Allan Paule cites advantages, disadvantages of lock-in shoots to character actors like him

by Rommel Gonzales
Aug 15, 2021
Veteran actor Allan Paule plays another gay character in his latest film Nang Dumating Si Joey.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa gitna ng pandemya ginawa ang pelikulang Nang Dumating Si Joey, na pinagbibidahan ni Allan Paule, kaya nag-lock-in shooting sila sa loob ng halos isang linggo.

Kung matapos na ang pandemya at normal na muli ang sitwasyon, mas pabor ba si Allan na manatili ang sistema ng lock-in shooting o taping, o ibalik sa dati na uwian ang mga taong involved sa produksiyon ng isang pelikula o TV show?

Ayon kay Allan, "In a way, pabor ang lock-in taping kasi wala kayong alisan sa isang lugar.

"But then again, dun sa mga supporting roles na kagaya namin, minsan kasi isang buwan ka dun, tapos limang araw ka lang magte-taping.

"So, di ba, parang sa isang buwan, parang sayang yung days na naka-lock-in ka dun.

"Siguro, puwedeng pagkasunduan ng industry na merong at least ten days guaranteed na taping. Para hindi naman lugi ang mga artista.

"Actually minsan, may nakakuwentuhan nga ako, sa isang buwan, isang araw lang siyang nag-taping! Wala siyang magawa.

Continue reading below ↓

"E, di ba, lock-in, pandemic, so hindi rin siya makauwi dahil nga hindi rin siya makakapasok. Kasi naka-bubble.

"Kasi sabay-sabay silang umalis, sabay-sabay din silang babalik, kailangan."

Maganda nga ang suggestion ni Allan na guaranteed ten days na trabaho.

"Di ba? At least, at least may guaranteed taping.

"Kung sa shooting, kung seven days may guaranteed ka na, at least two-three days meron kang guaranteed.

"So, sana ganun para fair naman," pahayag ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portyal) si Allan sa Zoom mediacon ng Nang Dumating Si Joey noong August 7.

Ang pelikula ay mula sa Blank Pages Production at sa direksiyon ni Arlyn dela Cruz. Bukod kay Allan, nasa pelikula rin sina Rash Juzen at Mr. Pogi 2019 grand finalist Francis Grey.

Ang executive producer ng pelikula ay si Bong Diacosta na nakabase sa San Diego, California.

ANOTHER GAY ROLE

Isang gay film ang Nang Dumating si Joey, kung saan ginagampanan ni Allan ang papel ng bakla na si Sandra.

Continue reading below ↓

Ano ang atakeng ginawa rito ni Allan na kakaiba sa mga nagawa na niyang gay characters sa mga nakaraan niyang pelikula?

Kabilang sa mga pelikula kung saan gumanap na gay si Allan ay Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya (1998) at Masahista (2005).

"Ibang-iba kasi halos karamihan ng ginawa kong gay film, may kissing scene, may love scene, dito wala.

"Bakit wala, sabi ko kay Direk Arlyn!" at tumawa si Allan.

"Pero iba kasi yung ano dito, mas sa emosyon, sa awakening, iyon.

"Bukod sa pagmamahalan, kumbaga namulat yung bawat character, may mga pinagdadaanan yung bawat character, nagkaroon ng ending dun sa relationship nung...

"Hindi naman relationship ng ano, e, kumbaga parang naghahanap sila ng pagmamahal sa isa't isa, pero hindi umabot dun sa... parang platonic love, hindi umabot sa sekswal na ano.

"Kaya iyon ang maganda sa script, e, may mga struggle dun sa mga character, kay Joey, sa akin, sa anak ko.

Continue reading below ↓

"Kaya maganda yung story, iba, iba sa lahat ng ginawa kong gay films."

Available for streaming ang Nang Dumating Si Joey sa KTX.PH hanggang September 30.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Allan Paule plays another gay character in his latest film Nang Dumating Si Joey.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results