Yul Servo returns to the indie scene via the digital film "Torotot"


Yul Servo will play an architect who is cheated on by his wife in the Maryo J. delos Reyes film Torotot under Viva Digital. The councilor of the third district of Manila last appeared in the indie film Siquijor: Mystic Island (2007).



Ngayon lang nagiging aktibong muli sa pag-aartista si Yul Servo pagkatapos na mahalal bilang konsehal sa ikatlong distrito ng Maynila. May tinatapos siyang pelikula, ang Torotot (Destierro), pinoprodyus ng Viva at dinidirehe ng mentor niyang si Maryo J. delos Reyes.

"Hindi ko puwedeng balewalain ang posisyon ko," sabi pa ni Yul. "Aminado kasi akong marami akong dapat na matutunan pa, lalo sa paggawa ng ordinansa.

"Nag-aaral pa rin ako hanggang ngayon, resolutions pa lang ang nagagawa ko, gaya sa restoration ng Metropolitan Theater, at yung mga programa ko sa arts and culture. Yun kasi ang plataporma ko, at tinatrabaho ko yun," pahayag ng aktor.

Isa sa mga nasimulang programa ni Yul sa Maynila ay ang "Pili at Pino," isang out-of-school youth undertaking sa pakikipagtulungan sa DSWD at NCCA.

"Masaya ito at maganda ang epekto sa maraming kabataan. Gaya ng workshops, iba't ibang klase. Mayroong theater, acting, scriptwriting, para sa mga kabataang constituents ko. Para makaiwas sa kung anu-anong bisyo, nakatutulong para madevelop ang creativity nila, at makatulong sila sa lipunan.

"Pero, siyempre, medyo hirap pa kami dahil kulang na kulang sa budget na naibibigay ng gobyerno. Gumagawa ako ng paraan para makakuha ng funding, at masaya rin ako dahil yung ibang mga kaibigan ko, sumusuporta," nasabi na lang ng binata.

SUPPORTIVE FRIEND. Naungkat sa usapan na lihim palang nagbibigay ng kontribusyong pinansyal si Piolo Pascual sa mga undertaking na ito ni Yul bilang politician.

"Aaminin ko na nagbigay siya ng pandagdag sa pondo ng kampanya ko," sabi pa ni Yul. "Nagulat nga ako nang matanggap ko ang tseke. Malaking halaga! Malaki ang pasasalamat ko kay Piolo dahil nakausad ang kampanya ko noon dahil din sa kontribusyon niya."

Ang nasagap naming chika, tumataginting na isang milyong pisong ang ipinagkaloob ni Piolo kay Yul para lang magamit nito sa kampanya at iba pa niyang proyekto kung sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga dapat sinasabi ito, pero 'yang kaibigan kong 'yan, tahimik lang 'yan, pero marami siyang natutulungan. Mabuting tao ang brother ko.

"Sa palagay ko, hindi dahil lang sa akin kung bakit nagbigay siya ng malaking halaga. Hindi ko na lang sasabihin kung magkano. Ginagawa niya yun dahil gusto niyang makatulong.

"Naiintindihan niya kung saan ko dadalhin ang pera, at kung sinu-sino ang makikinabang dito. Hindi ito para sa akin," nangingiting sambit pa ni Yul.

PILI AT PINO. Maski sa launch ng "Pili at Pino," dumating pa si Piolo roon nang personal, para suportahan ang nabanggit na proyekto ni Yul sa Maynila.

"Matatag kasi ang friendship namin ni Piolo. Wala kaming pakialam kung nilalagyan na yun ng malisya ng iba. Basta, ang totoong magkakaibigan, nagtutulungan, lalo na kung ganyang ang kailangan ay hindi para sa amin-amin lang, para sa maramihan.

"Kung kailangan ko ng tulong, alam kong maaasahan ko si Piolo. Wala naman akong dapat itago kaya okey lang na i-mention ko siya dahil naa-appreciate ko ang pagtulong niya sa akin, at ang paniniwala niya sa mga gusto kong magawa bilang politician," tuloy-tuloy na pahayag ng aktor-politiko.

Ang alam ni Yul, tumutulong din sa ibang charitable institutions si Piolo.

"Yun nga ang nakabibilib sa kanya," ani Yul. "Hindi siya nagpapa-publicize ng kung anu-ano sa mga ganyang bagay. Basta, ginagawa na lang niya.

"Gusto ko ring tularan ang brother ko, pero public official na ako, kaya yung mga nagagawa ko, nalalaman na rin ng iba. If I have my way, mas maganda talaga yung tumutulong na walang inaasahang kapalit, gaya ng publicity o pagpapaganda ng image," sabi pa ng aktor.

Sa pagbabalik ni Yul sa pelikula, gumaganap siya bilang isang professional, an architect na niloko ng kanyang asawa sa Torotot ng Viva Digital.

"Abangan sana ito ng mga tao lalo na yung mga tumangkilik sa mga pelikula ko noon. Kasi, first time kong nakaganap ng ganitong role na professional ako, iba yung dating, at nag-prepare talaga ako para iba yung atake ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pang gustong gawin bilang politician si Yul. Hanggang ngayon ay binabalak pa niyang mag-take ng Public Administration course. Kaso nga, naroroon pa rin ang hilig niya sa showbiz kaya manakanakang gagawa siya ng mga bagay na may kaugnayan pa rin sa pinilakang tabing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN