Paolo Gumabao, other Lockdown actors kakayanin ba ang trabaho ng online sex worker?

by Jerry Olea
Jul 17, 2021
Ang pelikulang Lockdown, na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao (left) ay tumatalakay sa mundong ginagalawan ng mga OSW (online sex workers), lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic at sa dulot nitong economic crisis.

Dinalirot ng pelikulang Lockdown ang mga kaganapan sa buhay ng OFW (Overseas Filipino Worker) na si Danny, na pag-uwi sa bansa ay napilitang maging OSW (online sex worker) sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Sa virtual mediacon ng Lockdown noong Hulyo 13, 2021, Martes ng hapon, inurirat ko ang mga artista kaugnay sa saloobin nila sa mga taong sumasabak sa pagiging online erotic performer. If ever, kaya ba nilang gawin iyon?

Pahayag ng bidang si Paolo Gumabao, “Hindi po natin alam dahil kung andoon na tayo sa sitwasyon na iyon, at kung kapit sa patalim na, kung we’re just trying to survive already.

Paolo Gumabao

Continue reading below ↓

"Feeling ko, hindi na natin matatanggihan iyong mga ganoong bagay, lalung-lalo na at malaki ang bayad.

"Ang alam ko po yata, malaki po ata ang bayad nun.

“So, you know, if you have something to use na may advantage ka, and puwede mong pagkakitaan…

“Pero kung andoon ka na siguro sa point na kapit sa patalim, and kung para talaga sa pamilya mo… para sa akin, magagawa ko—if andoon ako sa sitwasyon ni Danny.

"I think everyone naman.”

JEFF CARPIO, kabilang sa video call boys

Gumanap si Jeff Carpio bilang masahista na naging assistant ni Mama Rene (Jim Pebanco), at isa rin sa Video Call Boys.

“Kung nandoon ako sa sitwasyon ni Danny, at talagang walang-wala na, para sa pamilya, gagawin ko,” pag-amin ni Jeff, na nasa California, USA.

“Kasi siyempre, mahirap magutom, di ba? At saka hindi mo kayang tiisin, lalo na iyong sa istorya na makita ang tatay mo na ganoon ang sitwasyon, di ba?

Continue reading below ↓

“Parang kaya mong gawin talaga. Gagawin mo lahat para sa pamilya mo.

“So, kung sakaling mangyari iyon sa akin, gagawin ko.”

Wala sa virtual mediacon ang iba pang Video Call Boys na sina Sean de Guzman, Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero at Mauro Salas.

JIM PEBANCO as mama rene

Pumapel ang beteranong character actor na si Jim Pebanco bilang Mama Rene, ang may-ari ng cybersex den, kung saan nagaganap ang vidjakol sessions.

Jim Pebanco

Continue reading below ↓

“Sa akin, kanya-kanyang diskarte lang iyan, e! Nirerespeto ko iyan,” sambit ni Jim.

“Kung ako, nabata-bata pa, walang trabaho, at may pandemya… alam mo, gagawin ko. Hindi ako magmamalinis.

“Para hindi magutom ang mga mahal ko sa buhay.”

VETERAN ACTOR JESS EVARDONE, WALANG KIYEME SA PAGHUBAD

Sang-ayon kay Jim ang beteranong aktor na si Jess Evardone, na gumanap bilang baldadong tatay ni Danny.

Jess Evardone
Paolo Gumabao

Continue reading below ↓

“Ganoon din sa sinabi ni Jim na kailangan mong tulungan ang pamilya mo sa ano mang paraan sa panahon ng pangangailangan,” saad ni Jess.

“E, syempre, gagawin ko! Ahh… pero ako naman kasi, noong bata pa ako, pagka-graduate ko ng high school, nag-janitor ako. Tapos, nag-factory worker.

"Tapos, nagtrabaho ako sa ospital. Tapos, lumipat ako sa construction company. So, hindi ko naging option talaga iyon.

“Tapos, nag-teatro na ako sa PETA, 1976. Kaya medyo distracted ako sa mga ganoong trabaho.”

Hubo’t hubad si Jess sa eksenang pinapaliguan siya ni Paolo. Nalokah si Direk Joel Lamangan na nakikita ang ari nito sa shooting.

Natawang sabi ni Jess, “Nagulat lang ako, first time kong maipakita iyong flesh ko sa pelikula. Hahahaha! Kung kailan ako senior citizen!”

ALAN PAULE as colonel

Gumanap si Alan Paule bilang Colonel, na pinagsabihan ang Video Call Boys sa pinaggagagawang “kababuyan.”

Lahad ni Alan, “Well… yeah, why not? Kung para sa family, gaya nga ng sabi ni Jim, kung bata-bata pa kami.”

Continue reading below ↓

Napahalakhak si Jim. Dagdag ni Alan, “Lalo na’t ganitong pandemya. Why not?! Di ba?!

“Hahahaha! Tuloy ang buhay, kapit sa patalim!”

Susog ni Jim, “Wala ka namang inaapakan! Wala kang sinasaktan!”

Sumang-ayon agad-agad si Alan, “Korek! Korek.”

MAX EIGENMANN, respetado ang mga osw

Gumanap si Max Eigenmann bilang fiancee ni Danny. Ano ang punto de vista ng isang babaeng tulad niya sa mga lalaking OSW?

Ani Max, “Parang for me naman, desisyon naman nila iyon. So, if it’s a way for them, and they think it’s right for them to do this kind of work for the sake of earning more income, then I have nothing against it,” sambit ng premyadong aktres.

“And malaki rin iyong respeto ko sa mga tao na ganyan. Kasi it takes a lot of courage and a lot of heart to be able to do that, di ba?”

DIREK JOEL LAMANGAN, NANINIWALA SA SOCIAL RELEVANCE NG LOCKDOWN

Inusisa si Direk Joel Lamangan kung ano ang naramdaman niya nang magsaliksik siya sa buhay ng mga OSW.

Continue reading below ↓

Joel Lamangan

“Naaawa ako. Naaawa ako sa ating mga kababayan na napipilitang gumawa ng mga bagay na baka hindi nila gustong gawin, dala ng kanilang pangangailangan!” diin ng multi-awarded director.

“Dahil walang trabaho, sarado ang lahat, kailangang bumuhay ng mga pamilya, nakita ko ang hirap ng buhay sa panahon ng pandemya—lalo na sa mga taga-industriya ng pelikula. Walang trabaho!

Continue reading below ↓

“Nakita ko iyan. Kaya nang ibinigay sa akin ang istorya ng Lockdown, natuwa ako. Dahil ito ang nagsasalamin ng problema ng ating bayan sa panahon ng pandemya.”

Ang Lockdown ay prinodyus ni Jojo Barron sa ilalim ng For the Love of Art Films. Nag-lock in shooting ito noong Setyembre 7-14, 2020 sa Cavite.

Naka-997K views na ang full trailer ng Lockdown mula noong in-upload noong Marso 16, 2021 sa YouTube channel na Gilbert Obispo Films.

Mag-i-streaming ang Lockdown sa Hulyo 23, Biyernes ng gabi sa KTX, Upstream, RAD at WeTV.

Magku-compete din ang pelikula sa Asian Film Festival Barcelona (Oktubre 27-Nobyembre 7) sa Spain.

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pelikulang Lockdown, na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao (left) ay tumatalakay sa mundong ginagalawan ng mga OSW (online sex workers), lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic at sa dulot nitong economic crisis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results