Ynez Veneracion recalls doing “pito-pito” films, P50 talent fee

by Arniel C. Serato
Jul 22, 2021
Ynez Veneracion grateful to her former leading men during her heyday as a sexy star: "Lahat sila magagalang, lahat sila mababait, lahat sila pinuprotektahan ako."
PHOTO/S: Courtesy: @ynez_veneracion888 on Instagram

Masayang sinariwa ni Ynez Veneracion ang pagpasok niya sa mundo ng showbiz noong late ‘90’s hanggang sa mabigyan siya ng pagkakataong magbida.

Ayon sa aktres, nagsimula siya bilang extra sa pelikula at P50 lamang ang kanyang talent fee.

Pero natupad din ang kanyang pangarapnang mabigyan siya ng pagkakataong magbida sa sexy films.

Lahad ni Ynez sa Calamansi App podcast ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, July 21, “Tuwang-tuwa ako kasi dati, extra lang ako sa pelikula.

“Dati kasi, huwag kang kukurap. Kasi pag kumurap, hindi mo ako makikita.

“Ito yung tipong nasa likod ka lang ng artista, kumakain. Nakaupo, kumakain, o kaya tatawid.

“So sabi ko, ‘Hindi ako masaya, hindi niyo ako nakikita.’

“So, ngayon, nung nagkaroon ako ng bidang pelikula, siyempre tuwang-tuwa ako.

"Kasi yung dating fifty pesos na talent fee ko a day, naging ano na... kasi nauso dati yung pito-pito, e, pito-pito movies yung seven days mo lang siya gagawin.”

Continue reading below ↓

Ang “pito-pito” films ay pinauso ng Regal matriarch na si Lily Monteverde noong '90s, kung saan ang isang pelikula ay may P2-million budget lamang at kailangang matapos sa loob lamang ng pitong araw.

Lahad ni Ynez, “Sa Regal Films yun, seven days mo lang siya gagawin.

“So, nag-TF [talent fee] ako nun ng P70,000 for seven days.

“So, sabi ko, ‘Oh my God, yung fifty pesos ko, naging ten-thousand plus a day.’

“Sobrang tuwang-tuwa ako nun kasi bida ka na, tapos ang laki ng talent fee mo, di ba? From fifty pesos, ang laki ng itinaas.

“Sabi ko dati, ‘Lord, pangarap kong maging artista. Kahit bit roles lang, okay na.’ Pero mas malaki pa ang ibinigay Niya sa akin, kaya tuwang-tuwa ako nun.

“Kahit na nahirapan ako sa first role kasi sexy sobra, e.”

Ang unang sexy film ni Ynez na siya ang bida ay ang Huwag, na ipinalabas noong 1997. Kasama niya rito sina Gino Antonio at Toffee Calma.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng kanyang unang sexy movie, unti-unti na raw nasanay si Ynez sa mga sumunod niyang mature roles.

Maselan man daw ang mga ito, malaki naman ang pasasalamat niya sa kanyang naging leading men.

Sabi ni Ynez, “Pero thankful din ako kasi yung mga leading man ko, lahat sila magagalang, lahat sila mababait, lahat sila pinuprotektahan ako.

“After the scene, tinatakpan nila ako, mababait din sila talaga.”

(Makinig ng PEP Calamansi App podcast. Mag-download lamang ng Calamansi App sa Google Play or App Store.)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynez Veneracion grateful to her former leading men during her heyday as a sexy star: "Lahat sila magagalang, lahat sila mababait, lahat sila pinuprotektahan ako."
PHOTO/S: Courtesy: @ynez_veneracion888 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results