Dina Bonnevie recalls heated argument with the late Lino Brocka; admits, "Bratinella pa ako nun."

by Rachelle Siazon
Jul 6, 2021
Dina Bonnevie on being furious at acclaimed director Lino Brocka for asking her to shed tears in just one eye: "Nagalit ako sa kanya. E, siyempre bratinella pa ako nun. Parang sabi ko, 'What?! Are you crazy?! I don't act for me. I can't act the way you're acting because you're gay and I'm not!' Ganyan pa ako, salbahe." Seen in the left photo is a scene from Magdusa Ka! directed by Eddie Garcia and on the right is a poster for Gumapang Ka Sa Lusak directed by Brocka.
PHOTO/S: Screengrab from Magdusa Ka / Gumapang Ka Sa Lusak poster

Hindi raw malilimutan ni Dina Bonnevie ang mainit na pakikipag-argumento niya noon sa namayapang award-winning director at National Artist na si Lino Brocka.

Diskumpiyado raw noon si Brocka sa heavy drama scene ni Dina.

Hindi nabanggit ni Dina kung anong pelikula iyon, pero inamin niyang "bratinella" pa siya noon.

Ilan sa mga pinagbidahan niyang pelikula na si Brocka ang direktor ay ang Orapronobis (1989), Gumapang Ka Sa Lusak (1990), at Sa Kabila Ng Lahat (1991).

Balik-tanaw ni Dina: "Naalala ko he was the one who taught me to cry with only one eye, I even told him, 'What?! How can I even control it?!'

"Sabi niya, 'No! Cut! Cut! Cut! Gusto ko isang luha lang ang papatak pagdating sa dialogue na ito! Pag hindi pa dumadating sa dialogue na ito, hindi pa pwede pumatak ang luha!'"

Nangatuwiran daw si Dina, pero nanindigan din si Brocka bilang direktor.

Sabi ni Dina: "Nagalit ako sa kanya. E, siyempre bratinella pa ako nun.

Continue reading below ↓

"Parang sabi ko, 'What?! Are you crazy?! I don't act for me. I can't act the way you're acting because you're gay and I'm not!' Ganyan pa ako, salbahe.

"Sabi niya, 'Hindi! Kung nagawa ni Hilda Koronel, magagawa mo.'

"Na-challenge ako. Sabi ko, 'Aba, pwede ba yun isang mata pa luluha at may cue yung luha?'"

Napapangiti si Dina kapag naaalala ang tensyonadong insidenteng iyon sa pagitan nila ng National Artist.

Masuwerte raw siya dahil naging mentor niya si Brocka, at naturuan siya nitong galingan ang kanyang pag-arte.

Sabi pa ni Dina, "But it took me a matter of time. That's what I mean honing your craft.

"Anong importanteng linya kung saan babagsak yung luha mo? Sa linya na yun mo gagawin to emphasize the hurt and pain. Yun natutunan ko sa kanya.

"I have so many movies with Lino."

Continue reading below ↓

Sa virtual mediacon ng Kapuso prime-time series na The World Between Us noong June 23, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina tungkol sa mga makulay na karanasan niya bilang artista.

DIFFERENCE BETWEEN A STAR AND A RESPECTED ACTRESS

Marami pang pagsubok na dinaanan si Dina para mahinang ang kanyang talento sa pag-arte.

Isa na rito ay noong prinangka siya ni Mina Aragon del Rosario kung ano ang kaibahan ng sikat na artista sa magaling na aktres.

Si Mina ang namayapang aktres at asawa ni Vic del Rosario, na may-ari ng Viva Films.

Kuwento pa ni Dina sa PEP.ph: "Yung Tagalog ko, I have to thank Mina del Rosario. Sabi niya sa akin, 'You know, there's a difference between a star and being an actress. Ikaw, sikat ka, kilala ka ng mga tao, box office ka, pero aktres ka ba?

"'Hangga't di ka marunong mag-Tagalog nang diretso at pilipit iyang dila mo, hindi ka sisikat. Kung kailangan mo gumapang sa lusak, gagapang ka sa lusak para maging artista ka.'"

Continue reading below ↓

Hinamon daw siya ni Mina na mag-aral magiging matatas sa wikang Filipino.

"Wow! Talagang that blew my mind. I can never forget yung linya niya sabay hinagisan ako ng komiks.

"Sabi niya, 'Araw-araw papasok ka sa Viva para magbasa lang ng komiks.'

"Because my Tagalog was really bad and I was an Inglisera. Every day I would go to Viva just to read tons and tons of comics para matanggal yung pilipit sa dila ko sa pagta-Tagalog.

"Credits to her na pinilit niya ako na aralin mabuti, na aralin yung pagta-Tagalog ko."


Continue reading below ↓

TRAINING FROM JOEL LAMANGAN, ERIc moRris

Minsan na rin daw napagalitan noon si Dina ng direktor na si Joel Lamangan.

Ilan sa pinagsamahan nilang mga pelikula ay Hanggang Saan Hanggang Kailan (1993), Bahid (2002), at I Will Survive (2004).

Ito raw ang nagturo sa kanyang maging organic ang kanyang pag-arte.

Lahad ni Dina: "Favorite line ni Joel Lamangan, 'Don't act! You're acting. I don't believe you. Be the character. Stop acting! You're acting, Dina. I don't wanna see. No, no, no! Again!'

"Sa isip ko, 'Nakakaloka itong director na ito, ha!' Pero that's when I started, 'Sige nga, I'll do the role in front of the mirror. Am I acting? Dun ko na-differentiate."

Continue reading below ↓

Nakatulong din daw ang pagsailalim niya sa acting workshop ng American actor at acting teacher na si Eric Morris.

"Although I took courses. Ilan lang kami sa naturuan ni Eric Morris dito sa Pilipinas. Pumili siya ng artista na mga tuturuan niya.

"And Eric Morris taught us that being is acting. You don't act the role, but you be the role."

HOT STORIES

WHAT SHE LEARNED FROM EDDIE GARCIA

Marami rin daw natutunan si Dina sa namayapang legendary actor at director na si Eddie Garcia.

Ilan sa mga pelikula kunsaan naging direktor niya si Eddie ay sa Palimos ng Pag-ibig (1986), Magdusa Ka! (1986), at Kung Kasalanan Man (1989).

"He really taught me a lot. He told me, 'Just feel that you are the character. Relax, breathe, don't rush your lines. Put it in certain units. I-units mo yung acting mo pati yung kilos mo.'"

Dito raw na-apply ni Dina ang sense memory acting o technique kunsaan gagamitin ang five senses o physical sensations para alalahanin ang tamang emosyon na pasok sa isang eksena.

Continue reading below ↓

"That's when I practiced yung sense memory na kunyari if this your walk, anong klaseng character meron ka? Kung hostess ka, anong lakad mo? Kung nanay ka, anong lakad mo? Kung bata ka na marami kang pangarap, and you're rushing to the world, anong lakad mo?' Yun, natutunan ko yun sa kanya.

"When I did Magdusa Ka, I won almost all the awards for that year."

Continue reading below ↓

MOTIVATED BY NORA AUNOR, NIDA BLANCA, other big stars

Nanalo naman si Dina ng Best Supporting Actress para sa Tinik Sa Dibdib, na pinagbidahan ni Nora Aunor noong 1985. Si Leroy Salvador ang direktor nila noon.

Sabi ni Dina, "Kay Nora, nakuha ko yung how to cry na hindi ka pangit. Na acting lang sa mata.

"I remember Tinik Sa Dibdib, she was teaching me and Kuya Ipe, Phillip Salvador.

"Sabi niya, 'Wala kang dialogue dito sa pelikula. Kailangan mata mo ang nangugusap. Mata mo lang ang nag-a-acting.'

"Sabi ko, 'Paano ko gagawin?' 'Kaya mo yun. Paaktingin mo mata mo.' And true enough, that's my first award.'"


Continue reading below ↓

Ilan pa sa mga tinitingala ni Dina na kapwa aktor ay sina Nida Blanca, Vilma Santos, Christopher de Leon, at Philip Salvador.

"And of course, the late Nida Blanca. Bagamat nasabunutan niya ako na halos makalbo ako nung Magdusa Ka, kasi wala siyang kontrol sa sabunot. Pero I learned a lot from her.

"I'm lucky during that time nakatrabaho ko yung mga batikang aktor—sina Ate Vi, Ate Guy, si Ipe, si Kuya Boyet... I really watch them and I really observe them.

"And of course, there's Ishmael Bernal. Diyan ako natuto."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie on being furious at acclaimed director Lino Brocka for asking her to shed tears in just one eye: "Nagalit ako sa kanya. E, siyempre bratinella pa ako nun. Parang sabi ko, 'What?! Are you crazy?! I don't act for me. I can't act the way you're acting because you're gay and I'm not!' Ganyan pa ako, salbahe." Seen in the left photo is a scene from Magdusa Ka! directed by Eddie Garcia and on the right is a poster for Gumapang Ka Sa Lusak directed by Brocka.
PHOTO/S: Screengrab from Magdusa Ka / Gumapang Ka Sa Lusak poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results