading below ↓

“Tsuk! Day, alas dose na… wala pa. Wala pa si Ate Guy! Gumaganyan ang tenga ko.

“Tinawagan ko, ‘Ano ba, Guy? Alas dose na. Pag hindi ka dumating dito at ipa-pack up, lahat ng expenses ng production ngayong araw na ito, icha-charge ko sa iyo!!!’

“Tsuk! Boom, dumating. ‘Sorry, Direk, ganyan-ganyan, ganyan-ganyan…’ ‘Ikaw, sabi mo, alas ocho, alas dose na, tapos hindi ka pa dadating?’

“Natakot! Icha-charge ko sa kanya lahat ng cost ng production. Wala siyang kikitain that day, di ba? Icha-charge ko sa kanya.”

Sa kabilang banda, saksi raw si Direk Joel sa pagiging generous ng Superstar.

“Dyusko, day! The Flor Contemplacion Story (1995), nag-shooting kami sa Sta. Cruz City Jail sa Laguna.

“Pag-pack up na ng gabi, pinahilera niya lahat ng mga preso. Give siya ng datung, tsuk, sa mga preso.

“Sabi sa akin ng warden, ‘Direk, tapusin mo na, at baka po mag-escape!’

"‘Psst! Ate Guy, tama na! Baka may um-escape, tayo ang papasok sa loob!’

Continue reading below ↓

"‘Sandali na lang, Direk…’

"Bigay nang bigay ng pera! Ganoon siya ka-generous."


Nora Aunor in The Flor Contemplacion Story

Patuloy ni Direk Joel, “Eto pa, shooting ng Sidhi [1999] sa Bongabon, Nueva Ecija, may isang matandang lalaki, nakita niya na nasa ilalim ng puno ng mangga. Nakaganyan.

“Sabi ni Ate Guy, ‘Direk, tingnan mo, parang si Papay.’ ‘Ay, naku, dyusko, hindi naman iyan kamukha ni Popeye!’

Continue reading below ↓

“Akala ko, si Popeye the Sailor Man, ‘Ang tanda-tanda na niyan.’ ‘Si Papay.’ ‘Hindi!’

“Papay pala, tatay niya! ‘Ahh, iyon ba? Hindi ko alam.’

"Lumapit si Ate Guy sa matandang lalaki at ang sabi, ‘Tay, ‘lo, bakit, ano ang problema mo?’

"‘Kasi namatay na iyong aking kalabaw, wala akong pang-ano.’

“‘Magkano po ba ang kalabaw?’ ‘Kinse mil.’ Psst, psst, psst, may tinawag si Ate Guy, ‘Bigyan mo nga ng kinse mil.’

"Pshhtt! Give ng datung."

EYEBAGS FOR ALL SEASONS

Bida sina Vilma Santos at Christopher de Leon sa pelikulang Mano Po III: My Love (2004), na nag-shooting sa Thailand.

Kuwento ni Direk Joel, “Hindi late si Ate Vi nang kunan ang eksena sa elevator. Nasa Thailand kami, sa elevator ang eksena.

"Si Ate Vi ang pumili kay Charlie Peralta bilang director of photography. Para maganda ang lighting, para maganda siya.

“Tinanong ko siya, sino ba ang gusto mong D.O.P.? Ang choice niya, si Charlie Peralta.

Continue reading below ↓

"Eto na… ‘Action!’ Ganyan-ganyan, ganyan-ganyan.

“E, hindi naman pwedeng umandar ang elevator! Stuck ang elevator, maliit lang ang elevator, puro diyan ang ilaw, hindi ka pwedeng maglagay ng ilaw sa loob… ‘Cut!’

“Tiningnan nung kapatid yung playback. Pumunta kay Vilma at bumulong. Punta naman sa akin ang kapatid, ‘Direk, ulitin po natin. Napakalaki ng eyebags ni Ate Vi.’

“Sabi ko, ‘Sige, ulitin natin… Charlie, ang laki ng eyebag, kinuha ka niya para alagaan siya.’ So, ulit, tsuk, tsuk, tsuk, tsuk, tsuk. ‘Cut!’

“Tingin na naman. Lapit na naman ang kapatid kay Vilma. Lapit uli sa akin ang kapatid, ‘Direk, marami pa rin pong eyebags. Ulitin po natin.’ ‘O, sige, another one.’

“Umaano na iyong tenga ko. Nasa Thailand ako, ha, ang dami kong gagawin that day, na day effects. Lilipat pa kami sa isang park na kung ano, silang dalawa ni Boyet."


Continue reading below ↓

Vilma Santos in Mano Po 3: My Love

Patuloy ni Direk Joel, “So, tsuk. Inilawan. ‘Charlie, hindi pa rin natatanggal, Charlie, ha?’ Hindi pa ako nag-a-‘Action!’

"‘Paano iyan, take 3 na tayo, ikaw ang pinili, ha, alam mo na!’ ‘Direk, kahit anong gawin ko diyan, hindi ko na matatanggal iyan.’

“So, take 3, tsuk, tsuk, tsuk, tsuk! Ayan na naman ang kapatid, lumapit na naman. Ano na naman sa akin, tsuk, tsuk, tsuk, tsuk.

“Sabi ko, ‘Ate Vi, wala nang magagawa. Ipaopera mo na.’

"Ang sabi niya, ‘Alin? OK, Direk. OK naman. OK naman…’

“Kaya tumili na ako, ‘OK! OK! Let’s go to the next set!’”

WAITING FOR MEGA

Naidirek ni Joel Lamangan si Sharon Cuneta sa mga pelikulang Ngayon at Kailanman (1992), Ikaw (1993), Kapantay Ay Langit (1994), Walang Kapalit (2003), at Mano Po 6: A Mother’s Love (2009).


Continue reading below ↓

Sharon Cuneta in Walang Kapalit

Kuwento ni Direk Joel, “Noong first time ko siyang nakatrabaho, late si Sharon.

"Kinausap ko nang personal, ‘Shawie, I am not being paid to wait for you. You are not Queen Elizabeth.’

“Nag-sorry siya. Kasi, hindi pala siya pwede sa umaga. Dapat siya, sa hapon. Kasi, 5:30 na siya nakakatulog sa umaga.

“May insomnia siya. Wala namang nagsasabi sa akin! Di ba? Umiyak siya sa akin, ‘Sorry, Direk, kasi, 5:30 a.m. na po ako nakakatulog.’

“Kaya mula noon, hindi ko na siya kino-call ng umaga. After lunch, pero pwede mo siyang kunan hanggang umaga.”

TOMBOY SI SABEL

Nagwaging best actress si Judy Ann Santos sa Gawad Urian para sa pelikulang Sabel (2004) na idinirek ni Joel Lamangan.


Continue reading below ↓

Judy Ann Santos in Sabel

“Mabait si Juday, hindi ko naman siya masyadong napagalitan,” pasakalye ni Direk Joel.

“Doon lang sa eksena nila ni Sunshine Dizon sa Sabel, kasi tomboy si Sunshine. Kailangan kong makita ang closeness ng ano nilang dalawa.

“Kasi, hindi siya tomboy. Silang dalawa, pareho silang hindi tomboy [sa totoong buhay].

“So, sabi ko, ‘Isipin lang ninyo na mga tomboy kayo!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Nagawa naman nila!”

MORE GUIDE STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran director Joel Lamangan (left) has directed (clockwise) Vilma Santos in Mano Po 3, Judy Ann Santos in Sabel, Sharon Cuneta in Walang Kapalit, and Nora Aunor in The Flor Contemplacion Story. But Direk Joel reveals that despite the stature of these four actresses, they are not spared from being scolded by him.
PHOTO/S: Jerry Olea / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results