Andi Abaya on movie co-star Joaquin Domagoso: "Magaan katrabaho"

by Rommel Gonzales
Aug 7, 2021
Andi Abaya on Caught in the Act co-star Joaquin Domagoso (right): "Napaka-welcoming niya. He's been in this industry longer than I am, kaya napaka-welcoming niya, especially sa pag-welcome niya sa akin dito sa industry."

Magaan katrabaho si Joaquin Domagoso.

Ito ay ayon kay Andi Abaya, na kapareha ng binata sa pelikulang Caught in the Act.

"Napaka-welcoming niya. He's been in this industry longer than I am, kaya napaka-welcoming niya, especially sa pag-welcome niya sa akin dito sa industry.

"Tinutulungan niya ako, tinutulungan niya kaming mga bagong artista habang nagsu-shooting.

"And napaka-professional po niya, kaya it was really easy to work with him and naging close friend ko na rin po siya," pag-amin ni Andi.

Nagsisimula nang ma-link sina Andi at Joaquin. Ano ang tsansa na may mabuong relasyon sa pagitan nila?

"Right now po kasi, I really wanna focus on my career knowing I'm a new artist in this industry.

"I wanna let it grow, I wanna focus, I wanna put my energy and focus on the growth of my career po muna.

"So hindi po muna priority ang lovelife," diin niya.

Second Big Placer ang nineteen year-old si Andi sa Pinoy Big Brother: Connect na umere noong December 2020 at nagtapos noong March 2021 at kung saan ang nanalo ay si Liofer Pinatacan.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi at ang cast at direktor ng Caught in the Act na si Perry Escaño noong nakaraang July 19 sa Studio Blanc sa San Juan City para sa pictorial ng kanilang pelikula.

Ang mga artista ng Caught in the Act bukod kina Andi at Joaquin ay sina Bamboo B. at Jhassy Busran.

Kung ilu-launch si Andi bilang solo star, bukod kay Joaquin, sino ang nais niyang maging leading man?

Lahad niya, "I have a loveteam, may pine-pair po sa akin from PBB din po, his name is Kobie Brown, and I am willing and actually I am looking forward to work with him."

Isasali ng producer na MPJ Entertainment Productions ang pelikulasa 2021 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

ANDI AS REAL-LIFE CRIMEFIGHTER

Tungkol sa isang grupo ng mga estudyante na nakaimbento ng app para maka-witness ng krimen ang pelikulang Caught in the Act.

Tinanong namin si Andi, kung sa tunay na buhay ay makakasaksi siya ng krimen, ire-report ba niya? O mananahimik na lamang siya dahil sa takot na madamay siya o balikan ng mga kriminal?

Mabilis niyang sagot, "Magsusumbong po ako dahil ayaw ko pong gawin din ng taong yun sa ibang tao.

"Yun din yung way para ma-resolve yung crime and para mabawasan din po ang mga crimes na nangyayari, and para makatulong din sa society natin, sa community natin,

"Siguro iyon yung magiging part na puwede nating ibigay to bring justice and peace in our community."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Abaya on Caught in the Act co-star Joaquin Domagoso (right): "Napaka-welcoming niya. He's been in this industry longer than I am, kaya napaka-welcoming niya, especially sa pag-welcome niya sa akin dito sa industry."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results