Direk Joel Lamangan recalls confrontation with "baklang matanda" and "aktres na di pantay ang kilay"

by Jerry Olea
Jul 3, 2021
Joel Lamangan on being called actor’s director: “Hindi totoo iyon, ‘ne. Iyong aktor ang mahusay. Kung wala iyong aktor, wala naman akong magagawa. Sasabihin ko na lang, ‘Mag-waiter ka na lang! O mag-insurance agent ka, hindi ka pwede dito.’
PHOTO/S: Facebook / Jerry Olea

Binalikan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan ang naging away nila ng isang aktor na member ng LGBT community sa shooting ng isang Regal movie.

“Artista ko siya, mabait siya sa akin. Usapan muna tungkol sa script, ‘Dito sa script, kailangang matuto kang mag-basketball para mapalapit ka kay [pangalan ng mestisong aktor],” kuwento ni Direk Joel nitong Hunyo 30, Miyerkules ng hapon, sa Red Lantern restaurant ng Solaire Resort sa Parañaque City.

Sa istorya kasi, iyong karakter ng mestisong aktor ay nagba-basketball.

Ang sabi ng LGBT actor, “Marunong ako niyan, Direk. Kukuha ako ng magtuturo sa aking mag-basketball.”

“O, sige. Malapit ka na bang matuto?” usisa ni Direk Joel.

“Malapit na, Direk.”

Magla-last day na ng shooting, inurirat siyempre ni Direk ang LGBT actor, “O, ano? Kailan natin kukunan ang basketball?”

“Opo, Direk. Bukas, darating kami.”

MATANDANG BAKLA

Kinabukasan, naloka si Direk. Isang buong team ng basketball ang dala-dala ng LGBT actor…

Continue reading below ↓

Himutok ni Direk Joel, “At kailangan, i-shoot ko ang isang buong game? Ha?! Hindi naman isang buong game, magagalit si Mother [Lily Monteverde]!

“E, ano pa noon, rolyo ng pelikula, magagalit si Mother! Hindi pwede! ‘Kailangan, kayong dalawa lang ni ano [mestisong aktor] ang nagsu-shoot-shoot!’

“Nagalit. Ginanyan ang bola. PAAAKKK!!! Sa harap ko, ‘day! Nag-walkout. Sinigawan ko, ‘Bakla!’

“Pack-up. Sinabi ko, 'Bakit ganyan-ganyan? Ganyan-ganyan.' E, gusto, gumawa ako ng basketball na isang game? Bakit, NCCA ba itong basketball?

“Next day, dumating. May dalang apple pie, tsuk! Para hindi ako magalit, tsuk! Sabi ko, ‘Halika, umupo ka.’ ‘Direk, sorry.’

“‘Umupo ka… masama ang ugali mo. Bakit mo ihinampas iyong bola? Alam mo ba, wala nang kukuha sa iyo.

"'Ika’y isang matandang bakla. Bakla ka na, matanda ka pa, walang kukuha sa iyo pag ganyan ang ugali mo.

“‘Baguhin mo iyang ugali mo, hindi ganyan! Hindi ko naman sinabi sa iyo na gumawa tayo ng isang buong basketball game! Ano ito, liga ba ito? Hindi naman ito liga!

Continue reading below ↓

"Kayong dalawa lang ni [pangalan ng mestisong aktor] ang magbabasket-basketball!’"

Patuloy ni Direk Joel, “E, kasi, naging boyfriend niya iyong coach. Nagpapa-impress siya sa coach.

“‘Neng, huwag mo akong gamiting instrumento para away-awayin ako ni Mother dahil lang boyfriend mo iyong coach. Wala akong pakialam, mag-basketball kayo sa Rizal Memorial, kayu-kayo, huwag mo na akong isali diyan! Kayu-kayo na lang!’ sabi kong ganyan.

“Doon kami nag-away. Gusto niya, kasama ang coach sa basketball… umiyak siya, ‘day! Umiyak siya sa akin, ‘Sorry! Sorry!’

“‘Masama ang ugali mo! Kuwarenta anyos ka nang bakla, matanda ka na, wala nang kukuha sa iyo pag hindi mo inayos iyang ugali mo!’”

May isa pang kilalang showbiz personality na sinigawan ni Direk Joel ng “Baklaaaa!!!”

Napaismid si Direk Joel, “Ay! Huwag na natin siyang pag-usapan! Isang napakadilim na kahapon iyan!”

MAHIWAGANG KILAY

Naubos din minsan ang pasensiya ni Direk Joel sa isang maganda at premyadong aktres na bida sa isang teleserye.

Continue reading below ↓

Lahad ni Direk Joel, “Hinila ko iyan sa tent. ‘Day, dalawang oras na, hindi pa lumalabas! Nauubos na ang oras. ‘Bakit ayaw pang lumabas?’ ‘Direk, hindi pa po pantay ang kilay.’

“Dalawang oras na, hindi pa rin mapantay ang kilay?! Hilahin ko nga! ‘Tama na ang pagpapantay ng kilay na iyan! Halika na! Wala nang araw!’

“Doon niya ako unang naano. Isinumbong ako kay [pangalan ng producer].

"Sabi ni [pangalan ng producer], ‘Bakit mo naman ginanun?’

“Nagpaliwanag ako, ‘Naku, kung hindi ko ginawa iyon, another day ka, expenses ka, wala nang day!’

“‘Bakit?’ ‘Napakatagal naman ng pagpapantay ng kilay, dalawang oras na, hindi pa rin napapantay?’

“Ang tagal-tagal magpantay ng kilay, e, noong lumabas, pantay naman. Hindi ko alam kung anong ewan.

“Pwede naman akong mag-allot ng time para sa pagpapantay ng kilay, pero huwag namang ganoon katagal.

“Dalawang oras na! Mawawala na ang araw! Mula noon, nakilala na niya ako. Mabait na siya after all that.

Continue reading below ↓

“Kasi, alam niya, talagang susugurin ko siya pag magpapantay siya ng kilay na ganoon katagal.

“Iyong make-up artist niya, sinabihan ko, ‘Walang magpapantay ng kilay na dalawang oras, at iuuntog ko!’ Ipinaririnig ko sa kanya!

“‘Yes, Direk! Yes, Direk!’ sagot ng make-up artist.”

“MAG-WAITER KA NA LANG!”

Masasabing actor’s director si Direk Joel.

Napakunot-noo ang premyadong direktor, “Hindi totoo iyon, ‘ne. Iyong aktor ang mahusay. Kung wala iyong aktor, wala naman akong magagawa.

“Sasabihin ko na lang, ‘Mag-waiter ka na lang! O mag-insurance agent ka, hindi ka pwede dito.’

“Pag merong ibubuga, alam kong meron. I will just help him discover it. It’s not me. I will just help him discover what he has.”

Nailunsad ni Direk Joel this year si Sean de Guzman sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

This July, sina Cloe Barreto at Marco Gomez sa Silab, at si Paolo Gumabao sa Lockdown.


Continue reading below ↓

(From left) Sean de Guzman, Marco Gomez and Cloe Barreto, and Paolo Gumabao

“Instrumento lang ako. It’s them. It’s them, it’s not me. It’s them,” pagmamatwid ng beteranong direktor.

“Pag wala, ay! Sinasabi ko, ‘Huwag ka nang mag-artista at wala ka. Wala talaga.’ Marami na akong nasabihan ng ganyan.

“Iyong sinabihan kong mag-waiter, nag-waiter. Na-meet ko one time, ‘Direk, ang galing-galing ng advice mo! May asawa na ako, may anak na ako, nakapagpatayo na po ako ng bahay. Meron na po akong restaurant!’

“‘Kung ikaw ay nagpumilit mag-artista, ano ang mangyayari sa iyo, di ba?’ ‘Opo, Direk, thank you po.’

“May isa pa, ang sabi ko, ‘Ano pa ba ang gusto mong maging? Huwag itong artista!’ ‘Gusto ko pong mag-pilot.’ ‘Mag-pilot ka!!!’

“Nag-pilot, nakita ko siya, pilot na siya! O! Di ba?

"Marami, merong babae, sinabihan ko, ‘Hindi ka pwedeng artista. Mag-aral ka. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Hindi ka para dito. Kaya naman ng mga magulang mo, mag-aral ka!

Continue reading below ↓

“‘Wala kang kinabukasan dito. Wala! Wala ka! In the first place, hindi ka gaanong maganda!’

“Hindi naman talaga siya gaanong maganda para maging ano… ‘Hindi ka mahusay kumanta. Wala naman. Mag-aral ka!’

“Nag-aral. Ayun na, isa sa mga nars ngayon sa Amerika. Nagte-text sa akin, ‘Thank you, Direk!’

"Honest ako sa artista. Gusto kong makita nila, pag meron, ‘Magtiyaga ka, meron ka! Diyan ka!’

“Kasi, iyong iba, kahit wala, sinasabi, meron. Kawawa naman. Di ba, kawawa… kawawa pag ganoon? Binibigyan ng false hope.

“May nagsasabi, ‘Gusto kong maging action star!’ Maraming ganoon na mga bagets! Mga bagets na lalaki, ‘Gusto ko, Direk, maging action star!’

“Sinasabi ko, ‘Mag-aktor ka muna. Ang pagiging action star, susunod na iyon. Hindi ka naman pwedeng maging artista na iyon lang ang alam mo. Dapat, marunong kang umarte bago ka mag-action star.’

“Merong lalamya-lamya, babakla-bakla, gustong mag-action star. Pinagsabihan ko.”

ONE OF THE MOST DEMANDING FILMS OF LAMANGAN

Tampok ang ilang baguhan sa bagong pelikula ni Direk Joel na Lockdown, na mag-i-streaming sa Hulyo 23 sa KTX, Upstream, at RAD.

Continue reading below ↓

“Marami akong piniga-piga diyan, ‘neng, iyong mga hindi pa masyadong ano,” pag-amin ni Direk Joel.

Satisfied si Direk sa inilabas ng mga artista niya sa Lockdown, na isang pelikulang matapang, mapangahas at makabuluhan.

Isa ba ito sa best films na naidirek niya?

“Most demanding. Isa sa most demanding films I’ve ever done!” bulalas ni Direk Joel.

Bakit?

Napabuntong-hininga si Direk Joel, “Napakahirap sabihin sa lalaki na, ‘Maghubad ka.’ ‘Oy, ipakita mo rito ang t*t* mo!’ — napakahirap no’n, ‘ne. It’s not easy.

“Mas madaling magpahubad ng babae, kaysa sa lalaki. Dahil hindi pwedeng maghubad ang lalaki na pangit ang nota. Kasi, pag naghubad at ganyan kaliit, pangit.

“Kailangan, pag nakita mo… tsuuukkk!!! Para magandahan ka, di ba? Napakahirap… napakahirap! Bihirang lalaki ang makinis ang puwet.

“Parang may ganyan-ganyan ang puwet nila, nahihiya sila! Ayaw nila! Para sa kanila, parang personal na dignidad na nila ang nawawala!”

In fairness, makinis ang puwet ng bida sa Lockdown na si Paolo Gumabao.

Continue reading below ↓

“Pero iyong iba roon, may make-up make-up. Nilagyan ng concealer ang mga tsismis! Kaya napakahirap!” pagdidiin ni Direk Joel.

“Ang babae, madali. Wala naman silang ie-erect. Gaganyan lang sila, ipapakita lang, wala naman… nakatago [ang hiwa].

"Ang lalaki, mahirap. Pangit sila pag hindi maayos."

Maayos ang ibinuyangyang ni Paolo sa Lockdown, maging ng mga suportang sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Neil Suarez, Dincent Lujero, at Jeff Carpio.

Maging ang beteranong aktor na si Jess Evardone ay palaban sa hubaran.

Commercial bang pelikula ang Lockdown?

“Hindi,” mabilis na tugon ni Direk Joel.

Art film?

“Hindi siya art film. Pero hindi siya commercial in the sense na hindi naman ito love story, hindi naman ito romcom,” paliwanag ng beteranong direktor.

“Hindi ito ganoon. Lockdown is a socially realist film. It says what is happening at a particular time in our country.

“Ito iyong nagmi-mirror ng reality of a particular time in our country. This is needed. Several years from now, makikita… noong 2020, ganyan pala, ganyan-ganyan, ganyan pala.

Continue reading below ↓

“Makikita nila ang totoong nangyari. Hindi ito love story! Wala namang ganoon ito. In the future, pag napanood ang pelikula… sasabihin nila, noong 2020, nagkaroon ng lockdown at ito ang nangyari.

“Ito ang nag-document. Document ito, e. Film is always a document of what is happening in a particular time ng history. Parati iyan. Parating ganoon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joel Lamangan on being called actor’s director: “Hindi totoo iyon, ‘ne. Iyong aktor ang mahusay. Kung wala iyong aktor, wala naman akong magagawa. Sasabihin ko na lang, ‘Mag-waiter ka na lang! O mag-insurance agent ka, hindi ka pwede dito.’
PHOTO/S: Facebook / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results