Lovi Poe confirms casting in Hollywood film The Chelsea Cowboy

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2021
Filipina actress Lovi Poe will make her Hollywood debut via The Chelsea Cowboy, where she will play British blues singer Dana Gillespie.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram

Ang Hollywood online news na deadline.com ang naglabas ng exclusive report tungkol sa partisipasyon ni Lovi Poe sa The Chelsea Cowboy, ang pelikulang halaw sa makulay at kontrobersiyal na buhay ni John Bindon (1943-1993).

Si Bindon ang English actor na kilala sa pagiging "gangster" at may koneksiyon sa London underworld noong nabubuhay pa siya.

Gagampanan ni Lovi sa The Chelsea Cowboy ang karakter ni Dana Gillespie, ang British blues singer na malaki ang kinalaman kaya nakilala ni Bindon ang mga sikat at maimpluwensiyang mga tao, kabilang na si Princess Margaret.

Si Dana, 72-year-old singer-actress, ang original Mary Magdalene sa unang London production ng Jesus Christ Superstar, ang musical play nina Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, noong 1972.


Continue reading below ↓

Dana Gillespie then and now

Makakasama ni Lovi sa The Chelsea Cowboy sina Alex Pettyfer (Magic Mike), Poppy Delevingne (Riviera), at Idris Elba (The Suicide Squad).

Ang direktor ng pelikula ay si Ben Cookson (Waiting For Anya).

Kinumpirma ni Lovi ang kanyang partisipasyon sa The Chelsea Cowboy sa pamamagitan ng Instagram ngayong Miyerkules ng umaga, August 25.

Mensahe niya: "Aaaah….can’t wait to start filming The Chelsea Cowboy in October.

"The film is a biopic based on the life of actor, gangster and lothario John Bindon. I’ll be playing blues British singer Dana Gillespie!

"Excited to be working with this amazing team of creatives @alexpettyfer @poppydelevingne @idriselba

"More details soon!"

Continue reading below ↓

Ang The Chelsea Cowboy ang unang Hollywood project ni Lovi, na nakagawa na ng maraming teleserye at pelikula sa Pilipinas.

Huli siyang napanood sa Vivamax movie na The Other Wife at sa Kapuso primetime series na Owe My Love.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipina actress Lovi Poe will make her Hollywood debut via The Chelsea Cowboy, where she will play British blues singer Dana Gillespie.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results