Paolo Gumabao no sibling rivalry with Marco; says dad Dennis Roldan is "hottie"

by Rommel Gonzales
Jul 7, 2021
Napapangiti si Paolo Gumabao (L) kapag sinasabing siya, hindi ang kapatid na si Marco Gumabao (R), ang mas kamukha ng ama nilang si Dennis Roldan (M). Pero sino ang pinakaguwapo sa kanilang tatlo? Sagot ni Paolo, "Walang tatalo sa original."
PHOTO/S: @paologumabao on Instagram (L), @gumabaomarco on Instagram (R); PR for My Destiny series

Ang Lockdown ang pinakaunang pelikula ni Paolo Gumabao, 22, kung saan solo niya ang lead role.

Matapos ang halos pitong taon simula noong pasukin niya ang showbiz, mas umingay ang pangalan ni Paolo, na kilala rin bilang anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at half-brother nina Marco Gumabao, 26, at Michelle Gumabao, 28.

Kuwento niya, walo silang magkakapatid, at silang tatlo lamang nina Marco at Michelle ang nasa showbiz.

Kanino siya mas close: kay Marco o kay Michelle?

"Well, magkaiba kasi yung closeness namin ni Marco 'tsaka yung closeness namin ni Michelle.

"Siyempre kami ni Marco, may mga sariling bonding kami like nagba-basketball kami, nagbi-video games kami.

"Si Michelle naman, ang bonding naman namin niyan mahilig kaming makipagkuwentuhan sa isa't-isa. Kahit gabi na. Nagkukuwentuhan lang kami about life.

"So different bonding kami each na magkakapatid."

Pagdating naman sa career, kahit na pareho silang nalilinya ni Marco sa paggawa ng sexy films ay wala raw sibling rivalry sa pagitan nila.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, supportive raw sila sa bawat isa. Nasa Instagram Story pa nga raw ni Marco ang poster ng Lockdown.

Nagbibigayan ba sila ni Marco ng advice o tip sa pag-aartista?

"Oo, palagi. Lalo na nung nag-i-start pa lang ako 'tapos medyo matagal na kasi siya, mga ilang years na rin.

"Basta palagi niyang sinasabi sa akin na importante na maging mabait ka sa lahat ng mga tao sa paligid mo, regardless of kung gaano sila kataas na tao o gaano kababa.

"Kailangan nating respetuhin ang lahat ng mga tao kumbaga."

PAOLO GUMABAO ON COMPARISON TO DAD DENNIS ROLDAN

Ano ang nagiging reaksiyon ni Paolo kapag may nagsasabing mas kamukha siya ng ama nilang si Dennis kaysa kay Marco?

"Siyempre masaya kasi kilala siya bilang hottie-hottie before so siyempre masaya. Pero don't let it get to your head lang, hindi ko lang siya inaano masyado," ang nangingiti pang sinabi ni Paolo.

Continue reading below ↓

Nang biruin namin si Paolo na mas guwapo sa kanila ni Marco si Dennis, sumang-ayon naman ang binata.

"Oo naman, oo naman, walang tatalo sa original!"

Kailan niya huling nakita at nakausap ang amang si Dennis?

"Siguro before the pandemic. Kasi before the pandemic naman, nakakabisita din kami sa... kung nasaan siya ngayon."

Kasalukuyang nakapiit sa bilangguan si Dennis dahil sa kasong kidnapping.

Ano ang sinabi sa kanya ng ama tungkol sa pagpasok ni Paolo sa pag-aartista?

"Wala naman, hindi actually namin masyadong napag-uusapan. Parang pag nagkikita kami, ang napag-uusapan usually is kung kumusta sa bahay, kamusta sila Mommy. Hindi namin masyadong napag-uusapan yung showbiz."

Ano ang ipinagdadasal niya tungkol sa kanyang ama?

"Ipinagdadasal ko na siyempre, sana makalabas siya soon para makasama namin siya nina Marco."

PAOLO GUMABAO ON CAREER PATH

Pagdating sa kanyang career, nais ni Paolo na sundan ang mga yapak o gayahin sina Arjo Atayde, Jake Cuenca, at Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Kabilang din sa kanyang tinitingala si Coco Martin, na tulad niya ay nagsimula sa paggawa ng daring films.

Gusto rin niyang makatrabaho balang araw ang mga nasabing aktor.

Kung mabibigyan naman siya ng pagkakataon, wish niyang maging leading lady si Ivana Alawi, na hindi pa niya nakikilala sa personal.

Handa ba si Paolo na ipapanood sa pamilya niya ang Lockdown kung saan may frontal nudity siya at lovemaking scenes sa babae at sa kapwa niya lalaki?

"Actually napanood ng mom ko kanina," sabay turo ni Paolo sa ina na nasa kabilang mesa lamang habang iniinterbyu namin ang aktor.

Maganda at batang-bata ang itsura ng non-showbiz mom ni Paolo na si Sheryl Sorreta.

"Napagkakamalan kami minsan na magdyowa," bulalas ni Paolo.

Ang sagot naman ng ina ni Paolo nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya matapos mapanood ang pelikula ng anak, "Maganda, naiyak ako."

Kinakabahan ba siya sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan?

Continue reading below ↓

Sagot ni Paolo, "Siyempre andiyan yung konting kaba pero lagi ko lang siyang nakikita as trabaho. So nagtiwala na lang ako kina Direk Joel na maga-guide niya ako nang maayos at siyempre nagtiwala na rin ako talaga sa sarili ko.

"Importante talaga yung tiwala sa sarili."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Paolo sa special screening ng Lockdown nitong Sabado, July 3, 2021, sa Sine Pop Boutique Cinema sa Cubao, Quezon City.

Unang napanood si Paolo sa kanyang minor roles sa mga pelikulang Haunted Mansion (2015), That Thing Called Tanga Na (2016), I Love You To Death (2016), at Debutantes (2017). Isa rin siya sa mga bida ng iWant series na Batang Poz (2019).

Ang Lockdown ay mula sa produksiyon ng For the Love of Arts Films ni Jojo Barron.

Nasa pelikula rin sina Alan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Angellie Sanoy, Paul Jake Paule, at Jim Pebanco. Kasama rin sa cast sina Jeff Carpio, Kristian Allene, Dincent Lucero, Mauro Salas, Neil Suarez, Alexis Yasuda, at Sean de Guzman.

Continue reading below ↓

Ang worldwide streaming ng Lockdown ay sa July 23, 2021, sa ktx.ph, upstream.ph at RAD (iamrad.app).

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napapangiti si Paolo Gumabao (L) kapag sinasabing siya, hindi ang kapatid na si Marco Gumabao (R), ang mas kamukha ng ama nilang si Dennis Roldan (M). Pero sino ang pinakaguwapo sa kanilang tatlo? Sagot ni Paolo, "Walang tatalo sa original."
PHOTO/S: @paologumabao on Instagram (L), @gumabaomarco on Instagram (R); PR for My Destiny series
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results