FIRST LOOK: Jeric Raval, Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez as macho gays in Barumbadings

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2021
Take your pick: (from left) Jeric Raval, Baron Geisler, and Mark Anthony Fernandez shed their macho image to play gays in Darryl Yap's latest movie, Barumbadings.
PHOTO/S: Viva Films

Naggagandahan sina Jeric Raval, Baron Geisler, at Mark Anthony Fernandez sa drag queen characters nila sa upcoming movie na Barumbadings.

Mapagkakamalan talagang tunay na mga babae ang kanilang mga hitsura.

Tungkol sa mga matatapang at barumbadong bading ang kuwento ng bagong proyekto ng direktor na si Darryl Yap.

Hindi natakot sina Jeric, Baron, at Mark na gawin ang pelikula dahil nagustuhan ng tatlo ang mga karakter na gagampanan nila.

Ibang-iba kasi ito sa mga katauhang kanilang binigyang-buhay sa mga nakaraan nilag pelikula.


Continue reading below ↓

Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez, and Jeric Raval

Magandang-maganda si Mark sa kanyang drag role. Hindi siya nagpahuli sa kagandahan ng nanay niyang si Alma Moreno, ang top sex symbol noong dekada '80.


Naranasan na ni Baron na gumanap na gay sa ibang mga project niya, pero lumitaw nang husto sa Barumbadings ang kanyang pagiging mestiza at kagandahang maikukumpara sa isang foreign actress.

Continue reading below ↓


Tuwang-tuwa naman ang sexy star na si AJ Raval sa transformation ng tatay nitong si Jeric. Hindi nainsulto si AJ sa komento na mas maganda kesa sa kanya ang tatay niya, na kilala bilang astig na action star noong dekada ’90.


Continue reading below ↓

Sabi ni AJ tungkol sa ama, “Nakaka-proud po. Sini-send niya po ako ng pictures, yung mga eksena nila sa Barumbadings.

“Nakakatuwa pong makita na ganoon ang tatay ko kasi kilalang action star siya. Action star po siya sa TV, action star din siya sa bahay.

“Nakakatuwa pong makita na gumanap siya bilang bading. Sobrang proud po ako ngayon sa kanya.”

Inaasahang riot ang mga eksena nina Jeric, Baron, at Mark sa Barumbadings na mapapanood sa Vivamax simula sa November 5, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Take your pick: (from left) Jeric Raval, Baron Geisler, and Mark Anthony Fernandez shed their macho image to play gays in Darryl Yap's latest movie, Barumbadings.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results