Piolo Pascual no hesitation to work with newbie director Alessandra de Rossi

by Melba R. Llanera
Jul 29, 2021
Piolo Pascual on co-star and director Alessandra de Rossi: "Working with her was such a breeze because she's the kind of person na gagawin niya ang lahat just to be able to make things work. Ang requirement niya lang sa akin was to come to the set as myself. Wala na akong inisip."
PHOTO/S: @msderossi Instagram / My Amanda

Baguhang direktor man si Alessandra Rossi, hindi raw nagdalawang-isip si Piolo Pascual na gawin ang pelikulang My Amanda.

Hindi raw naging kunsiderasyon ang pagiging certified A-lister ni Piolo para bigyan ng tsansa si Alessandra nang i-offer sa kanya ang proyekto.

Bukod sa pagiging director, si Alessandra ay writer, co-star, at co-producer din ng My Amanda.

Ang Spring Films, ang film company na co-owned ni Piolo, ang producer ng pelikula.

Lahad ni Piolo, "You should be open to new opportunities such as this.

"Saan sila magsisimula? Alangan naman na hintayin mo munang i-prove ang sarili nila bago mo sila bigyan ng chance?

"I think that's what I stand for—giving opportunities to people who wanna break out.

"With Alessandra, I don't have any qualms with her directing the film because alam ko na alam niya ang ginagawa niya."

Umpisa pa lang ay naniwala na raw si Piolo sa vision ni Alessandra para sa pelikula.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, "Di ako nagdalawang-isip kasi alam ko ang materyal ni Alessandra. It's so close to her heart, so personal.

"Alam ko na marami ka pang maibibigay na creative juices, marami ka pang maibibigay na brilliance because nasa puso.

"Kalokohan naman para sabihin mo na 'I'm like this, I'm like that,' no, no, no."

Bonus na lang daw na malapit silang magkaibigan.

Dagdag ni Piolo, "Si Alessandra talaga, when I accepted the project, we knew what we are getting ourselves into. No matter what the outcome was, we were there 100 percent.

"Aside from the fact that Alessandra and I are close friends, kumbaga, kabisado ko ang likaw ng bituka niya kaya alam ko na hindi kami magkakamali."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributing writer si Piolo para sa ulat ng Cinema News noong Biyernes, Hulyo 23.

TEAMUP WITH ALESSANDRA

Panay papuri naman ni Piolo sa husay na ipinakita ni Alessandra bilang director at co-star.

Continue reading below ↓

Sobrang dali raw katrabaho ng aktres.

Kuwento ni Piolo, "The thing with Alex is she thinks too much and she doesn't want to worry other people.

"Like ito, pinaghirapan niya ito, nagkasakit siya, ang dami niyang pinagdaanan dito.

"But working with her was such a breeze because she's the kind of person na gagawin niya ang lahat just to be able to make things work.

"Ang requirement niya lang sa akin was to come to the set as myself. Wala na akong inisip.

"Pumunta lang ako sa set, halos di ako naka-makeup the whole time."

Kumusta si Alessandra bilang direktor?

Sagot ni Piolo, "It was an easy set. Si Alessandra knew what she is doing, even if it's her first time to direct.

"She knew her shots, she knew what she wants, so it was so easy for us because kaming dalawa lang most of the scenes."

Bilang co-star ay humuhugot lang din daw si Piolo kay Alessandra.

Continue reading below ↓

"Most of the time, pinapakinggan ko lang siya. Napakadaldal niya sa pelikulang ito.

"Anong gagawin mo kundi makinig ka na lang, mag-react ka na lang based on what she is giving.

"That's also one thing I appreciate about Alessandra is napaka-giving niyang tao. Ibibigay niya lahat pati sarili niya para mapaganda ang ginagawa niya."

Na-enjoy ni Piolo ang tambalan nila ni Alessandra, na nakatrabaho rin niya sa defunct Kapamily prime-time series na Since I Found You noong 2018.

"It was an honor to be able to work with her," ani Piolo.

"For something so personal, na talaga namang pinaghirapan talaga niya, wala akong masasabi kay Alessandra.

"She gives it all, whatever she does she gives it all.

"Susuklian mo rin ng ganun, di ba? Papantayan mo na ibibigay mo rin ang lahat."

trending on netflix

Sulit ang pinaghirapan nina Alessandra at Piolo dahil nag-trend ang My Amanda sa Netflix Philippines, Qatar, at U.A.E.; at kasama pa rin ito sa Top 10 Most Watched Films sa Netflix Philippines ngayon.

Continue reading below ↓

"Nag-trend tayo, nagta-Top 10 pa. I think miss na miss din nila ang Pilipinas," tukoy ni Piolo sa mga Pinoy na nanonood sa ibang bansa.

Patuloy niya, "It's refreshing to come up with something original. It's always something I wanna echo that we can champion our Philippine cinema to the world, to the global market.

"You know, having My Amanda, I think it's a good sign for us to carry on, to do more films.

"Sobrang nagpapasalamat ako because sa sobrang kasabikan ng mga Filipino na makapanood ng bago, naibigay natin sa kanila, and there's hunger for more."

Tatlong taon ang hinintay nina Piolo at Alessandra bago naipalabas ang pelikula kaya labis ang pasasalamat nila sa kanilang supporters.

Excited pa ring kuwento ni Piolo, "It's a thorn off my chest. Sabi nga, para kang nagluwal ng bata, e. I'm happy for Alessandra, finally the baby is out.

"It's been three years, we waited for this for so long. Ito ang pinakamatagal na pelikulang ginawa ko bago ipalabas because of the pandemic.

Continue reading below ↓

"I'm just really happy. I'm reading up in Twitter, every day nagtse-check ako, nakakataba ng puso ang mga nababasa mo.

"I'm just happy kasi maganda yung reception. Thanks, God!"

good reviews from netizens

Marami ang kinilig hindi lang kay Piolo kundi sa mismong kuwento ng My Amanda.

Continue reading below ↓

Pinuri rin si Alessandra na first directorial debut at siya ring may gawa ng kuwento ng pelikula.

Ayon sa komento.ng mga nakapanood, na-enjoy nila ang My Amanda dahil relatable ang istorya at mahusay ang pagkakalahad nito.

Sabi naman ni Piolo ukol dito, "Sobrang maa-appreciate mo talaga ang mga tao who are taking their time to post a review or post their reaction.

Continue reading below ↓

"And that's the purpose of it—to be able to affect people's lives, not just to influence but to inspire and [make them] think about the choices they made in their lives.

"'Yon yung talagang bottomline dun, salamat naman, salamat sa lahat ng Filipino around the world."

Natutuwa rin si Piolo dahil may pulot din daw siyang aral mula sa comments ng netizens.

"That's the reason why I'm reading up in Twitter. Iba-iba ang take ng iba't ibang tao, e. Iba yung nakaka-relate ka sa iba't ibang eksena, nakaka-relate ka sa istorya.

"You kinda learn from it as well, you kinda realize things na di mo alam while you are shooting.

"Nakakatuwa lang na pagnilay-nilayin ang mga reactions ng mga tao, you take it from there."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual on co-star and director Alessandra de Rossi: "Working with her was such a breeze because she's the kind of person na gagawin niya ang lahat just to be able to make things work. Ang requirement niya lang sa akin was to come to the set as myself. Wala na akong inisip."
PHOTO/S: @msderossi Instagram / My Amanda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results