Direk Brillante Mendoza reveals Coco Martin's unchanged habit

by Julie E. Bonifacio
Aug 12, 2021
Direk Brillante Mendoza and Coco Martin are reunited in the forthcoming movie tentatively titled Pola (Red Earth), which also stars Julia Montes and Raymart Santiago, among others.
PHOTO/S: Julie Bonifacio, @cocomatin_ph on Instagram

Pagkalipas ng ilang taon ay muling nakatrabaho ni Coco Martin ang kanyang mentor at ang international award-winning director na si Brillante "Dante" Mendoza sa pelikula na may tentative title na Pola (Red Earth).

Ang pinakahuling pelikula ni Coco under Direk Brillante ay ang Captive, na ipinalabas noong 2012.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Brillante sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City nitong nakaraang Agosto 4, 2021.

Since it's been a while bago niya naidirek ulit si Coco, kumusta naman ang working habits or style ng aktor this time?

Panimulang kuwento ni Direk Brillante, "Okay naman.

"Alam mo si Coco, mabait na tao din naman iyan. At saka alam niya talaga yung ano niya, nung ginagawa namin ito, sabi niya sa akin, 'O, ikaw ang direktor ko ngayon, ha?'

"Sabi niya, 'Artista lang ako kasi,' ganyan-ganyan. 'Sige,' sabi ko sa kanya.

"'Basta ikaw ano diyan, ipagawa mo lahat sa amin kung gusto mo. Bahala ka diyan. Hindi kami magrereklamo,' sabi niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw nagbago sa attitude ni Coco as a person.

"Well, ano, siya pa rin ang taga-timpla namin ng kape, bumibili ng alak. Hahaha!" bulalas niya.

DIREK BRILLANTE CLARIFIES FALLING-OUT RUMORS WITH COCO

Malaki ang parte ni Direk Brillante sa career ni Coco, na bago namayagpag sa telebisyon ay naging Prince of Philippine Indepemdent Films.

Ang biggest break niya ay ang 2005 film na Masahista, na isinulat at idinerek ni Brillante Mendoza.

Marami pa silang pelikula na umani ng papuri at parangal sa iba't ibang festivals abroad.

Nariyan ang Summer Heat (2006), Tirador (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009).

Ang huli nilang proyekto ay ang Captive (2012), at marami ang nag-akalang nagkaroon sina Direk Dante at Coco ng falling out ni Coco dahil hindi na nasundan iyon.

Paglinaw niya, "Actually, sa totoo lang masaya kami sa isa't isa. Kasi, sabi nga niya, 'Ikaw, iyan ang pinursue mo sa buhay mo.' Kasi, may choice naman tayo, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"'Eto talaga ang pinili ko. Kumbaga, kahit papaano na-achieve ko kung ano yung gusto kong mangyari sa buhay ko na pinili ko. 'Tapos siya naman, doon sa pinili niya, na-achieve rin niya. So kumbaga, sa mga choices namin, kahit paano may nangyari and we are both happy sa development na yun."

Pareho na silang successful ni Coco. Pareho na rin ba ang level ng yaman nila ni Coco ngayon?

"Hindi," ngiti ni Direk Brillante. "Pareho lang kaming masipag. Hahaha!"

DIREK BRILLANTE ECSTATIC OVER COCO'S SHOWBIZ SUCCESS

Pero masaya si Direk Brilante sa estado ng career ni Coco sa industriya ngayon—one of the top actors na, successful producer pa.

Pagsang-ayon niya, "Siyempre. Actually nga, kung babalikan mo ang mga producers namin noon, siyempre noon, pinagkukuwentuhan nga namin ni Coco, siya yung naglalagay ng poster sa Locarno [Film Festival in Switzerland]. Nandoon kami. Kami-kami lang. May bitbit kami na mga poster, saka flyers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Naku, baka walang manood sa screening natin. Baka tayu-tayo lang,' sabi kong ganoon. Puwede naman palang maglagay ng posters. Nagdikit kami ng posters. Sabi ko, 'Diyan ka, dito ako.'

"Hindi naman kami pinagbawalan magdikit ng posters. 'Tapos, alam mo naman Pilipino, kapag may nakalagay na doon na poster, tatakpan na. Hahaha! Alam mo naman ang Pilipino, di ba?

DIREK BRILLANTE AS COCO'S PERENNIAL ADVISER

Tinanong namin si Direk Brillante kung nasaan siya noong panahong namamayagpag si Coco? Nananatili ba siya sa "likod" ni Coco at patuloy na nagbibigay ng advice sa kanya?

"Oo naman," aniya.

"Kapag may mga isyu sa kanya. Siyempre may mga issues sa kanya, di ba? Minsan nai-involve siya sa kung mga anu-ano.

"Nag-uusap kami, kapag na-ano ang pangalan niya, ganyan. Nagsi-seek pa rin siya sa akin ng advice. Ako naman, tumatawag ako sa kanya para sabihan siya, ganoon. Siya rin from time to time, nagte-text siya. Nangungumusta siya kung okey ba ako, ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DIREK BRILLANTE ON ENDURING FRIENDSHIP WITH COCO

After more than 15 years, "mas intense ngayon" ang friendship ng dalawa.

Lahad niya, "Nag-mature na kasi kami pareho. Ilang taon na si Coco? Ako, ilang taon na ako? Senior na rin ako. Hahaha!

"So, iba na. Ibang level na yung friendship namin. Oo, mas intense na, kasi nga you're not getting ang younger, di ba?"

Dugtong niya, "Siguro yung bonding ba, yung friendship. Meron kaming friendship noon pero hindi malalim. I mean, hindi siya ganun kalalim.

"Parang siyempre, gumagawa ka lang ng pelikula, ganyan-ganyan, the usual, di ba? E, alam mo naman sa pelikula, napaka-shortlived. Shortlived lahat, di ba?

"Kapag gumawa ka ng production, after a while, tapos na. Tapos na rin ang usapan ng mga tao. So, mga ganoon.

"Although kami naman, tuluy-tuloy yung mga gawa namin. Kaya lang yung parang when you talk about life, di ba? Ayan na! Di ba mga senior lang ang nag-uusap niyan about life?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilalang generous na tao si Coco lalo na sa kanyang mga kaibigan. May pagkakataon bang nagkaroon ng "ambag" si Coco sa kanya for his future na gaya ng sabi ng Kapamilya actor na hindi na siya bumabata?

"Meron naman. May mga ganoon," ang sagot ng award-winning director bago niya sinabi ang advice ni Coco na mag-mainstream siya.

"Palagi niyang sinasabi sa akin, 'O, tama na yung pag-art-art mo kasi ano ka na, magaling ka na,' ganyan-ganyan. 'Gumawa ka naman ng ano para makaipon ka, ganyan-ganyan.' Tinatawanan ko lang siya. Hahaha!''

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Brillante Mendoza and Coco Martin are reunited in the forthcoming movie tentatively titled Pola (Red Earth), which also stars Julia Montes and Raymart Santiago, among others.
PHOTO/S: Julie Bonifacio, @cocomatin_ph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results