Joel Lamangan says Paolo Gumabao "napakahusay na aktor," but "ang gusto ko...tatay mo"

by Rommel Gonzales
Jul 16, 2021
Joel Lamangan on Paolo Gumabao: "Napakahusay na aktor. Na-shock nga ako dahil hindi ko akalain na ganun siya kahusay, at ganun siya kahanda sa kung ano ang hinihingi sa kanya."
PHOTO/S: Jerry Olea (left photo); @paologumabao on Instagram

Para kay Direk Joel Lamangan, "napakahusay" ni Paolo Gumabao sa pelikulang Lockdown.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Napakahusay na aktor. Na-shock nga ako dahil hindi ko akalain na ganun siya kahusay, at ganun siya kahanda sa kung ano ang hinihingi sa kanya.

"Walang tanong! Pag sinabi mo, 'O, dito hubad, ha?' 'Opo direk!'

"Tsuk! Hubad na. Ikaw ang masa-shock. Ay!"

Ayon pa kay Direk Joel, kagulat-gulat ang makikita kay Paolo sa Lockdown, at maikukumpara si Paolo sa kanyang ama na si Dennis Roldan.

Aniya, "Pag pinanood nyo itong Lockdown, parang si Dennis noong bata."

Nakatrabaho ba ni Direk Joel si Dennis noon?

"Wala pa ako nun sa pelikula. Nasa theater at sa TV pa ako noon, wala pa ako noon sa pelikula.

"Pero crush ko siya, crush ko talaga yun.

"Sinabi ko nga sa kanya [Paolo], 'Alam mo, hindi ikaw ang gusto ko, ang tatay mo,'" at tumawa si Direk Joel.

Continue reading below ↓

DIREK JOEL ON NUDITY IN LOCKDOWN

Tinanong namin si Direk Joel, kung ipapalabas sa regular na sinehan ang Lockdown, ilang porsiyento kaya ng pelikula ang tatanggalin o mase-censor?

Puno kasi ng frontal nudity, masturbation scene, at love scenes ang nabanggit na pelikula.

"Kaya ko ito ginawa dahil walang censor. Ito yung panahon na ang mga direktor ay magagawa nila ang gusto nilang gawin dahil walang censor.

"Ito, walang censor, kapag ito ay sinensor, walang matitira! Walang matitira, wala talaga, wala. Kaya ito ginawa ko habang walang censor.

"Para maipakita ang isang katotohanan. E, totoo naman, e, meron naman talagang vidj*k*l-vidj*k*l, e. Paano mo ipapakita ang vidj*k*l kung wala ka namang ipapakitang j*kol?

"E, ngayon lang yan nangyayari, noong araw naman wala namang ganyan."

Bukod kay Paolo ay nasa Lockdown rin sina Alan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Angellie Sanoy, Paul Jake Paule, at Jim Pebanco.

Kasama rin sa cast sina Jeff Carpio, Kristian Allene, Dincent Lucero, Mauro Salas, Neil Suarez, Alexis Yasuda, at Sean de Guzman.

Continue reading below ↓

Mula sa produksyon ng For the Love of Arts Films ni Jojo Barron, ang streaming nito worldwide ay sa July 23, 2021 sa ktx.ph, upstream.ph at RAD (iamrad.app).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joel Lamangan on Paolo Gumabao: "Napakahusay na aktor. Na-shock nga ako dahil hindi ko akalain na ganun siya kahusay, at ganun siya kahanda sa kung ano ang hinihingi sa kanya."
PHOTO/S: Jerry Olea (left photo); @paologumabao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results