Director explains why he chose ex-PBB housemates Maris Racal and Manolo Pedrosa to topbill indie film

Joven Tan (left) says about his film Stars Versus Me, “Ito, talagang pang-Pinoy—horoscope, pamahiin, Chinese New Year.” Former Pinoy Big Brother All In housemates Maris Racal and Manolo Pedrosa (right frame) are lead stars of indie film.



Sina Manolo Pedrosa at Maris Racal ang mga bida sa pelikulang Stars Versus Me na siyang tatalakay sa obsession ng mga Pinoy sa astrology.


Ang former Pinoy Big Brother All In housemates, na nakilala bilang Marnolo loveteam, ay idinirehe ni Joven Tan, ang author rin ng librong Stars Versus Me kunsaan hango ang pelikula.


Bukod sa pagsusulat ng movie screenplays at aklat, kilala rin si Direk Joven sa pag-compose ng mga kanta.


Siya ang naging grand champion ng Himig Handog noong 2013 para sa kanyang kantang “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?” Naging grand finalists naman siya sa Himig Handog 2014 para sa kanyang kantang “Pare, Mahal Mo Raw Ako.”

Pagkatapos ng Himig Handog, ilang pelikula na rin ang naisulat at naidirek niya kabilang na ang Echoserang Frog, Ang Maestra at marami pang iba.

JACK OF ALL TRADES. Halos lahat, kaya niyang gawin kaya puwedeng sabihin na isa siyang “jack of all trades.” Marami siyang nagagawa na hindi kayang gawin ng iba, lalo na ang pagsabay-sabayin ang mga ito.

“Natutuwa naman ako, hindi naman nababakante. Actually, marami talagang ginagawa, maraming trabaho.

“Bukod sa Stars Versus Me, may ginagawa rin kami ngayon, ang TANDEM ng launching movie naman ni Pooh. Kasama niya rito nina Eddie Garcia, Joem Bascon.”

HOROSCOPE THEME. Ang launching movie at pinagbibidahan nina Manolo Pedrosa at Maris Racal na Stars Versus Me ay nakatakdang ipalabas sa February 28 sa Sta. Lucia East Mall.

Tungkol ito sa mga taong mahilig magpapaniwala sa horoscope.

Kuwento ni Joven, “Ang nanay ni Maris sa movie, si Matet de Leon, mahilig sa horoscope.

“Buong buhay niya, dinepende niya sa horoscope tulad ng kailan mag-aasawa, sino sasagutin—lahat naka-base sa horoscope. Pati kung ano ang tatayaang numero, kung suwerte bang mag-biyahe.

“Lahat yun, sinusunod niya at maganda naman ang feedback sa kanya. Hanggang isang araw, may nangyari. Kaya si Maris, lahat ng sinasabi ng horoscope naman niya, kinokontra niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PINOY FLAVOR. Ilang libro na rin ang naisulat ni Joven tulad ng Wala Namang Forever, Ano Ba Ang Nangyari Sa Ating Dalawa?, Tambay Is My Guy at Erase Ka Na Sa Puso Ko na gagawin din daw pelikula.

Sa lahat, bakit ang Stars Versus Me ang naisipan niyang unang isalin sa pelikula?

“'Yan kasi ang Pinoy. Wala Namang Forever sana. Maganda, kaso mabigat. Ito, talagang pang-Pinoy. Horoscope, pamahiin, Chinese New Year,” paliwanag niya.

PERFECT FOR LEAD ROLES. Unang pelikula nina Manolo at Maris ang Stars Versus Me.

Bakit niya napili ang dalawa?

Ayon kay Joven, “Bagay sa kanila. In-adjust lang ng konti yung book kasi, mas adult yung characters ng book.

“Pero bagay naman. Masaya naman silang mga kasama. Mababait, magalang.

“May single rin si Maris, ang 'Itanong Mo Sa Bituin' na isa sa theme song ng pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN