Gameboys The Movie breaks local streaming records

by Jerry Olea
Aug 1, 2021
Elijay Canlas and Kokoy de Santos exude exceptional onscreen chemistry in Gameboys The Movie

Solid ang suporta ng CaiReel Nation sa EliKoy movie!

Gameboys The Movie

Ang CaiReel ay portmanteu ng mga karakter na Cairo at Gavreel na ginampanan nina Elijah Canlas ay Kokoy de Santos, respectively sa Pinoy BL series na Gameboys.

Elijah Canlas
Kokoy de Santos

Continue reading below ↓

Elijah + Kokoy = EliKoy. Nag-umpisa ang streaming ng Gameboys The Movie nitong Hulyo 30, Biyernes sa KTX at Ticket2Me.

Ngayong Hulyo 31, Sabado, ipinagmalaki ng produksyon na The IdeaFirst Company na itong Gameboys The Movie ang biggest opening weekend for a movie sa KTX, at top-selling movie of all time sa Ticket2Me.

ECSTATIC AND FULFILLED

Lubos ang kagalakan nina Elijah at Kokoy nang mapanood ang kanilang pelikula.

“Sobrang fulfilled po ako na makita iyong pinaghirapan po naming lahat sa pelikula,” sambit ni Elijah sa virtual mediacon nitong Hulyo 30, Biyernes ng hapon.

“I mean, we wish na mapanood sa sinehan, pero iba rin iyong puwedeng mapanood sa cellphone, laptop, or sa kung saan-saan.

“At parang mas na-excite naman ako for the second season… Nakaka-excite bigla iyong second season.”

Nakangiting pagbati ni Kokoy sa ka-partner, “Hi, baby! Gusto ko lang sabihin na napakahusay mo.

“Iba. Iba yung pakiramdam. Actually, hindi pa ako ano… ha! Ha! Ha! Congrats, congratulations po sa lahat.

Continue reading below ↓

“At yung pakiramdam ko, hindi ko talaga siya ma-explain sa sobrang saya at feeling ko, para akong nasa alapaap pa ngayon. Sobrang surreal! Ha! Ha! Ha!”

PERFECT CHEMISTRY

Bonggang-bongga pa rin ang mga pakilig nina Elijah at Kokoy sa movie. May sikreto ba ang init ng kanilang chemistry?

Elijah Canlas
Kokoy de Santos

“Sikreto? Ahh, iyong truth siguro doon sa karakter at naniniwala tayo doon sa ginawa namin,” pagbuntong-hininga ni Kokoy.

Continue reading below ↓

“At siyempre, naniniwala tayo sa kaeksena mo. Sobra, ang laki ng tiwala ko dito kay Elijah, hindi lang bilang aktor kundi bilang tao.

“Naging open ako sa kanya. Alam niya na, alam niya na halos lahat.”

Sabi naman ni Elijah, “I guess, aside from what Kokoy just said, iyon nga, sa truth ng character… and commitment din sa pagganap.

“Nandoon din talaga sa pagiging open. I mean, hindi talaga siya magwu-work pag hindi kayo nagkakasundo ng mga kaeksena mo, ng co-actors mo.

“And from day one pa lang, sobrang open na ni Kokoy, the whole cast with each other.

“And I think even off cam, even sa set, sobrang genuine nung relationship naming lahat.”

Dagdag ni Kokoy, malaking tulong sa kanila ang kanilang direktor na si Ivan Andrew Payawal.

Sabi pa ni Elijah, script pa lang ni Ash Malanum ay nakakakilig na noong binabasa nila.

ART IMITATES LIFE

May kani-kanyang moment sa Gameboys The Movie sina Pearl (Adrianna So), Terrence (Kyle Velino), Wesley (Miggy Jimenez) at Achilles (Kych Minemoto).

Continue reading below ↓

Napaiyak nga si Adrianna nang mapanood ang eksenang niyakap niya sina Elijah at Kokoy.

Pahayag ni Adrianna, “Actually po, habang sinu-shoot namin iyong scene na iyon, ‘no — of course, siyempre, si Direk Ivan, kasama talaga namin from the start, na nag-start ang Gameboys.

“So, bago namin gawin ang eksena na iyon, nag-huddle kami. So, talagang doon pa lang, ramdam na ramdam na namin na, ‘Oh, my God! End na ba talaga ‘to?’

“Kasi, hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa future. Hindi natin ma-predict kung ano ang mangyayari sa state ng bansa natin.

“Basta, noong time na iyon, magkakasama kami. Kaya siguro noong napanood ko rin ngayon, doon ako sobrang naiyak…

“Pero ramdam na ramdam mo, kasi, sobrang raw. Na talagang nasa gitna ng pandemic, yung setting din kasi ng Gameboys is same sa nangyayari sa atin.

“So, yun… sobrang feel na feel ko yung eksena na yun.”

Continue reading below ↓

GRATEFUL FOR STRONG SUPPORTING ENSEMBLE

Agaw-eksena ang karakter ni Tita Susan (Angie Castrence), ang relihiyosang tiya ni Gavreel.

Nakaka-tense ang mga eksena ni Tita Susan, na sa pag-entra ay may bitbit na siyang Sto. Niño.

“I love you, Tita Angie,” pagpalakpak ni Elijah. “Sobrang sarap niyang katrabaho! Sobrang sarap! Grabe!”

Sumingit si Kyle, “Laging busog!”

Umayon si Elijah habang natatawa, “Laging busog. Tama si Kyle. Laging nagluluto on the set.

Marami pong pakain si Tita Angie.

“Sobra pong generous bilang tao, at bilang artista na rin. Pero ako po kasi, naka-work ko na siya bilang producer before.

“First time ko po siyang maka-work bilang co-actor… and grabe si Tita Angie. Umpisa pa lang, I mean, sa dami ng lines niya, sa haba ng mga linya niya, parang…

“Ang linaw-linaw ng nuances, ang linaw-linaw ng objective niya sa karakter. Parang kahit wala talagang back story na ibinigay doon, alam ninyo kung saan siya nanggagaling.

Continue reading below ↓

“Kaya maiinis ka talaga sa kanya habang sinu-shoot niya iyong eksena, lalo na bilang karakter.

“Parang gusto mo na lang talagang sagutin siya nang sagutin. Iyon na nga ang pakiramdam ko.”

NO TO PIRACY

Nagpasalamat ang cast ng Gameboys The Movie sa pagtangkilik sa kanilang pelikula.

Sabi ni Kych, “Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nanood, and sana, suportahan po natin ito. And… NO TO PIRACY! Iyon lang po lagi ang tatandaan.”

Nagpasalamat si Adrianna sa media people na dumalo sa virtual mediacon, at ipinakiusap sa mga manonood, “Please don’t support piracy!”

Pahayag ni Miggy, “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat, sa lahat ng mga nanood, at nakisakay sa amin doon nga sa ride of emotions.

“And sana, na-enjoy po ninyo iyong movie talaga. Kasi, as much as we did making it, ahhm, sobrang galing po sa puso naming lahat. Iyon nga po, pagmamahal ang pinagmulan nitong lahat…”

Panawagan ni Miggy, huwag i-spoil ang highlights ng story alang-alang sa fans na hindi pa nakakapanood.

Continue reading below ↓

Lahad ni Kyle, “Unang-una po, siyempre, gusto ko pong pasalamatan ang fans natin na talagang walang pagod na sumusuporta, na nag-antay.

“Siyempre, ang tagal nating inantay ito. Talaga pong pinaghirapan namin.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijay Canlas and Kokoy de Santos exude exceptional onscreen chemistry in Gameboys The Movie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results