12 short films, all directed by men, featured in Sine Halaga

by Jerry Olea
Aug 25, 2021
Twelve short films are featured in Sine Halaga, a joint venture of National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and Negros Cultural Foundation (NCF). Three of the entries are (right, top to bottom) Dandansoy, Bakit Ako Sinusundan ng Buwan?, and Masalimuot Ya Tiyagew Ed Dayat.
PHOTO/S: NCCA

Interesting ang labindalawang (12) short films na tampok sa Sine Halaga (The NCCA Filipino Values Film Festival) 2021.

Mag-o-opening ceremony ang filmfest ngayong Agosto 25, Miyerkules ng 6:00 p.m., sa Facebook page ng Sine Halaga.

Mapapanood kapagkuwan nang libre ang entries sa streaming platform na ViMeoOnDemand, at sa website ng NCCA Learning Resources Hub.

Katuwang ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang Negros Cultural Foundation (NCF) sa proyektong ito, kung saan itinataguyod ang labinsiyam (19) na core Filipino values.

Mahigit isang daan (100) ang nagsumite ng lahok sa “blind audition” ng Sine Halaga. Ibig sabihin, hindi alam ng mga hurado kung sinu-sino ang manunulat at/o direktor ng bawa’t entry.

Kabilang sa mga hurado sina NCCA Committee on Cinema Chairperson Rolando Tolentino, film critic Tito Valiente, Direk Jeffrey Jeturian, Roy Iglesias, Sari Dalena, Arvin Villalon, at Jose Soliman Jr.

Ang labindalawang (12) istorya napili ay pinagkalooban ng P400,000 upang isapelikula sa panahon ng pandemya. Nagkataon lang na pawang lalaki ang mga direktor ng 12 entries.

Continue reading below ↓

UGBOS KA BAYABAS

Base sa title, poster at teaser ng Ugbos Ka Bayabas (Tender Leaves of Guava), mahihinuha na kaugnay sa circumcision by “pukpok” ang pelikula ni Direk Manie Magbanua Jr.


“Siguro naman, hindi spoiler—marami talagang naka-relate sa ganun,” napangiting sambit ni Direk Manie sa virtual mediacon ng Sine Halaga nitong Agosto 24, Martes.

Continue reading below ↓

“Yeah, parang ganun yung theme ng pelikula… Itong story ko kasi, based ito sa short story written by Ritchie Pagunsan, isang Antiqueño writer din.

“Na based din sa kanyang essay na nanalo ng 2019 NCCA Writer’s Prize for Essay— Creative Non-Fiction in Kiniray-a.”

Naihimutok kamakailan ni Cavite Governor Jonvic Remulla na dalawang tag-araw nang naudlot ang pagtutuli sa mga binatilyong Pinoy dahil sa COVID-19 pandemic.

“Siguro, baka may mga kuwento rin na ganoon, na na-delay yung kanilang …pagbibinata, ano? Kung masabi mong ganyan,” sambit ni Direk Manie.

“But iyon nga kasi, itong pelikulang ito, kahit dito sa amin sa probinsiya, medyo… sa ngayon, medyo hindi na rin kasi siya masyadong nangyayari.

“Kasi, karamihan ngayon, ginagawa na sa ospital, di ba? Wala na halos ginagawa na ganyan… even iyong mga props na gusto naming gamitin, halos wala na kaming mahanap, e.

“Gusto ko talaga, e, authentic na ‘batakan’ yung tawag sa amin, yung ganyan. Wala na silang mahanap. Wala na kasing nagpa-practice ng ganun dito.

Continue reading below ↓

“Siyempre, yung karamihan, sa ospital na. Parang ganyan. Ewan ko lang dun sa mga malalayong lugar pa talaga, di ba? Siguro ganun.

“Pero dito sa amin, dati… even yung story nito, very common na story ito, e, na nangyari.

“Marami akong kaibigan dito na ganun din ang nangyari sa kanila. Parang ganun.

“So, kaya nung nag-post nga ako at nakita nila yung trailer, actually marami ang nag-message sa akin, ‘Ahh, alam ko na iyan, nangyari sa kaibigan ko, nangyari sa akin ang ganyan.’ Ganun-ganun.”

Biro tuloy ng festival director na si Elvert Bañares, “I-virtual na lang muna natin yung ating mga circumcision this season!”

LOOKING FOR RAFFLESIAS AND OTHER FLEETING THINGS

Ide-deconstruct ng Looking for Rafflesias and Other Fleeting Things ang mga ideya tungkol sa mga tikbalang.

“Proseso siya ng pagki-queer ng Philippine mythology, na sobrang impluwensiya ng heterosexes narrative,” pagmamatwid ni Direk James Fajardo.

“Parang… for example, sa film and literature, parang lagi tayong nakakakita ng lalaki at babaeng tikbalang na ikinakasal, pero hindi natin nakikita yung isang baklang tikbalang, I guess, or isang lalaking tikbalang na nagmamahal ng isang lalaki.

Continue reading below ↓

“So, yung forbidden love na nararanasan ng mga tikbalang, it’s also a parallelism dun sa forbidden love na nararanasan ng mga same-sex couple.”


DANDANSOY

Ang "Dandansoy" ay isang awiting-bayan sa Kabisayaan, tungkol sa pamamaalam kay Dandansoy ng kasintahang uuwi sa Payaw.

Ikinuwento ni Direk Rod Arden Condez ang inspirasyon ng pelikula niya na ginamit ang nasabing awit.

Continue reading below ↓

Ani Direk Rod, “My story was actually based on a conversation with someone who insisted that there is actually a mountain in Panay na pwede kang pumunta doon para mag-dissolve na lang into ashes.

“And I kinda related that to this story of… what about those, yun nga, aswang na walang mapagbibigyan ng bato, but if ever they really wanted na to rest?”


Continue reading below ↓

13 FEET

May bahid ng classic 1915 novella ni Franz Kafka na Die Verwandlung (The Metamorphosis) ang pelikulang 13 Feet ni Direk Carlo Obispo.

“May mga personal akong kakilala, and ako rin naman, tayo naman… may mga experiences tayo na parang feeling natin, nade-detach tayo sa mundo,” kuwento ni Direk Carlo.

“So, yeah… itong 13 Feet is about this normal guy who has a supposed perfect world, but he’s being taken slowly away from that perfect world.

“Kasi, nagta-transform na siya. And no one can help him. Kasi nga, it’s not accepted. It’s not common knowledge para sa mga people around him.

“So, it’s a sad thing for him. Kasi, hindi naman niya iyon pinili. Parang ganun. Bigla na lang dumapo sa kanya yung condition na yun.

“Ang struggle niya is how to actually adapt to the changes that’s happening in his physique, to his body.

“Iyon ang ginawa kong parang parallel sa mental health conditions na nararanasan natin bilang mga individual,” pagbuntong-hininga ni Direk Carlo.

Continue reading below ↓


BAKIT AKO SINUSUNDAN NG BUWAN?

Hirap na hirap ang team ni Direk Richard Soriano Legaspi sa pagbuo ng teaser at trailer ng Bakit Ako Sinusundan Ng Buwan?.

Ayaw siyempre nilang mag-spoiler sa pasabog ng kuwento.

“Ito yung pakiramdam na lahat tayo, may kamag-anak na OFW,” matamang salaysay ni Direk Richard.

Continue reading below ↓

“Ito yung pakiramdam nila once na dumating sila. Posibleng relational narrative din, na parang… ahh, ano ba ang pakiramdam ng isang tatay na nawala nang 20 years? Ano ba yung relasyon niya sa anak niya?

“Pwedeng… ano yung relasyon ng isang lalaki na yung girlfriend pala niya ay asawa na ng best friend niya?

“So, ito yung mga ilalahad ng pelikulang ito. At siyempre, hindi natin siyempre kailangang makalimutan na kapag nasa ibang bansa tayo, kung hindi man nakatingin ang mga migrant worker sa bintana para tingnan yung mga dumadaan na eroplano, nagiging way nila para makipagkuwentuhan sa kamag-anak nila yung buwan.

“At katulad natin, nung bata tayo, itinatanong din natin… bakit nga ba ako sinusundan ng buwan? “Siguro, masasagot yun ng pelikulang ito,” pagngiti ni Direk Richard.


Continue reading below ↓

LORNA

Tinalakay ni Direk Noel Escondo sa pelikulang Lorna ang karapatan ng mga babaeng magtrabaho sa isang trabaho na traditionally ay panlalaki.

“Because we’re living in a very patriarchal society,” paliwanag ni Direk Noel.

“So I think it’s very relevant din because, ahhm, yung nangyayari din ngayon sa bansa natin kung saan minamaliit, or inilalagay sa isang tabi ang kababaihan.

“So I think that’s very important right now na mapag-usapan, because for the longest time, akala natin, malakas na ang mga kababaihan, o nabibigyan na sila ng equal opportunities.

“Pero ang mga nangyayari sa countryside, o yung sa rural, ay ganun pa rin. Meron pa ring diskriminasyon.

“So I think it’s very important now na mapag-usapan yung mga ganitong isyu!” pagdidiin ni Direk Noel.


Continue reading below ↓

BLACK RAINBOW

Wala si Direk Zig Dulay sa virtual mediacon ng Sine Halaga, pero may mga kinatawan siya.

Lahad ng representative ni Direk Zig na si Jed, “Kakaibang representasyon po ang ipapakita natin sa mga Aeta community, lalo na itong mga kabataang Aeta.

“Kasi, di ba… pag nakita natin yung Aeta, nakikita natin yung bata na sumasakay sa jeep, di ba? Tapos, yung kumakanta, ganun.

“Ito yung different side, na actually, ito yung actual reality na pinagdadaanan nila ngayon.

“Na gusto rin nilang mag-aral pero dahil sobrang daming challenges na pinagdadaanan nila, hindi lang dahil sa poverty kundi dahil din sa location mismo nila.

Yung kung saan sila nakatira, masyadong malayo dun sa eskwelahan. Pero dahil may batang nangangarap, na katulad din ng karaniwang bata, na gusto rin nilang mag-aral.

“At itong specific na batang ito ay gusto niyang mag-aral ng computer. Pero wala silang access lahat.

“Para magkaroon ka ng access, kailangan ma-prove mo na marunong kang mag-type sa keyboard.”

Continue reading below ↓


MASALIMUOT YA TIYAGEW ED DAYAT

Tungkol sa pagkakaibigan at identity ang Masalimuot Ya Tiyagew Ed Dayat ni Direk Jan Carlo “JC” Natividad.

“Ito yung growing up, pagpunta sa adulthood, at iyong krisis na nararamdaman nila sa sarili,” saad ni Direk JC.

“At yung pagkilala, hindi lang sa sarili nila kundi sa pinagmulan nila…

Continue reading below ↓

“Ang kuwentong ito ay base sa karanasan ng kaibigan ko, at in-incorporate ko yung supernatural element…”


FILIPINO VALUES

Kabilang pa sa short films na kalahok sa unang Sine Halaga festival ang Hadlok ni Ralston Jover, Mina’s Family History ni Christopher Gozum, Sa Balay ni Papang ni Kurt Steven Soberano, at Salog ning Diklom ni Jordan Jose de la Cruz.

Continue reading below ↓

Walang awards night ang Sine Halaga. Ang entries ay libreng mapapanood for at least one year.

Sabi ng Deputy Executive Director ng NCCA na si Bb. Marichu Tellano, mahigit isang taon ang research para ma-identify ang iba’t ibang Filipino values na importante sa pagpapalago ng mga pamayanan, at ng ating pagkakakilanlan.

Upang maisulong ang common good sa pamamagitan ng Filipino values, nabuo ang Sine Halaga film festival.

“It is really an attempt of trying to highlight our culture that illustrates also the values that had been affirmed by the research that was done by the NCCA,” pakli ni Bb. Marichu.

May educational component ang Sine Halaga. Gagamitin ang short films para sa classroom education.

Lahad ng festival director na si Elvert Bañares, “It’s what makes Sine Halaga unique from other film fests—the films used as a tool to teach Filipino values.

“We are organizing a series of webinars and preparing study guides to aid our teachers in discussing the films to their students.

Continue reading below ↓

“With the help of our teachers, we can articulate effectively the values that each film conveys.”

Pahayag ng huradong si Prof. Tito G. Valiente, “Hindi namin kinalimutan na pelikula yung ginagawa—cinema.

“So dapat hindi mag-iba. Kasi, maraming ginagawang modules sa school, ‘no? So dapat hindi siya magmukhang module, ‘no?

“So, uppermost in our minds, cinema ang ginagawa, and these people are filmmakers, hindi educators. Very clear iyon.

“So, hinahanapan siya ng film language, cinematography, performance, sound design.

“And I think, if you ask me—I don’t know with the other jurors—mas mataas sa akin ang requirement pagdating sa cinematic element.

“Kasi, para sa akin, mas makakapagkuwento, mas makakapagbigay ng magandang mensahe, pag magamit ang lakas ng cinema.

“Because cinema is a very strong potent force of change, ‘no? Kahit hindi mo sabihin na values orientation, palaging may natututunan sa cinema.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twelve short films are featured in Sine Halaga, a joint venture of National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and Negros Cultural Foundation (NCF). Three of the entries are (right, top to bottom) Dandansoy, Bakit Ako Sinusundan ng Buwan?, and Masalimuot Ya Tiyagew Ed Dayat.
PHOTO/S: NCCA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results